RUTH
"Nababaliw ka na ba?"
Nagulat ako sa ginawa niyang paghila sa akin palabas ng restaurant.
Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nang magawa ko iyon ay saka ako lumikha ng espasyo sa pagitan naming dalawa.
"I guess, we should go home. Gabi na, it's going to be late now, for you," he said with his eyes concern.
But why? Ano lang sa kanya kung late na? He is just a mere stranger kung tutuusin.
"Eh ano sa'yo? I have a boyfriend na maghahatid sa akin, and I am waiting for him. Hindi ako pwedeng basta na lang aalis dito na hindi magpapaalam sa kanya and the fact na sasama ako sa'yo, that's another story, Mr. Alcaraz!" Tumaas ang tono ng boses ko nang sabihin ko ito sa kanya bago ako napaatras pa ng isang hakbang.
Mayroon siyang nais na sabihin sa akin ngunit hindi niya iyon masabi. Kita ko sa mga galaw niya and I am not going to entertain it, makakasira ng mga plans ko.
I know and feel that this guy is...is... deeply troubled for me.
"Ms. Villaflor, you'll thank me for this soon. Just please follow what I say for now, and just try to trust me for now, okay?" Lumapit siya sa akin and he tried to explain himself and convinced me to trust him but it's just so wrong.
"Sorry Mr. Alcaraz, but I can't trust you. I'll be back inside now, at baka hinihintay ba ako ni Cleo sa loob." Nagtangka akong bumalik sa loob ngunit muli niya akong pinigilan.
He held my hand and tried to pull me but with all my force ay naitulak ko siya.
"One more touch, tatawag ako ng security. Sumosobra ka na sa paghawak sa akin. Nakakahalata na ako," wika ko na iritado sa kanya.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa kanan bago nagbalik ng tingin sa akin. Diretso sa mga mata ko ang tingin niya at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakita ko mula roon ang sinseridad ng kanyang mga mata.
But I don't want him to know that I somehow believe in him. Ayaw ko lang siyang bigyan ng chance to convince me more about something.
"Do you really think that I am a bad guy?" Namulsa siya ng kanyang mga kamay and he squared his shoulders.
Napatingala ako sa kanya because he is just that tall for me. I saw wrinkles in his eyes and it added an unexplainable charisma for him.
"Of course, you're a nice good looking guy, and that's how everyone describes you, Mr. Alcaraz," with pride, I said.
But suddenly, napagtanto ko na mali ang nasabi ko dahil napangiti siya at lumabas ang matamis niyang charisma na tumagos sa damdamin ko.
How dare him smile sa sitwasyon ngayon? I swallowed and then umiwas ng tingin sa kanya.
"What is it?" walang gana kong tanong.
"What about?" aniya.
"Iyong sasabihin mo sa akin, I know that you'll tell me something kaya mo ako hinila dito ngayon. So now, for a few minutes, I am ready to listen."
Again, he exhaled and para bang nahihirapan siya sa kanyang sitwasyon kung paano niya sasabihin ang mga bagay na nasa isipan niya.
"Okay. Listen very carefully sa mga sasabihin ko sa'yo."
Tumaas lang ang kilay ko as if importante lahat ng sasabihin niya sa akin.
"Don't misinterpret my purpose of telling you this thing, Ms. Villaflor."
"Don't tell me directly, Mr. Alcaraz." Naiinip kong wika sabay tingin sa likuran ko at baka nakatayo na pala si Cleo doon at nakikinig lang.
"Alright. Your...your boyfriend is..."
And then his phone rang.
"Excuse me." Kaagad niyang dinukot ang cellphone niya sa bulsa and when he answered his phone ay nagbago ang lahat.
"What? Are you serious? Jesus Christ!" Nasapo niya ang kanyang noo at nang ibaba niya ang tawag ay napatingin siyang muli sa akin.
"Yeah. You're right. I guess I am a bad guy. My daughter passed without me beside her. Damn." Tinadyakan niya ang isang trash bin at saka niya hinanap ang kanyang kotse.
What? Namatay ang anak niyang babae? Biglaan.
Maging ako ay nanlumo sa narinig ko. Hindi ko alam kung paano ko siya iko-comfort or kung iko-comfort ko nga ba siya. Agad na lang akong na-estatwa sa aking kinatatayuan na para bang nakadikit na lang ang mga paa ko sa semento.
And then, hinatid siya ng mga mata ko paalis. Naiwan ako roon na parang nabuhusan ng malamig na tubig.
"Hey, babe. What are you doing here? Kanina pa kita hinahanap," boses iyon ni Cleo na nasa aking likuran.
Napalingon ako sa kanya at kita ko na bahagyang nagulo ang kanyang buhok.
"S-sorry. Nagpahangin lang ako," I replied.
"Naboboring ka ba? Sorry, may kinausap lang akong importanteng tao, and when I came back ay wala ka na. Are you sure na okay ka lang?" ramdam ko ang concern niya sa akin at nang yakapin niya ako ay nadama ko ang comfort.
"Cleo, nag-change ka ba ng perfume?" I asked dahil parang naging sweet masyado ang amoy niya ngayon.
"Oh, sabi ko na nga ba. Iyan iyong perfume na nilalagay ni Yaya Krising sa mga damit namin na mahirap tanggalin. Don't worry, next time ay hindi ko na palalagyan ng gano'n," he replied.
Well it's okay. Napaisip lang ako ng kaunti. Para kasing kanina ay naamoy ko rin ang pabango na iyon, but I am not sure kung kanino at saan.
Anyway, it doesn't matter at all.
__________
ONE MONTH LATER
Ilang months na lang at ikakasal na ako, but something inside me is incomplete. I can feel that in my mind and heart, I need to see know about my father.
And the last time na nag-usap kami ni Ate Kelsey ay mayroon siyang sinabi sa akin but it left me hanging dahil para bang mayroon na siyang alam tungkol sa aming ama.
So, now, habang nasa isang mall ako, ay kausap ko na naman si Ate Kelsey.
"Te, ramdam ko talagang may sasabihin ka sa akin, just please tell me, honestly, bago man lang ako ikasal. Kasi mas lalo kitang kukulitin kapag nagkita tayo next month. Kaya't sige na ate, handa na akong malaman."
"Sis, sigurado ka ba?"
"Oo nga ate. Gusto ko namang kompleto ang pagkatao ko bago ako ikasal."
"Seryoso ka?"
"Oo nga ate. Whatever you'll tell me, honestly, okay na ako."
"Okay. Ahm kasi ano, naalala mo ba iyong kausap ni nanay noong nakaraang umuwi ako? Iyong matanda na dumalaw sa atin sa bahay?"
"Oo, iyong umiiyak na sabi ni nanay ay siya na lang ang kakausap?"
"Oo iyon na nga."
"Oh, ano?"
"Siya ang malayong pinsan ni tatay," sagot ng ate ko.
"Tapos?"
"Ibinalita niya kay nanay na ano..."
Hindi niya kaagad maituloy ang kanyang sasabihin sa akin. Para bang mayroong pumipigil sa kanyang mga salita, pero ako talaga itong mapilit.
"Na ano ate? Huwag ka nang magpabitin pa, okay?"
"Patay na si tatay."
Hindi ako kaagad nakasagot sa aking narinig. Nabitawan ko ang damit na hawak ko na kasama ng mga napili ko sanang isukat upang bilhin.
Natulala ako at wala akong ibang nagawa kundi ang isipin at i-process sa isipan ang mga narinig ko.
Patay na si tatay?
"Isang taon na rin ang nakalipas. At si nanay lang ang nakapunta noon. Hindi na niya sinabi sa atin dahil ayaw niya tayong maging apektado. Lately ko na lang din nalaman, kaya sana ay huwag mong sisihin si nanay sa mga bagay na ito, Ruth."
"O-oo naman ate. W-walang problema tungkol diyan."
"Nakalibing siya sa San Gabriel Memorial Cemetery. Malapit lang di ba? Kasi doon ang request ni nanay, na hindi rin natin kaagad nalaman," dagdag pa ni Ate Kelsey.
Hindi ko man lang nadalaw ang tatay, o kaya naman ay kahit sana naihatid sa huling hantungan noong panahong iyon. Kaya pala balisa si nanay noon, at sunod sunod rin ang pagka-hospital niya.
Nauunawaan ko na kung bakit.
Nasa gitna ako ng pagkatulala nang bigla kong maamoy ang isang pamilyar na pabango mula sa isang babae na dumaan sa likuran ko kanina.
Umikot ako sa isang bahagi ng store upang sundan ang amoy at mula sa di kalayuan ay nakita ko roon ang babaeng dumaan sa likod ko kanina.
She looked familiar and I think, I saw her sa isa sa mga events ng family ni Cleo.
Yeah, I can still remember her. At doon ko unang naamoy ang pabango na iyon, and I just can't explain it kung bakit naamoy ko rin kay Cleo ang pabango na iyon that night.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking dibdib.
Kunwari ay lumapit ako upang sana'y kausapin siya ngunit napahinto ako nang makita ko ang wallpaper ng kanyang cellphone nang dahil sa isang text message.
I saw that woman kissing a guy na ginamit niyang wallpaper or lockscreen.
And I am so sure kung sinong lalaki ang nasa wallpaper niya.
That's my boyfriend, my future husband, Prince Cleo Abante.
Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko at napaatras na lang bigla.
Huli na nang maramdaman kong tumulo ang masaganang luha mula sa aking mga mata and I know that my sister can here me from the other side of the world.
He cheated on me.