Awkward Encounter

2201 Words
Ruth Wearing my earbuds habang kausap ko sa kabilang linya si Ate Kelsey na nasa Korea ay kasalukuyan akong namimili sa isang grocery store sa bayan. "Agahan mo na lang sigurong umuwi ate, para naman makapag-bonding pa tayo bago ang kasal, hindi ba? Mas masaya iyon, at matutuwa pa si nanay." Nakatayo ako sa milk section at habang kausap ko si ate ay iniisip ko kung fat free o hindi ang kukunin kong sterilized milk. At dahil kasalukuyan ang diet ko ngayon ay doon ako sa low fat na milk, ang siste, nasa taas iyon at sa height ko ay imposibleng maabot ko iyon. Lumingon ako sa kanan at kaliwa, walang pwedeng mautusan kaya't pinilit kong abutin iyon. "Hindi kasi ako kaagad nakapag-book ng ticket, Ruth, pero susubukan ko ha. Hindi rin kasi kami pwedeng magsabay na uuwi ng kuya mo, may pasok ang mga pamangkin mo rito ngayon," wika ni ate mula sa kabilang linya. Pilit kong inaabot ang isang sterilized milk habang nakikinig kay ate, ngunit kahit anong tingkayad ang gawin ko ay hindi talaga kaya. Hanggang sa mayroong umabot niyon para sa akin. Nagulat pa ako nang ibigay niya sa akin iyon at naamoy ko mula sa katawan ng kung sino ang mabango at preskong samyo. Kung hindi ako nagkakamali ay mamahaling pabango iyon, lalaking-lalaki. Ngunit nagpa-atras ako nang mapagtanto kung sino ang tumulong sa akin. "Oh sir, ikaw pala," ako na ang unang nagsalita. He just smiled and umabot pa ng isa. Halatang galing siya sa pagja-jogging coz he's wearing his gray sweatpants and fitted black shirt na humulma sa kanyang matipunong katawan. Inayos kong mabuti ang eyeglasses ko na bahagyang bumaba sa aking ilong upang makita ko siya ng husto. "Nice to see you again." Nagtaas baba ang kanyang paningin sa akin. Gosh. He saw me in my worst. I am wearing my terno pajamas na may print na hello kitty and old slippers na kulay brown. Napangiti siya nang makita ako sa hitsura ko. I am sure na pinagtatawanan niya ako ngayon alas nuwebe ng umaga sa loob ng grocery store na ito. Two weeks na yata ang nakaraan ngunit fresh pa sa aking isipan ang mga naganap noong Alumni Night and Homecoming sa San Lorenzo State University. That night was unforgettable, me sitting beside my highschool crush. "N-nice to see you again, sir," naiilang kong tugon. For a moment, nagkatitigan kaming dalawa, ngunit agad niya itong binawi nang kumuha pa siya ng isang sterilized milk. "Isa lang ba ang kukunin mo?" he asked na nakatingin sa cart ko. At sa kamalas-malasan pang pagkakataon, nasa ibabaw pa ang isang pack ng sanitary napkin na may tatak na Whisper. "No, this is enough," saad ko kahit na tatlo sana ang kukunin ko. "Alright, you're welcome, Miss Villaflor," nakangiti niyang wika. Nakakaloko ang kanyang ngiti, ang gwapo niya pa rin. Ang ngiti niya ay parang kay Aga Muhlach, pero kung seryoso ang mukha siya, ay para siyang isang Latino Model. "Thank you, sir," naiilang ko pa ring wika. Siya na ang nag-initiate para mag-thank you ako sa kanya nang dahil sa pagsasabi niya ng 'you're welcome.' Itinulak ko na ang aking cart at nagtungo na sa counter para magbayad. Alam kong sinundan niya ako ng tingin at labis ang naramdaman kong pag-iinit sa aking pisngi nang mga sandaling iyon. HABANG nakapila sa counter, ay nakikipag-usap pa rin ako kay ate. "Boss mo ba iyong kausap mo kanina?" tanong niya sa kabilang linya. "Hindi ate, basta. Kakilala lang," sagot ko. "Bagong kakilala?" "Yes. Anyway, huwag siya ang topic natin," pag-iiba ko ng usapan. Kasalukuyan siyang nagbibilang ng kanyang kaperahan dahil nagmamay-ari siya ng isang pwesto ng kainan sa Seoul katuwang ng kanyang Koreanong asawa. "Nakilala mo ba ng husto iyang mapapangasawa mo?" tanong niya. "Oo ate. Hindi ba't palaging siya ang kinekwento ko sa'yo, last year pa." "Aba siyempre, puro lang naman kilig ang kinuwento mo tungkol sa kanya. Kumusta naman ang dark side? Pag may tampuhan kayo, hindi ba't hindi ka nagkukwento sa akin?" "Hayaan mo na iyon te. Ang mahalaga, ikakasal na kami ni Cleo." "Basta't hindi ka niya sasaktan, kasi kapag nalaman naming sinaktan ka niya, uuwi ako diyan at isasama ko ang buong militar ng Korea." "Ayan ka na naman ate. Hindi manloloko si Cleo. Mabait siyang tao, plus gwapo, at magaling sa buhay. Ano pang hahanapin ko, hindi ba?" "Ruth, hindi porque gwapo ay hindi ka na sasaktan. Marami akong kilala diyan ha?" "Yung ex mo na naman?" sabad ko. "Si tatay," mahina niyang wika. Natahimik ako sa sinabi niya. Kapwa hindi namin alam kung ano ang susunod na pag-uusapan, dahil sa totoo lang ay nakadama ako ng lungkot nang banggitin ni ate si tatay. Yes, she left us, when were still young. Apat kaming magkakapatid at ako ang pangatlo, si Rovick na bunso ay may sarili na ring pamilya kaya't ako na lang ang single sa aming apat. Sa lahat ng mga kapatid kong ikinasal, wala si tatay. Pangarap kong maihatid man lang ng tatay sa altar bago ako makipag isang dibdib. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi pa ako naging handa para sa pag-ibig sa matagal na panahon. Ngunit nung dumating si Cleo 4 years ago ay doon lang ako nag-entertain ng manliligaw ko. Dahil sa pag-asa kong makita man lang sana si tatay bago ako ikasal ay na-delay na ang lahat. Isa pa'y sanhi na rin ng pagsikip ng dibdib ni nanay ang pag-alala kay tatay sa tuwing magtatanong ako, kaya't mula noon ay inihinto ko na rin ang paghahanap sa kanya. "Hay nako ate, kung sana nga ay nandito pa si tatay, siya sana ang maghahatid sa akin sa altar, hindi ba?" pinilit kong pasiglahin ang tono ng boses ko upang sa gano'n ay maging light lang ang usapan naming dalawa. "Hindi lang sana ikaw, maging ako rin sana noong araw ng kasal ko," tugon ni ate. Nangilid ng bahagya ang luha ko ngunit pinigilan ko na lang iyon dahil hindi dapat ako nalulungkot. "Oh siya, marami pa akong gagawin. Tawagan mo na lang ako ulit mamaya," paalam ni ate. "Opo. Sige ate, salamat." Matapos ang pag-uusap naming dalawa ay eksaktong ako na ang magbabayad. "Good morning ma'am," bati ng babae sa counter. "Good morning," bati ko. Isa isa ko nang tinanggal sa cart ang mga pinamili ko. Nang matapos iyon ay binanggit na ng babae ang amount. "PHP 2,535.75, po lahat ma'am." Ilalabas ko na sana ang wallet ko nang mula sa aking likuran ay iabot ng kung sino ang isang card. "I'll pay for her," wika ng baritonong boses ng lalaki. Lilingon pa sana ako para tingnan kung sino iyon pero dahil sa pamilyar na amoy ay alam ko na kung sino, si Redenthor Alcaraz IV. "Naku sir, ang dami nito. Huwag na, ako na lang." Binawi ko ang card na inabot niya sa babae ngunit kaagad niya rin naman iyong nakuha sa akin at muling inabot sa babae. "Miss, I'll pay for all of those plus these." Isiningit niya ang sarili niya sa maliit na espasyo upang ilagay ang kaunti niyang pinamili na nasa basket. Mas lalo kong nalanghap ang mabango niyang amoy at ang mainit niyang balat na dumampi sa aking balat. Wala na rin akong nagawa nang manaig ang desisyon niya. Nakangiti na lang ang babae sa amin habang ginagawa ang kanyang trabaho. "Php 654.00 po lahat sir. Dito na rin po ba?" tanong ng babae sa counter. "Yes, please." Natapos nang nailagay sa kahon ang mga pinamili ko at hindi ko alam kung aalis na ako agad or magpapaalam pa muna ako sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ko mawari ang dahilan kung bakit niya binayaran ang groceries ko kaya't blangko pa rin ang rason sa aking isipan. Itinulak ko na ang cart na pinaglagyan ng kahon ng aking pinamili upang makalabas na rin siya. Kaagad niya akong sinundan hanggang sa makalabas na kaming dalawa. "Thanks. Huwag ka na sanang mag-abala pa sir, hindi mo naman dapat ito binayaran," nahihiya kong wika. "It's just a simple gift for you, I heard na ikakasal ka na. Just accept it," aniya. Kanino niya nalaman na ikakasal na ako? Nagtanong ba siya tungkol sa akin? Hindi na lang ako umimik. Sino ba ako para regaluhan niya? Hindi naman kami close. "Do you live nearby?" he asked. "Yeah, may sundo ako," wika ko kahit wala naman talaga. "Are you sure? Ihahatid na kita," aniya. "Hindi na. Masyado nang maraming abala sir. Okay na po ako," nahihiya kong wika. "No, may gusto rin sana kasi akong itanong sa'yo, kaya't ihahatid na kita." Hinawakan niya ang pinamili ko at wala na akong ibang nagawa nang buhatin niya iyon ay dalhin kung saan. And there, I saw him opened the compartment of his car and umikot siya upang paandarin iyon. For a moment, nasa tapat ko na ang kotse. "Sakay na," he said mula sa nakababang bintana. And then I found myself sitting beside a man na bago ko lang talagang nakilala. It's so awkward dahil ang music pa sa kanyang stereo ay ang kanta ni Barry Manilow na Somewhere Down the Road ang kasalukuyang naka-play. "San Gabriel, Zone 6, Fayewood Street, Block 76," wika ko bilang pagbibigay ng direksyon sa kanya. Parang gusto ko nang bawiin na malapit lang ang bahay namin dahil sa totoo lang ay more than 20 minutes ang dina-drive ni Rovick para ihatid ako rito sa bayan, at wala pang traffic sa lagay na iyon. Mukhang ito na yata ang pinakamatagal na 20 minutes ng buhay ko, dahil sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan. Matagal na akong nakaupo at matagal na ring nagriring ang notification warning ng kanyang kotse. He made sure na naka-close lahat ng doors and when he realized na seatbelt ko pala ang hindi nakakabit ay saka siya nagsalita. "Ahm, excuse me, can you...can you just put on your seatbelt?" halos hindi niya masabi iyon. "Ah, sorry. Yeah, sure." Kaagad ko rin namang ikinabit iyon. "By the way, ano nga pala yung tatanungin niyo, sir?" Ang awkward talaga ngayon pero wala akong choice. "Wala, nawala na sa isip ko. Baka ibang tao lang iyon. So, don't mind it." Luh? May tatanungin pero hindi itutuloy? Baka naman pakana niya lang iyon para sumabay ako sa kanya? Wala akong kibo habang binabaybay namin ang daan. Hanggang sa mayroong tumawag sa kanya. Because it's connected sa speaker ng sasakyan ay narinig ko ang pag-uusap nila ng tumatawag. "Hello daddy, where are you?" boses babae. "Hello sweetie, I am on my way home, may ihahatid lang si daddy," aniya. "Bumili ka ng pinabibili ko,dad?" "Yes baby girl. Don't worry, daddy will be there very soon, okay? You'll be fine soon, I promise," sagot pa niya. "Okay daddy, I love you." "I love you, too sweetie." Anak niya ang tumawag, and they sound so close to each other. "She's sick, and ako ang hinahanap niya palagi," wika ni Sir Alcaraz IV kahit na hindi naman ako nagtatanong. "Daddy's girl," dagdag ko. "She's always been a daddy's girl, kahit pa malaki na siya ngayon." Nakaramdam ako ng kaunting inggit sa anak niya dahil sa totoo lang ay hindi ko naranasan ang makasama ang tatay ko sa aking pagtanda. I was 5 when he left us. Kaya naman nag-focus na lang ako sa daan upang mawala sa isip ko ang bagay na iyon. "By any chance, may I ask if, you're currently connected to BDO?" "Yes sir, naka-leave lang ako ngayon, because of the needed preparations for my wedding." "Alright. San Lorenzo Branch?" "Yes sir. Why? Bakit mo po natanong?" Curious kong tanong. "I think I know your soon to be husband," he replied. "Prince Cleo Abante Jr." kinumpleto ko ang pangalan niya. "I am not so sure but I think I know him. Anyway, iyon lang naman ang gusto kong tanungin sa'yo, that's why hindi ko na sana itutuloy kanina," aniya. Iyon lang naman pala. And then, finally, nakauwi na ako. He helped me carry the grocery items na pinamili ko at dinala pa iyon sa tapat ng gate ng aming bahay. For a while, tumingin siya sa aming tahanan and then binalik ang tingin sa akin. "You have a nice place, huh?" "Thanks for all of these sir. Anyway, baka gusto niyo munang tumuloy?" pagmamagandang loob ko kahit pa sa totoo lang ay ayaw ko naman sana. "No, it's okay. Nagmamadali na rin kasi akong umuwi. My daughter...you know, she's sick." Akma siyang maglalakad pabalik nang tawagin ko siyang muli. "Sir, sorry to say..." "Say what?" "Sana hindi na po maulit ito. It's not because I don't like it, but because this is too much. Hindi naman po talaga tayo magkakilala personally but you know, nakakahiya lang. So, sorry to say this. And thank you." "Yeah, sure. Nothing to worry about. Until then..." he replied na may mapait na ngiti. Alam kong nalungkot siya sa mga sinabi ko sa kanya ngunit iyon naman talaga dapat ang mangyari. "Yes, till then, Sir Redenthor Alcaraz IV," I replied. Iyon lang at pumasok na siya sa loob ng sasakyan, and then he left. Nang ihatid ko siya ng tingin ay may kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib. I can't explain why, but I felt it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD