Kabanata 19

1258 Words
One month later. “Grabe, level up ‘yang pagpapanggap niyo ni Levine, hah. May pa vacation pang nalalaman.” “Duh! Hindi sila magbabakasyon, noh? Business conference daw.” “b***h! Parehas lang ‘yon. Pagkatapos ng business conference na isang araw lang naman ay magbabakasyon silang dalawa. Biruin mo one week daw sila doon pero isang araw ang conference. Nako, magchuchukchakan 'tong dalawa.” Maeve rolled her eyes sa ingay ng dalawa.Yes, it’s just business conference pero ang jerk na ‘yon pinahaba ang araw. Okay na okay nga ‘yon sa kanya. She can bring her bikinis dahil may malapit na beach resort sa Bohol na pupuntahan nila. She can freely relax there with beautiful view. Pero siya ang magandang view. “Pabor nga sa akin ‘yon, eh. Basta sagot niya ang expenses, who am I to reject that kind of offer?” ani niya at isinara ang maleta. Hindi pa naman ngayon ang alis nila but it’s better to prepare in advance. Mas gusto niya ready na ang lahat bago siya umalis so she can't think of it anymore. “Kapal! Sabagay masarap ang libre. Pwede ba akong sumama? Kasya naman ata ako sa maleta. Pwede din namang third wheel.” Lumapit si Diego kay Maeve at nag-puppy eyes. Tinulak ito ni Lilac. “No! Ako na lang. Maeve, mas kasya ako sa maleta mo all arounder pa ako. Tagabitbit ng dala niyo, taga-picture, pwede mo din akong utusan.” Tumaas baba pa ang kilay ni Lilac at pa-cute na ngumiti. “Tss. Then, tell Levine.” “Pero infairness naman, alagang-alaga ka ni Levine. Medyo nag-lessen ang pagiging b***h mo nitong mga nakaraan. Ah, lumalambot na ba ang heart ng kaibigan namin?” tukso ni Diego. “Oh? You think? I’m sorry for that behavior, I’m just taking a break. Don’t worry hindi naman maalis sa akin ‘yon. Remember? I’m no princess, I'm a bitch.” “Oooooh! Kabog, bakla!” Pinalo ng mahina sa braso ni Diego si Lilac bago tumingin kay Maeve. “Pero so true lang ‘di ba? Levine was looking out for you. Girl, if I can’t have my boss then can I have Levine instead?” Then, Diego clasp his both hands and look up. “Huwag ka na umasa. Babae ang gusto ‘non hindi may talong.” “Hmp!” Maeve’s mind drifted on the day when she was not feeling well. It was Levine who saw her and asked if she was okay. Pero hindi niya na ito nasagot dahil masama talaga ang pakiramdam niya feeling niya matutumba siya at ‘yon nga ang nangyari. She fell… in the arms of Levine, her pretend boyfriend. Pagkagising niya ay nasa office na siya nito, pinupunasan ang braso at binti niya. Mayroon ding malamig na towel na nakalagay sa noo niya. “Why didn't you tell me that you’re not feeling well? You should’ve stayed at your home,” asik nito. Magkasalubong ang kilay nito pero evident sa mata nito ang pag-aalala. “Hmm.” “Here. Uminom ka muna ng tubig.” Inalalayan siya nito para umupo at uminom ng tubig. Nanginginig pa ang kamay niya nang hinawakan niya ang baso kaya si Levine na ang humawak nito at nilagyan ng straw. “Kamusta ang pakiramdam mo?” “I’m a little dizzy,” sagot niya at hinawakan ang noo. Maninit pa at mabigat in ang katawan niya. “Then, just lay down. Babantayan kita.” Napapikit na siya at naramdaman na lang ang malambot na bagay na dumampi sa noo niya kasabay ng pagbalik niya sa pagtulog. “Earth to Maeve?! Hello?” Napabalik sa ulirat si Maeve nang makita ang kamay ni Lilac na kumakaway sa harap niya. “What is it?” taas kilay n’yang tanong. Why did she think of that? Maybe because she didn’t expect na gagawin iyon ni Levine? Hmm. But she really appreciated what he did. Hindi nga ito umalis at binantayan siya. Ito pa ang naghatid sa kanya sa bahay niya. He’s not bad after all like some of them said. He’s sensible. “Ang lalim siguro ng iniisip mo. Kanina ka pa namin tinatawag sino ba ‘yan? Si past o si present?” Maeve glared at Diego. Alam kasi nito kung sino si Lorenzo sa buhay niya at nalaman nito na ang pinagtatrabahuhan niya ay ang kompanya ng lalaking iyon. “Bakit ko sila iisipin? Pandagdag stress lang ang mga ‘yon,” pagtataray niya at kumuha ng chips sa mesa. Bale nasa sofa sila sa loob ng kwarto niya nakaupo at nag-mo-movie marathon. “Biruin mo nga naman. Si ex kapatid pala ng boyfriend mo.” “Excuse me? Pretend boyfriend.” “Okay, okay. Pretend boyfriend. Ewan ko na lang sa inyo ‘pag nagkahulugan kayo sa isa’t-isa.” “Mmm!” Uminom si Lilac ng coke saka hinarap ang dalawa. “Tatanungin kita, ah. What if ikaw ang na-fall?” “Edi, gagawin ko bet namin.” But will she lose? She doesn't think so. “And what if hindi siya nahulog. One sided lang?” “Tinatanong pa ba ‘yon? Then, I’ll seduce him.” “Ay palaban!” Maeve smirks. Oo nga naman. Kung siya ang mahuhulog sa bet bakit hindi niya idamay si Levine? Pero may problema hindi niya alam kung ano ang pinaplano ni Lorenzo. He was away for one week. Bihira na din silang magkita. Maybe, naisip niya na na wala na talaga. So he back off and moved on. Or so she thought. ------ “You’re already here.” Tinanggal ni Maeve ang itim na salamin sa mata. On one hand she was pulling the luggage striding towards Levine who was casually waiting for her at the airport. “Yeah? Let’s go?” “Wait.” Tumingin ito sa orasang pambisig. “May hinihintay pa tayo.” Maeve frowned. Sino pa ba? Akala niya sila lang na dalawa ang aalis? “I’m here!” Napatingin siya sa likod nang marinig ang boses ng babae. Wearing high waisted shorts and an off shoulder top with matching three inches heels, Veronica waved at them. Taas ang kilay na tumingin si Maeve kay Levine. “Well, kailangan siya dito. She needs to take a coverage for this conference. Hindi lang local ang pupunta pati din ang ilang international entrepreneurs," sagot nito. Maeve slowly nodded and crossed her arms as she waited for Veronica to get near them. “I’m not late? Am I?” “No—” “Two.” Veronica and Levine looked at Maeve confusedly. “You are two seconds late.” “Pfft!” Umiwas si Levine ng tingin. Nag-iba at ang awra ng girlfriend niya? Nagseselos ba ito? Damn! His sweetheart is intimidating. Parang ang dating tuloy ito ang boss at siya ang sekretarya. Well, kung ito lang naman ang magiging boss niya na sobrang hot he will not reject to be in the position of secretary. Veronica sneered. “Really? Buti nga twos seconds lang, eh, ang iba it takes them a minute or hour.” “And? Late ka pa din.” Maeve flips her hair and turns to the side at inangkala ang kamay sa braso ni Levine. “Let’s go, sweetheart.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD