Khloe Amelia's POV Mabilis akong napatayo sa kama ko ng hindi ko na makikita sa tabi ko si Neandro. Ayaw ko pa naman siyang hayaan mag-isa kasama ang mga magulang ko dahil baka hindi ko mabantay ang mga sinasabi niya. Nagmamadali akong naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko na nakabuyangyang lang. Nasaan kaya ang lalaking 'yon? "Oh natataranta ka yata." Napatingin ako kay papa na nakaupo sa kahoy na silya habang may hawak na isang baso na may lamang kape sa kanang kamay niya. "Papa, nasaan si Neandro?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko kay papa. Ang sabi niya kaya siya sumama sa akin dito para bantayan ang galaw ko pero bakit ako ang nagbabantay sa mga kilos niya ngayon? Nakakahiya sa mga magulang ko kapag nalaman nila na nagdala ako ng isang lalaking saksakan ng