CHAPTER 1

2164 Words
Chapter 1: You can't replace her ** Nicolle Pov ** After six long years ay naayos na ang lahat. Six long years na mula nang mamatay si Fiona. I used to call her Fiona rather than Dolly. Ang weird kasi na tawagin ko siya sa pangalan ko. Bakit nga ba magkapareho pa kami ng pangalan? Psh! Anyway, I owed that girl, big time.   After what happened in her burial last six years ago, I suffered six months in jail. Yeah. I really regret everything. Hindi ko inaasahang mamatay siya dahil sa mga nangyari. I just hate her. Sa tuwing kasama ko si Jilton noon ay bigla siyang e-eksena para gulohin ang nararamdaman ng taong gusto ko. Anyway, cut this drama.   Honestly, wala namang umaresto sa ‘kin dahil kusa akong sumuko. Nakokonsensya rin naman ako sa mga nangyari at hinahabol ako nito hanggang sa pagtulog ko. Wala naman akong kasalanan pero pakiramdam ko ay ako ang dahilan ng lahat. Nang makalabas ako sa kulungan, gusto kong ayusin ang lahat. Tatlong taon kong pinagsikapang makuha ang tiwala nila. Lahat ginawa ko para mapatawad nila ako.   Ngunit ang mga kaibigan ni Fiona ay talagang mga malditang nilalang na itinapon rito sa earth. Hindi talaga nila ako pinatawad. Ilang taon na ang nagdaan mula nang natanggap ako ng mga tao sa paligid ko. Ang kapatid ni Fiona ay napatawad na ako, pati rin ang miyembro ng Black Mamba at lalong lalo na ni Kenji.   Yes. He trust me now. I earned his trust few years ago. I earned all their trust for more than three years. But still, I'm not happy. I can't replace Fiona in their lives. I must admit, she is so lucky to have everything. Nasa kanya na yata ang wala sa ‘kin, including Jilton.   "Excuse me, Ms. Standford, Mr. Suzuki and Mr. Smith want to talk to you in the office now." sabi ng secretary ko. I am one of the owner of this company. Kasama ko sa company na ‘to ni Lex at Kenji. They are from wealthy clan pero gusto raw nilang magtayo ng sarili nilang kompaniya. Ang totoo ay silang dalawa lang dapat ang may-ari ng Dynamic Horizon pero pinainvest din nila ako. Sariling pera ang pinundar nila sa lugar na ‘to. Naaalala ko pa noong panahong kakagraduate ko pa lamang ay gusto nila akong mag-invest sa kompanya nila.  Pumayag ako sa offer nila na kaming tatlo ang magtutulongan para mapatayo at mapalago ang Dynamic Horizon. Ang hindi ko rin maintindihan kay Kenji ay may negosyo naman ang pamilya nila pero mas pinili niyang magtayo ng sarili niyang kumpanya at ‘wag ng umasa sa pamilya niya. Lahat ng Black mamba ay Business Administration ang kinuhang kurso at naging matagumpay rin ang career nila kaya maaga silang nakilala sa industriya. Well, maybe because they are all belong to the wealthy clan and they are new faces of success in business world. Their parents are all businessmen and some of their parents are politician. ‘Yung ibang kaibigan nila nanatili sa kompaniya ng pamilya nila and I think si Lex and Kenji lang ang tumayo sa sarili nilang mga paa at di na umaasa sa mga magulang nila. Well, hindi na ako magtataka if ganiyan si Lex kasi may pamilya na siya, but Kenji? For cheesecake sake, he is also new in the business world. Nauna lang siya ng isang taon sa akin bago naka graduate. Naalala ko pa noong nag-aaral pa lamang si Kenji. Halos araw-araw siyang lasing at hindi umuuwi sa bahay nila. Tuluyan na talaga siyang kinain nang sistema kaya rin huminto siya sa pag-aaral niya. Natauhan lang siya nang nakialam na ang mga Kuya ni Fiona. Sinabi nilang hindi nanaisin ni Fiona na maging pariwara si Kenji sa pagkawala ng dalaga. "Good afternoon." I greeted. Pagkapasok at pagkapasok ko, I was amused with their office. This is made up of crystals, expensive vase and paintings. Yeah. Painting of his beloved ex-girlfriend s***h ex-fiancee. He's still a f**kin' lovesick, lunatic inlove with Fiona. And why do I have this feeling na inis na inis ako? Psh. Why it’s always end up with her? Am I bitter? But why? Aish! Basta ang office ni Kenji ay classy and elegant. ‘Yun na ‘yun. "Oh, well, you're here." sabi ni Lex. Nakaupo lang siya sa couch at si Kenji naman ay nakatitig sa glass kung saan makikita mo ang kabuohan ng lungsod. He looks hot. Erase! Erase! "Yeah, what is it?" I asked. "Just wait." tapos tumingin siya sa wrist watch niya. "Parating na ‘yun sila." "Sinong sila?" I asked. May iba pa pala kaming makakasalo sa meeting na ‘to?! And I think it's serious since I can see from their faces that we have to discuss something important. "Hello! We're here!" Bago paman makasagot si Lex sa tanong ko ay biglang pumasok ang tatlong babae. "Ikaw? Psh. Kasali ba siya? Ano ba ‘yan?!" that girl. She's Gucci. The best friend of Fiona. The three girls, Hermes, Gucci and Channel are here. They are FRIENDS. Their names are meant to be. Psh! "Of course girls. She's one of the owners, remember? So have a sit please!" sabi ni Lex. "Let's start," saka lumapit si Kenji. Kaniya-kaniyang bulong naman ‘tong tatlo at halatang ayaw nila akong nandito. No choice. Kahit pa ano’ng ayaw nila ay wala silang magagawa. Nasa iisang mundo lang ang ginagalawan namin at talagang makikita at makikita nila ako. "So, it's a deal?" tanong ni Kenji. Kanina pa kami nag-uusap. Gusto kasi nilang e-promote ang bagong boutique nila at sabay din naman nun ay ang first anniversarry ng Dynamic Horizon. Next week will be a busy week! Kailangan maging elegant and classy ang party na ‘yun para sa Dynamic Horizon at sa boutique nila. Well, isa rin kasi sa program na hinanda ang fashion show. So, we need models. We need these three girls to invite wealthy businessmen to invest in our company.   Sa isang taon namin pagtataguyod sa kompanya na ‘to ay naging maayos at di naman kami nagkaproblema. Pero ngayon na umabot na ng isang taon ang kompaniya ay we madly need a lot of investor. And we need the help of these three girls and vice versa. "Deal!" sagot ni Hermes. "But we really need lot of models. Well, we have some pa naman but I think it's still not enough to show all my design to them. There are lot of elites and wealthy people in the party. I have to show all my works." sabi ni Channel. Iyong medyo maarte. "Like, duh? Sa standard mo Channel ay mahihirapan ka talagang maghanap. You want a walking barbie doll!" sagot ni Gucci. "Yeah, yeah. Kung nandito lang sana si Dolly paniguradong siya lang ang kaisa-isang taong kayang e-rampa ang mga gawa ko. She is a ramp model after all.” Pag-aalala ni Channel kay Fiona.   Tumayo naman si Kenji at bumalik sa kinatatayuan niya kanina at pinagmasdan na lang ang tanawin sa salamin ng opisina. Oh. He’s still affected ha? Sino ba namang hindi maaapektohan pag si Dolly na ang pinag-uusapan? "Yeah. It's perfect for her. Magaling kasi siya rumampa ng damit. Marami pa namang mayayaman don. Baka madiscover pa ang mga gawa mo. And of course e-po-promote ko rin don ang boutique ko, ay este natin pala. Malaki kaya ang na pundar ko ron. I'm so excited." Masayang wika ni Gucci. "But I really need models." ulit ni Channel. "May kilala naman si Jigs na magagandang babae. You should ask him.” Suggest ni Lex na siyang kinaarte ni Channel. What’s wrong? Masama bang mag suggest?   "Yea. His collections, sluts and whores! With ‘s’ pa ‘yan ha! Tss. Lex, I have my own standard." sabi ni Channel. Napatikhim naman ako and out of nowhere ay tinaas ko ang kamay ko. Okay, all eyes on me. "Ahmm. Ano kasi, I can be one of your models if you want." I suggest. Kesa naman maghanap sila ng iba, bakit hindi na lang ako? Tiningnan naman nila ako nang masama. May nasabi ba akong mali?   "Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ni Channel. "Are you crazy?" react pa ni Gucci, "You think that you would fit for that standard?" tanong niya na may diin pa sa salitang standard. Psh! Childish! "Why? Is there something wrong with me? I'm Dolly Nicolle. I can do that." sabi ko. Hindi naman sa may karanasana ako but I know how to pose. That’s easy peasy!  Tumayo naman sila at matalim akong tiningnan. "We will go na. I think some polluted air entered in this room and it's really suffocating." sabi ni Channel with hand gesture pa na parang may masamang hangin talaga na pumasok sa ilong niya. "Wait. I can be one of--" pigil ko sa kanila saka tumayo pero agad rin naman akong pinigilan. "Can't you see? We don't like you! We even hate you! What wrong with you? Jesus!” she rolled her eyes, “You simply killed our bestfriend!” tiningnan nila ako ng masama, “And yea, you're Dolly! Dolly Nicolle!!! And don't try really hard to become Dolly Fiona because you're not! As in, never! You're far from her! You can't replace her! Never! You can't do what Dolly Fiona did! She's better than you! She's amazing and you're just a trash! A junk! So, get lost!" sigaw ni Hermes. She really hate me so much. I said sorry to them many times but still ayaw pa rin nilang tanggapin.   "Woaahh. Girls, enough." awat ni Lex at tumayo para awatin sila. Naka-upo pa rin ako habang nakatulala sa mga sinabi nila. Wala ba silang planong mag move-on sa mga nangyari sa nakaraan? It was six years ago at hanggang ngayon hindi pa rin nila ako matanggap-tanggap. "We really hate you! Ay, no! We loathed you! Go to hell!" sabi nila. Tumayo na rin ako para harapin at pigilan silang umalis. "I really don't understand you! Why all of you hates me?! For Christ sake, it was six years ago! Why don't you just can't move on? Napatawad na nila ako at pati ng mga Kuya niya! Humingi na rin ako ng tawad sa inyo! What's wrong with that!? I deserve a second chance! I want you all to be my friends. A real one." I said at tumulo ang luha ko. Siguro dahil na rin sa inis ay napaiyak ako. "Ano ba?! Girls tama na. Hindi ‘to maaayos kung ganiyan kayo," singit ni Lex at pumagitna sa ‘min. "You can never change the fact that you killed her! Isa pa hindi mo kami mauuto. Kung sila nauto mo sa paawa effect mo, well, kami hindi! As in, never!" sigaw ni Gucci at pinandilatan pa ako. Bakit ba ganyan ang galit nila sa ‘kin eh hindi ko naman pinatay si Dolly?! Nasaktan ko lang siya. ‘Yun lang naman ang naging kasalanan ko. Hindi ako ang pumatay sa kanya. Sasagot pa sana ako pero naunahan ako ni Hermes. "Yes, you said sorry to us, pero kay Dolly ba? Did you say sorry to the woman who died six years ago?" she snapped. Napatitig ako sa kanila. Yes, hindi ako pumunta sa libing niya at hindi rin ako dumalaw sa puntod niya. Wala akong lakas ng loob para pumunta sa puntod niya. Alam kong matagal na ‘yun pero hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng konsensiya ko. Hindi ko siya kayang harapin.  "You never say sorry to her and you never visit her, even her child!" sigaw ni Hermes. "Enough! Leave this office now. I want to be alone." Ma-awtoridad na utos ni Kenji. Hanggang ngayon alam ko he's still hurting. Ako rin naman nasasaktan sa mga nangyayari. Naapektohan rin naman ako sa mga nangyari sa amin. Ano bang akala nila? Na sila lang palagi ang nasasaktan at naaapektohan? Tiningnan ako nang masama ng tatlong magkaibigan at bago lumabas ay muli silang nagsalita na siyang nagbigay ng panibagong sugat sa puso ko. "You can't replace her, simply because you’re Dolly,” she smirked before she continues, “Dolly Nicolle!" sabay nun ang malakas na pagsirado ng pinto. Natahimik kami sa loob. "Leave." seryosong sabi ni Kenji. "Tara na, Nic." wika ni Lex. "I'm sorry, Kenj." I said. Hindi ko mapigilang mapaiyak. "I said, just leave!" Hindi na ako sumagot dahil hinila na ako ni Lex palabas ng office. Tumakbo ako papuntang CR. Hanggang ngayon si Fiona pa rin ang magaling. Siya paring ang mahal nila, siya pa rin ang hinahanap nila, at siya pa rin ang gusto nila. 'You can't replace her!' Napahagulgol na lang ako. Sino ba naman ako para mapalitan siya? Curse this feeling!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD