The Homecoming

2119 Words
Ruth "Ruth, ikaw na 'yan? Ang ganda ganda mo na lalo!" Sinalubong ako ng yakap ni Queenie, ang aking seatmate at long lost friend noong ako ay nasa kolehiyo pa lamang. It's been 10 years mula noong nakapagtapos ako sa San Lorenzo State University sa kursong Bachelor of Science in Accountancy. This university has opened a lot of opportunities for me, lalo pa't hinubog nito ang mga potensyal naming mga graduates. Today, January 3, 2024 is our Grand Alumni Homecoming. Mula batch 2005 hanggang batch 2015 ang imbitado sa homecoming na ito. Kaya't ngayong gabi ay napakaraming tao sa San Lorenzo Gymnasium ngayon. Mula noon ay marami nang nagbago, marami nang nag-improve at marami na ring teachers na wala, marahil ay nag-retire na. "Ikaw pa rin ang ultimate crush ko, ang ganda mo pa rin Ruth. Sayang lang at ikakasal ka na." Nilapitan pa ako ni Greg, ang kaklase naming never kong inentertain ang panliligaw sa akin. "Hanggang ngayon Greg, bola bola pa rin yata ang favorite mong snack." Kinurot ko siya sa tagiliran. "So, kumusta ang preparation sa kasal, I am sure excited ka na!" Inayos pa ni Queenie ang aking buhok nang sabihin niya ito. "Hay naku, ilang buwan na lang pero parang ang dami pa ring hindi nagagawa at naaayos," ang sagot ko. Naupo kami sa group ng mga accountants, sa tabi ng mga engineers. Naaalala ko pa dati nang madalas kaming dumaan sa Engineering Departament dahil maraming gwapo at mucho sa college na iyon. "Ang gwapo ng jowa mo sis, saan mo siya nakilala?" Wala pa ring nagbago kay Queenie, ma-chika pa rin. Sa table namin ay anim kami, puro mga kaklase ko noong college, sina Greg, Queenie, Myra, Rolando, at Riza. "Sa kabilang branch ng bank lang, matagal na rin naman kami ni Cleo, kaya't we decided na magpakasal na rin," mahina kong sagot dahil hinahanap ko pa ang comfort ko na makipag-usap sa kanila. Nahihiya pa ako, actually. "Congratulations, Ruth. Deserve mo rin namang sumaya, lalo na't first boyfriend mo iyon di ba? Oh, updated pa ako sa lovelife mo hanggang ngayon," pagmamalaki niya. Ngiti lang ang tanging naging tugon ko nang sabihin niya iyon. Tama siya, Cleo is my first and last boyfriend. And in a few months, ikakasal na kaming dalawa. Four year rin kaming naging magnobyo at nobyo and when he proposed and I felt ready, I said yes. I am 27 and I am so much ready to open the new page of my next chapter. Besides, stable na rin naman ang lahat sa akin, with my family, career and all. NANG sabihin ng emcee na handa na ang pagkain, isa isa nang umalis ang mga kasama ko sa table para pumila. Ako naman, dahil busog pa at hindi ako sanay na makipila ay pinauna ko na sila. Instead na mangalay ang paa ko sa pagtayo sa pakikipila ay dinukot ko na lang ang aking phone sa bag and then I open my social media para mag-browse lang doon. For a moment, panay ang reactions ko sa posts ng aking mga friends nang biglang mayroong umupo sa tapat ko. Napalingon ako at agad ko itong binawi dahil nagulat ako sa nakita ko. He was the campus heartthrob na kinakikiligan ng lahat. I was in high school in the same university nang siya ay nasa college. Bata pa ako noon at wala pa sa isip ko ang tungkol sa mga salitang crush at kilig ngunit dahil sa lalaking ito na umupo sa tapat ko ay natutunan ko ang mga salitang iyon. He is Redenthor Alcaraz IV, an engineer. Ngunit bakit siya umupo sa pwesto ng mga accountant? Kunwari ay nakatingin ako sa aking phone ngunit panay ang paglipat ng paningin ko sa kanya. He's years older than me, pero ngayong nag-mature na siya, he can be described as a hot daddy for some reason. Gosh. I can't deny na nagagwapuhan pa rin ako sa kanya. Every woman in her own life ay mayroon din namang itinatagong paghanga sa isang tao, mapa-kasal man o single ladies. In my curiosity, I immediately used my social media to search his name and when I saw his account, agad ko itong in-open. He's still angelic kahit na balbas sarado ang kanyang gwapong mukha. When I opened his information, I learned that he graduated in 2005...and he's married. Kita naman sa kanyang cover photo na kung saan ay naroon ang dalawa niyang mga anak na manang mana sa kanya. Mga dalaga at binata na ang mga iyon at alam kong maswerte sila, coz in my mind, I know that he's a great dad. "Excuse me, is it okay if I share table with you?" Damn. His baritone voice shocked me, nabitawan ko kaagad ang phone ko sa mesa dahilan para mapansin niya iyon. Sa kamalas-malasang pagkakataon, na-click ko pa ang add friend and I know that he saw it. Nagpalipat-lipat ang paningin niya sa akin at sa phone ko na nasa mesa but he doesn't any reaction at all. Poker face. "Y-yeah, it's okay." Kaagad kong kinuha ang phone ko at nanginginig ang mga kamay kong itinago ang pahamak kong cellphone sa aking bag. Napalunok ako at inayos ang aking upo maging ang aking eyeglasses bago ako uminom ng tubig na nasa tapat ko lang. Tila ba agad akong pinagpawisan kahit pa malamig naman sa lugar ko dahil nakatapat ako sa air-con ng hall. "What batch are you?" he asked ngunit hindi nakatingin sa akin. I don't know kung ako ang kinakausap niya kaya't I am so hesitant to answer. "By the way I am Redenthor Alcaraz IV, batch 2005." Pagpapakilala niya saka niya inilapag ang kanyang cellphone sa mesa at nakita ko na naka-open ang profile ko roon. Damn. Pahamak na add friend. Gusto ko na lang talagang lamunin ako ng lupa ngayon. "Hello sir, I am Ruth Villaflor, batch 2014, Accountancy Department," mahina kong wika. Napalingon siya at tila ba nagtataka na nasa grupo siya ng mga accountant. "I-I am sorry, all I thought that... I'll just transfer." Akmang tatayo siya nang pigilan ko siya dahil nakakahiya namang paalisin ko pa siya sa kanyang kinauupuan. "No! It's okay, sir." Nahinto lang kami nang biglang mag-ring ang kanyang phone. Agad niya itong sinagot ngunit nakita ko ang pangalan kung sino ang tumawag sa kanya. Calling Margaret... Inilipat ko ang tingin ko sa malayo at kunwaring hindi ako nakikinig ngunit sa konteksto ng kanilang pag-uusap ay tila ba alam ko na kung ano ang topic nila. "Look...I told you that I will be attending an important event, I am more than just an attendee here, okay? The kids are okay. Manang Loida took care of everything, alright?" He sounded irritated and somehow considered under the 'saya,' na laging chine-check ng kanyang asawa. I wonder if sa gwapo at laki niyang ito ay under talaga siya ng kanyang asawa. "I cooked for them, their assignments are done, nothing to worry about, relax," dagdag pa niya. Napagtanto ko nga, he's under the saya. Bigla akong napangiti sa kawalan at ipinahamak lang ako niyon ng lalo. Nang ibaba na niya ang kanyang phone ay agad siyang tumingin sa akin. "Miss, excuse me," he called my attention. "Yes, sir?" "Are you...ahm, are you listening to our conversation?" Napakunot ang noo niya nang tanungin niya iyon. Nangatog agad ang tuhod ko at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. "I...I am not, sir. Siguro naririnig ko lang dahil medyo malakas ang boses mo but listening is different from hearing, right?" Depensa ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Ganyan yata talaga kapag tumatanda, mas nagiging sensitibo na ang pakiramdam. Sa tantiya ko, he's 35 or older. Late na nang biglang nag-flash sa screen ang mukha naming dalawa na nag-uusap. Nagkantyawan ang lahat, ang iba ay pumapalakpak, ang ilan ay hinahanap kung sino ang nasa screen. "Damn, what's that?" Napahilamos siya ng kanyang mga kamay at hindi makapaniwala. Ako naman ay shocked pa rin. Late ko nang na-realize na mayroon palang pakulo ang program na ito. Nilapitan kami ng dalawang hosts at in-interview kami pareho. Nakasunod naman sa kanila ang isang videographer at ang may hawak ng isang ilaw. "Finally, we found you. We're looking for a couple na intimate ang pag-uusap and our videographer here found a beautiful couple," wika ng babaeng host. Couple? "We're not couple," agad kong wika. Hindi na nagulat ang mga hosts pero wala yata silang balak na lubayan kaming dalawa. "May we invite you up stage ma'am and sir, for an interview?" Nagkatinginan kaming dalawa. And when this married guy stood, wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo na lang din. TONIGHT is really a big mistake. Attending this homecoming gave me an unforgettable experience. Sa dinami-dami ba naman ng pwede kong mabunot na card mula sa mga hosts, ay ang buksan pa ang tatlong butones ng blue long sleeves ni Mr. Alcaraz IV sa harapan ng madla. Nanginig ang buong katawan maging ang mga daliri ko nang gawin ko iyon. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi habang nakatitig siya sa akin habang ako naman ay nakatingin lang sa dibdib niya habang ginagawa ang dare. He's almost 6 feet and I am 5'4", bubwit lang ako kung tutuusin sa kanya. Kaya't nanliit ako sa sarili ko. And not only that, sa dami ba naman ng pwede niyang bunutin na card, mabubunot pa niya ang exclusive table with two na kasama ako, for the whole night ng alumni homecoming, and we cannot just go home without consuming the three-hour date na inihanda ng organizers. NOW, I am uncomfortable sitting beside this married man na sa ni apuhap ko ay hindi ko akalaing makakatabi ko ng ganito kalapit. "Alright, let's do this, we don't have any choice. Besides, it's just a dare. So, I'm in." Hinawakan niya ang baso ng wine saka niya inilapit sa akin, a sign of toss for the dare. Yeah, I don't have any choice so, kinuha ko na rin ang baso and we made a toss bago kami sabay uminom niyon. "Nice to meet you, Miss Villaflor." "Nice to meet you, too...Sir." He smiled for a bit. Iyong ngiti na nakakaloko, iyong kahit sinong babae ay mahuhulog sa kanya. I can't help but maging fanney ng hearthrob na ito. Kung mayroon lang talagang fans club noong panahon namin, baka ako ang presidente ng Redenthornatics. "By the way, just so you know, I am a married man." "And I am engaged," I replied. Tanging ngiti na lang ang naitugon niya sa akin and I know what he meant for that. And those gestures left us uncomfortable sitting beside each other. "Who's your favorite singer?" he asked out of the blue. "Barry Manilow," I replied. "Somewhere down the road ... Our roads are gonna cross again, it doesn't really matter where..." Nagulat ako nang kantahin niya ng mahina ang chorus ng isa sa mga favorite songs ko and it hit me different. In all honesty, that song makes me sad, especially its meaning. At nang kantahin niya ang chorus niyon, hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kalungkutan na nadama ko mula sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "That's an emotional song, huh," I replied na tumingin sa kawalan. "It's too emotional. But you know, it leaves hope to those who believe that in some other time, if fate allows, two hearts will come to realize that they belong to each other." Saka siya tumingin sa aking mga mata. His piercing eyes left me unmoved, locked in my position, and emotional. He sounds so sincere and it came from within his heart. I noticed him swallow as his Adam's apple moved up and down. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko and I just can't move dahil tila ba nakapako na ako sa aking kinauupuan. There's something in his eyes that I can't explain. And with those piercing brown eyes, I felt a spark that I shouldn't be feeling right now...but I can't deny it. Until a phone call interrupted the atmosphere. Nang sagutin ko iyon ay agad na rin naman siyang tumayo at biglang nawala sa paningin ko. "Hello love...yes, pauwi na rin naman ako. Yeah, thanks. I love you." Pagkasabi ko nito ay ibinaba ko na ang tawag at saka ako tumingin sa paligid. There's no more Redenthor Alcaraz IV around. Maybe, he left the hall, or maybe he went home to his wife and children. Ako rin, hinawakan ko na ang aking LV bag saka ako tumayo at umalis sa lugar. Hindi na ako nagpaalam sa mga ka-batch ko. I just wonder if Mr. Alcaraz IV also left the hall with an emotional heart? Dahil ako, oo...and I know that it hit me deep inside my heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD