Napakurap ako. Ano raw? Fan? Ako? Fan niya? What the heck! Ang lakas naman ng trip ng lalaking ’to! “Excuse me? In your dreams, I’m not your fan!” galit ko nang sagot sabay sampal ng malakas sa pisngi nito. “How dare you kissed me without my permission?!” Napabaling naman sa kabila ang mukha nito dahil sa pagsampal ko. Pero nagulat ako nang bigla na lang akong tinahol ng buhat nitong aso at nilabas pa ang mga ngipin sa akin na tila ba nagalit at gusto na akong lapain dahil sa pagsampal ko sa kaniyang amo. Medyo natakot naman ako, kaya bahagya akong napaatras. Hanggang sa napahaplos na si Nerd sa kaniyang nasampal na pisngi at muli nang binalik ang tingin sa akin. “Ouch, ang sarap mo palang manampal.” Unti-unti nang bumalik ang ngisi sa labi nito. “Sampal ba ’yon na may kasamang pagmama