YESTERDAY was bullshit, buong araw ko sira dahil sa nangyaring pagkapahiya ko sa barangay. Ang babaeng nagnakaw ng brief ng kaniyang nerd na kapitbahay. Nakakatawa na nakakainsulto, nagmukha pa akong manyak. Lintik na Nerd na ’yon, ang sarap lang dalhin sa RG para ma-torture, paniguradong labas ang ihi no’n sa takot at siguradong iiyak. Hindi yata kilala ng abnormal na ’yon kung sino’ng kinakalaban niya. Talagang ako pa. P’wes, may araw rin siya sa akin. Ngayon ay pumasok na ulit ako sa trabaho. Ang kaibigan kong si Clavio ay umalis na rin sa apartment ko dahil nga pinaalis na ng landlady, pero nakahanap na rin naman ng kaniyang apartment na lilipatan. Kahit papaano ay nakalimutan ko na ang inis ko ngayong nasa trabaho na ulit ako. “Alam mo, kapag nakakakita ako ng lalaking nakasuot