HINDI ako makapaniwala na masu-suspended ako sa trabaho dahil lang sa pagkalat ng walang kuwentang video na ’yon. Isang buwan suspension talaga? That’s too much! Buti sana kung may kasalanan ako, kaso wala naman. Malaman-laman ko lang talaga ang address ng babaeng nag-upload ng video na ’yon ay talagang pupuntahan ko at sasapakin para matauhan. “Yes, Ma’am?” sagot ko sa taong tumawag pagkapasok ko sa aking kotse. “Miss Alcorry, about sa napag-usapan nating shampoo and soap endorsement for you, we decided to terminate the contract now. I’m sorry but we watched your viral video, iniisip lang namin ang aming kumpanya.” Napaawang na lang ang labi ko nang babaan ako nito, ni hindi man lang ako hinintay na makasagot. “Tsk. Akala mo naman malaking kumpanya.” Napairap na lang ako at inis na b