CHAPTER 02

1530 Words
"Ayokong mamatay kaya please, pakawalan niyo na ako." bulong ko sa lalaking katabi ko ngayon sa likod ng van.  He just looked at me, tumahimik na ako baka bigla niya akong barilin kapag nagtanong na naman ako. Nagsimula na akong manginig sa takot. Ngayon ako nagsisisi sa ginawa kong pagtakas. Eventually the atmosphere calmed down and he held my hand, "Listen, don't be afraid, I'm just here." mahinahon niyang bulong.  Biglang lumambot ang puso ko at isang iglap nawala ang takot na namumuo sa akin. Bakit kahit nasa kapahamakan at tila masama itong tao, pakiramdam ko ay ligtas ako kasama niya? Ngumiti na lang ako sa kanya na ipinagtaka niya.  "Are you okay? Nasa kapahamakan na ang buhay mo nagawa mo pa ngumiti." he said sarcastically.  Mabilis kong sinarado ang labi at nakinig na lamang sa sasabihin niya.  "Kapag sinabi ko tumakbo ka bilisan mo at 'wag makupad baka huling buhay mo 'ito. Gamitin mo 'yang barili kung nasa kapahamakan ka." sabi niya na para bang kampante lang.  Ikakamatay ko ba talaga ang pagtakbo, imbis na sabihin niya sakin na mag ingat ako lalo niya lang akong tinatakot dahil baka maraming baril ang nakatutok at isang bala lamang patay ako panigurado. "Ilang percent ang buhay ko dito?"  "Nagawa mo pang magtanong. Honestly one percent lang." aniya.  "WHAT?!"  "Shut up!" gumagalaw na ang panga niya sa galit.  Mukhang naipit pa ako sa gulo na kinasasangkutan ng mga ito. Hindi ako sigurado ngunit tila ba nasa gitna ito ng isang transaksyon at bigla na lamang akong sumingit sa eksena. Just a few minutes later, he grabbed my arm pagkatapos ay sumenyas siya sa mga tauhan niya na palibutan ako para kung may nakaabang man na gustong bumaril sa akin naka cover na ako.  "Takbo!" he shouted. Natatakot man sa maaaring mangyari, sinunod ko iyon. I took courage because I don't want to die.  Buhay na buhay akong nakatawid sa loob ng malaking bahay pero ang hininga ko ay hindi na normal hudyat na nahihirapan akong huminga. Bakit ngayon pa ata ako aatakihin ng asthma kung kailan nasa panganib ang buhay ko.  "Miss, napaka galing mo din mang-akit noh." bumungad sakin ang lalaki na inagawan ko ng baril kanina.  Unti unti siyang lumalapit sakin hanggang sa corner na ako sa pader. Karma is real kanina lang siya ang inuuto ko then now ito na ang karma ko sa kanya. "Ah-eh peace tayo kuya." pekeng ngiti ang hinarap ko sa kanya habang hawak ang baril sa likod ko.  Ayokong pumatay talaga wala sa dugo ko 'yun.  "Vincent!" sigaw ni black master ang narinig ko mula sa 'di kalayuan at makikita ang galit sa mukha niya habang gumagalaw ang panga niya.  Creepy! Gusto ko na umalis sa lugar na 'to puro kaguluhan.  "Boss! Pasensya na kayo-"  "Come here." mahinahon ngunit may diing wika nito.  Takot sa mga mata ng lalaki ang lumitaw kaya pati ako ay natatakot baka sinapian ng masamang espiritu si black master. "Pwede bang iwan ko muna kayo?" sabi ko at ihahakbang ko na sana ang mga paa ng masamang tingin ang itinapon niya sakin.  Nag stay ako sa kinatatayuan ko at umiwas ng tingin sa kanya.  Nagulat ako ng malakas niyang sipain sa paa ang lalaki dahilan kaya napaluhod ito sa sahig. Bakas dito ang sakit na halos gusto nitong lumuha at gustuhin ko man umawat ngunit ako ma'y takot din sa tinatawag nilang black master.  "Tayo!" malakas na sigaw niya ang bumalot sa loob ng abandonadong bahay at lumabas lahat ng tauhan niya.  Sobrang dami niyang tauhan na nakapalibot.  "Boss nalimas na namin silang lahat." wika ng lalaking blonde ang buhok.  Walang salitang naglakad si black master patungo sa pwesto ko at nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang takot. Ibig sabihin ubos na grupo ng mga sindikato din katulad nila. "Bitawan mo nga ako! Masakit kaya-"  "Shut up! Alam mo bang dahil sayo muntik na akong mapahamak at ano naman ang nakain mo para tumakas?" he laughs bitterly. "Baka nakakalimutan mo na binayaran kita kanina sa mga lalaking humahabol sa’yo." aniya sabay tulak sakin sa isang tabi.  He looked at me directly, and walked towards me. I felt scared again because he took off his white t-shirt in front of me. "Are you good? Kaya mo ba akong paligayahin?" he said seductively.  Nakakapanood lamang ako ng mga romance pero never ko inisip na sakin mismo gagawin, I mean simple kiss lang ang napapanood ko dahil ayoko sa mga over romance na, "Black master baka gusto mo-"  Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mas lumapit siya at makipag titigan.  "D-don't please." pagmamakaawa ko habang nakakatunaw ang mga titig niya sa mata ko.  He laughed quietly, "Ang tapang mo akitin ang tauhan ko hindi mo naman pala kaya."  Tumayo siya at nagsuot ng damit bago inabot ang kamay niya para makatayo ako kung saan niya ako tinulak kanina. Buong akala ko makukuha na niya ang pinagkakaingatan kong virginity dahil para sakin sa lalaking minamahal ko lamang ibibigay iyon at isa pa masyado akong bata para bumigay kahit na gwapo at hot siya.  "Let's go." sabi niya habang pinanatili ang hawak sa kamay ko na para bang ayaw akong pakawalan.  "Where are we going?" I asked. "We need to talk about your identity," he said. Bibitaw sana ako sa pagkakahawak niya dahil medyo awkward nagawa niyang mas higpitan ang hawak at nagulat ako nang humarap siya sakin at nilapit ang mukha niya sa mukha ko sabay bulong, "Hindi bagay ang baril sayo." wika niya at tuluyang kinuha ang baril sa kamay ko. Katapusan ko na. Habang nakahawak ang kamay niya sa aking kamay sinamantala kong titigan ang buong mukha niya. Totoo pa lang may nabubuhay na kalahi ni Adan sa mundo at hindi ako magtataka kung maraming babae sa bar ang nagalaw na niya. Womanizer ang tawag nila sa mga hindi mapakali sa isang bulaklak.  Mabilis ngunit maingat ang paghakbang ko sa isang naglalakihang bato at mga semento na nakalatag sa sahig sa buong bakanteng silid at gayon din naman siya. "Ano bang gusto mo malaman?" pangunguna ko.  Sa halip na sagutin ang tanong ko may inilapag siyang isang larawan kung saan kasama ko si daddy na sumasaludo sa harap ng kapulisan, seryosong aura na humarap siya sakin. "Is that you, right?"  "Where did you get that? May gagawin ba kayong masama sa pamilya ko?"  He laughed before holding my arm tightly, "Ikaw ang dapat ko tanungin niyan pulis ka ba o kasamahan ka ng daddy mo na nagpapagalaw ng mga tauhan para lang protektahan ang isang damakmak na sindikato sa buong industry?"  "Ano ba nasasaktan ako!" nagpupumiglas ako dahil masyadong mahigpit ang hawak niya.  "Answer me!" he shouted louder.  Napaigtad ako nang ilipat niya sa pulsuhan ko ang mahigpit na pagkakahawak niya ngayon. Balak niya ata putulan ako ng ugat. "None of the above, kaya please bitawan muna ako."  "Romero!" tawag niya sa tauhan.  Parang takot na takot lumapit ang mga ito sa kanya, "Boss!" sabay sabay nilang banggit.  Luminga muna siya sakin bago humarap sa mga tauhan niya at iniabot ang larawan ko, "Ira Garcia Madrigal. I need information about her." aniya habang ang mga mata niya ay nakatingin na sakin.  "Copy boss." Sa unang tingin, mukha siyang anghel para sakin at dahil gwapo at hot siya nakuha na niya ang attention ko. Pero hindi ko 'to inaasahan na masyado siyang malupit at nakakasakit. Sinabi ko sa aking sarili na iibig lamang ako sa lalaking may respeto at paninindigan pero sa nakikita ko sa kanya wala siyang ganoong pag uugali kaya kailangan ko lumayo sa lalaking ito.  "Paalisin muna ako please! Wala akong pagsasabihan kahit sa pamilya ko-"  "Did I tell you to speak?" putol niya sa nais kong sabihin.  Bumalot ang katahimikan sa pagitan namin at wala na din akong balak magsalita dahil konting kembot na lang aatakihin ako ng asthma, buti nga at hindi ako inabot kanina kundi baka ngayon nakahubad na ako dahil kay black master.  "Dalhin siya sa Promero village." may awtoridad nitong utos sa mga tauhan niya. Walang siyang reklamo na maririnig mula sakin sapagkat wala naman akong kalaban laban kaya dapat lamang ako makisama at tanggapin na hanggang dito na lang ang buhay ko.  Sumakay kami sa van na kanina ko pa nakikita at 'yung isa ay nasakyan ko kani-kanina lamang.  "Miss, alam mo ba na dahil sayo, sinaktan si vincent ng aming black master." parang may sama ng loob na wika ni romero.  "Hindi ko kasalanan na masyadong wild 'yang boss niyo." komento ko.  "Kasalanan mo dahil napagkamalang binastos ka ni vincent."  Speechless  Is it true? Baka naman pumalpak lang sila kaya nagagalit ang damuhong 'yun pero wala akong kinalaman 'don kasi pare-pareho silang walang respeto sa babae. "Binastos din niya ako kanina." bulong kong wika.  "Pero miss 'wag ka mag alala dahil hanggat magagamit ka niya laban-"  Tumigil siya sa pagsasalita nang biglang pumasok si black master sa loob ng van at may nakakatakot na tingin sa aming lahat, walang kahit na isa ang nagsalita o nagtanong sa damuhong lalaki pero ako may lakas ako ng loob dahil kung papatayin nila ako bakit hindi pa ngayon pinahihirapan lang nila ako.  "Ano ang balak mo sa akin?" mataray kong tanong. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD