Pagpapatuloy... “Alam kong espesyal ang gabing yun, huwag kang magsinungaling, may naramdaman ka, nadarama ko yun…at ayaw kong papaniwalain ang sarili ko na laro-laro lang yun lahat,” naging pagak na ang tinig niya, “kasi masakit, hindi ko alam kung bakit masakit, kaya huwag ka ng manakit please, kasi baka gusto na ata kita..” may katotohanan niyang pahayag. “Gusto mo na ako?” nakangising inilapit ni Brix ang mukha sa kanya, “ang bilis naman ata..” “Ba-bakit, ikaw…hindi ba?” ganting hamon niya. Nawala na ang ngisi ng kaharap, sa halip, naglapat ang labi nito, at naging malamlam ang titig sa kanya, “You really want to know darling?” napasinghap ito, “I’ll tell you later, yung hindi na ganyan ang ayos mo, baka may manakaw ako bigla sayo...”makahulugan nitong titig at sinuyod ng tingin