DAHIL SA SOBRANG PAGKATARANTA AY nalimutan na ni Brix ang kotse niya na naka-parking at sa halip ay napasakay sila ni Carmen sa taxi. “Bakit hindi mo sinabing manganganak ka na?” usal niya sa babaeng nasa tabi niya. He couldn’t stop but notice she was under his arms, in almost like a hug to protect her. “Malay ko bang puputok to ngayon?” hingal nito, “pinaputok mo ata!” “At ako pa, ako pa talaga-“ “Manong, bilisan mo!” ere ni Carmen. “Bilisan mo pa manong, babayaran kita ng one thousand!” ani Brix at napatitig ulit kay Carmen. “Masakit ba, anong nararamdaman mo?” “Hindi ba obvious, ara-aray!” nangigigil siya sa sakit at kinuyumos niya ang balikat ni Brix. “Aray!” he winced also sa lakas at higpit ng pagkuyumos niya. “Dapat si Tim an