"I'm sorry," anito na yumuko. "Everything is done. Wala nang magagawa ang sorry mo!" Sarkastikong wika niya rito. "I can't move on hanggang hindi mo ako napapatawad Harvey. Please, sabi ni tita ay soon to be engage na kayo ni Sabinah and I do hope na naka-move on ka na rin." Ani pa ni Jackie. Natahimik siya. Sabagay, wala naman na siyang magagawa. Kahit anong gawin niya ay iba ang mahal nito at hindi na rin kayang tanggapin pa ng puso niya. Bumalik man ito. "Maaring mapatawad kita pero kung inaasahan mong magiging malapit pa tayo. Hindi na siguro," aniya saka tumalikod dahil nagugutom na siya. "Harvey," habol na tawag nito. Nakatayo na rin ito. Sukbit ang shoulder bag at sa kamay ang kapirasong papel na maayos na napapalamutihan.