“AMELIA,” GAGAP NI CARMEN sa matandang babae na napalabas ng van. Tinulak ng anak nitong lalaki na si Dexter, na halos kasing-edad lang ni Brix, ang wheelchair ng ina nito. Ibang-iba na si Amelia mula noong huli silang magkita. Ngayon ay nangangayayat na ito…at may malubhang karamdaman. Napahawak sa braso ni Amelia si Carmen at dinaluhan niya ito ng yakap. “Patawarin mo ako hija,” bulong nito at marahan na napa-iyak. “Wala kang kasalanan lola, sa halip ay inilapit mo ako sa taong iniibig ko na ngayon. Hindi man maganda ang naging pamamaraan noon, pero sa tingin ko ay napatawad na nila tayo.” Natahimik lamang si Amelia. Nasa salas silang lahat. Hinihintay na lang nila ang paglabas ng Don mula sa study room nito. Ilang segundo pa ay mariringgan ang mga apak