Maeve unconsciously dug her nails into her palm. Paano nga ba? Hindi niya naman gustong magkagulo ang mga ito dahil sa kanya.
She glared at Lorenzo and say, “Kasalanan ko ba Lorenzo? Naisip mo ba ang feelings ko noong panahong umalis ka ng walang pasabi man lang? Ngayong masaya na ako bakit hindi ka na lang din maging masaya?
“Hindi ako naniniwalang mahal mo ang kapatid ko, Mae. Your heart says it all—”
“Masaya ako kapag kasama si Levine,” Maeve cut him off. Yes, she’s happy kapag kasama niya ang binata. It’s just happened at lately magaan din ang pakiramdam niya dito pero hindi ibig sabihin ‘non ay mahal niya nag binata. She’s just feeling comfortable around him.
Lorenzo’s eyes slightly widened. His eyes stopped at Maeve’s seeking if she was telling the truth. But her eyes remain calm and he can see a slight irritation at them. He sighed and moved away from her.
“I’m sorry, Mae. But I don’t have the intention of giving you up,” ani nito na binulong ang huling salita na tanging silang dalawa lang ni Maeve ang nakarinig.
“Bakit ka nagso-sorry sa girlfriend ko, kuya?” Napabaling bigla ng ulo si Maeve sa likod ni Lorenzo at nakita nag madilim na mata nito na nakatitig sa kuya nito. She held her breath. Kanina pa ba ito nandito? Narinig kaya ni Levine ang pinag-usapan nila. Lorenzo smirks at her before facing his brother.
“Why are you here?” tanong ni Lorenzo na bumalik na sa pagiging blanko ang mukha.
“I’m looking for you since sabi ni Victoria na gusto mo daw akong kausap. Why are you saying sorry to her?” Magkasalubong ang kilay ni Levine na pumunta sa pwesto ni Maeve at hinapit ang bewang nito. “Did my brother do something to you?”
Umiling si Maeve at sumandal sa balikat nito. “No. Nabangga niya kasi ako kaya nag-sorry siya.”
“Really?” Levine said, unconvinced. Iba kasi ang atmosphere ng dalawa kanina. Tense.
“Really,” sagot ni Lorenzo at namulsa. “She should be careful next time if not for me, she could fall on the ground face in front,” dagdag nito at pinasadahan ng tingin si Maeve.
“Yeah. Thank you for that. I’ll make sure to watch my step and never fall again,” double meaning na sagot ni Maeve at ngumit pa.
“Sure,” balewalang sagot ni Lorenzo at tumingin sa kapatid niya. “Let’s go.”
“Okay.” Bago sumunod si Levine at tiningnan niya muna ang dalaga ng seryoso. The latter raised her left eyebrow.
“What?”
“Nothing. Guni-guni ko lang ata iyon,” sabi nito at umalis na. Huli na nang mag-sink in kay Maeve ang sinabi nito. Guni-guni? What does he mean? Bigla ata s’yang na-bother sa sinabi nito.
-----
“Why do you want to talk to me, brother?”
“Dad, called. He was asking if makakadalo ka daw sa anniversary ng kompanya, since may schedule ka sa London sa mga oras na ‘yon.”
“Kailangan pa ba ako do’n?” asik ni Levine. Himala at nagtatanong ang ama niya dati naman ay kahit hindi siya pumunta ay wala lang dito.
“I’ll see if makakaabot ako.”
“I see. Kasama mo ba ang secretary mo?”
Umiling si Levine. Delikado ang pupuntahan niya ayaw n’yang mapahamak ang dalaga sa pupuntahan niya sakaling hindi sumang-ayon sa kanila ang gagawin doon. “No. She’ll be staying here. Si Xy ang kasama ko papuntang London.
“That’s good. Anyway, ‘yon lang naman. Hindi ka naman siguro manloloko habang may girlfriend ka?”
“Kuya, anong akala mo sa’kin? Dati ‘yon but now I’ve changed.”
“Hmm. You can leave now.”
Napakamot na lang si Levine sa noo niya. Iyon lang naman pala ang sasabihin ng kuya niya akala niya napaka-importante nito sabagay ama nila ang pinag-usapan. Suddenly he remembers something and turn around to face Lorenzo.
“Magkakilala ba kayo ni Maeve?” curious na tanong nito.
“Hindi,” diretsahang sagot ni Lorenzo at inayos ang salamin sa mata. “Why?”
“Ah. Mukhang magkakilala kasi kayo.”
“Gano’n ba?” A low chuckled vibrated on Lorenzo. “Sige na.”
-----
“Let’s go! Pupunta daw tayo doon sa isang isla!” excited na sambit ni Victoria. Nakasuot ito ng isang summer dress at isang summer hat.
Sa likod naman nito ay magkasabay na naglalakad si Maeve at Levine. Hawak ng binata ang bag na naglalaman ng kailangan nila sa pagbisita doon. While Lorenzo was just walking behind them, looking at the two people who was so close together. He heaved a sigh.
Inalalayan ni Levine si Maeve paakyat sa bangkang gagamitin nila papunta sa nasabing isla. Alas otso na ng umaga at talagang mainit na.
"Come on, brother, huwag ka munang mag-isip ng work mo. Loosened up a bit." Levine tapped his brother's shoulder and gave him a smile.
“That’s why I’m here,’ balik ni Lorenzo at umupo sa bakanteng space sa bangka. Nasa unahang bahagi si Victoria nasa gitna naman ang dalawa at nasa huli siya.
"Ilang oras ba hanggang makaabot tayo doob?" tanong ni Victoria sa mamamangka.
"Fifteen minutes lang po, ma’am," sagot nito at pinaandar na ang makina ng sinasakyan.
Humampas ang alon sa sinasakyan nila. Hindi nila alintana ang init ng panahon dahil sa malamig na hangin na humahampas sa kanilang balat.
Fifteen minutes at nakaabot na sila sa isla. Marami di. ang taong naroon. May cottage na gawa sa kahoy at anahaw. May mga nakalatag ding banig sa buhangin na. Sa gitna nito ay mga kahoy na sa tingin ni Maeve ay para sa bonfire.
Naunang bumaba si Levine para ibaba ang kanilang gamit at nagpahuli naman si Maeve.
A hand reach out to her kaya kinuha niya ito sa pag aakala na kamay ito ni Levine but to her surprise it was the hand of Lorenzo who later gripped his hand and guided her to walk down.
“Be careful,” paalala ni Lorenzo sa dalaga sa malamyos na boses.
"Thanks."
Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Victoria. She glared at Maeve. This woman! How dare she?! And why does the President have a tender expression when he guides Maeve down? Did they know each other?
Agad na bumitaw si Maeve at lumakad papunta kay Levine. She sighed in relief. Her eyes went to Victoria who was still looking at her.
Ah! She chuckled. May gusto ito kay Lorenzo hindi na nakapagtataka kung bakit gano'n ito makatingin sa mata. She raised her middle finger for her to see and smirk. Ano ito ngayon?
“Okay! Hindi naman tayo dito matutulog babalik din tayo mamayang four. Let’s enjoy our last day here in Bohol,” nakangiting tugon ni Levine at tumaas baba pa ang kilay nito.
“Magkasintahan ba kayong apat?” tanong ng isang fisherman.
“No, po manong,’ sagot ni Maeve. "Boss po namin sila,” turo nito kay Levine at Lorenzo.
“Ah, akala ko mag-jowa kayo nitong matangkad na lalaki," turo ni manong kay Maeve at Lorenzo.
Napatigil silang apat at napatingin si Levine sa dalawa. Hindi niya alam pero naiinis siya. Lorenzo was also shocked but quickly returned to his casual self.
“She’s mine,” Levine growled firmly. She’s not for anyone but him. Kahit kuya niya pa ay hindi ito exempted sa pagseselosan niya especially if Lorenzo started to take interest on what is his.
Tumayo siya sa gilid ng dalaga at hinawakan nito ang kamay.
“Hindi ba kami bagay, manong?” tanong nito na may malademonyong ngisi.
-----
A/N: Oh. Levine is taking his claim. Kasabay pa ba ito sa bet nilang dalawa o may nahuhulog na? At ano kaya ang gagawin ni Lorenzo? Is he going to tell them the truth? See you on weekdays!