Tatlong araw na ang nakalilipas nang mangyari ang kaganapang iyon sa pagitan ni Levine at Maeve. Medyo napapansing ng binata na tahimik ito at iniiwasan siya. Gano'n ba talaga? Kapag nag-confess, ay iiwasan na? Mali bang nagsabi siya ng totoong nararamdaman dito. At teka! Uso ba kay Maeve ang umiwas?
His eyes went to his office door, hesitating if he was going to look out for her. Pero na-realize niya why does he need to get there if he can just ask her through service call?
Tumikhim muna siya bago pi-n-ress ang call button.
[Yes, sir?]
“Get me a cup of coffee, Miss Santos.” He tapped his table lightly as his eyes were focused on the door, between them.
[Right away, sir,] sagot nito at ibinaba na ang telepono. He c****d his brow and waited for her. Maya maya pa ay bumukas ang pinto niya at nagkunwari s’yang may ginagawa.
Hindi iyon nakalagpas sa mata ni Maeve. She mentally rolled her eyes and walked towards him with a cup of coffee in her hands.
“Here’s your coffee, sir.” Ibinaba niya ito sa table ng lalaki. "Kung may kailangan pa kayo, sabihin niyo lang."
“Ikaw.”
“What?” she asked, confusedly.
“Ikaw ang kailangan ko,” ulit ni Levine. Umangat ang mukha niya at tiningnan ang mukha ng dalaga.
Maeve curled her lips lightly. Wow. Is she a necessity for him? Ang lakas naman ng tama ni Levine sa kanya.
“Ano bang kailangan mo sa’kin?” Lumapit siya dito at nag-lean sa table nito.
Namula ang tenga ni Levine dahil sa tono na ginamit ng dalaga. Tila ba ay nang aakit ito. Napunta ang mata niya sa malulusog na dibdib nito. He swallowed and looked away.
“Can you step back for a bit?” he ordered. Baka hindi makapagpigil ang leon sa loob niya at lapaain niya ang nakahain sa harap. Ang sarap pa naman. Naalala niya tuloy ang gabing gumawa sila ng milagro. It was far from the best. The way their body touched each other, the ways her sinful lips kissed him…
“Ano ba ang talaga ang kailangan mo?” Ngayon ay naka-krus na ang mga braso ni Maeve at mataray na tumingin sa lalaki.
“Wala. Namimiss lang kita,” sagot nito. Really, Levine? Nagiging cheesy na siya. "Free ka ba mamayang gabi? Let’s have dinner outside,” yaya niya.
“Libre ba?”
Napatawa si Levine. Of course, this is Maeve kapag libre go na go.
“Yeah. I’ll be treating my girl and courting her at the same time,” nakangiting turan nito.
“Talagang na-in love ka na sa’kin, Levine. There is no way out,” she smirked and later smiled. “Pero baka nakakalimutan mo na sa bet natin ay kung sino ang manalo ay susundin ng talo ang gusto nito?”
Medyo kinabahan si Levine. What if ipatigil siya sa panliligaw? What if sabihin nitong 'wag na itong pakialaman? What is she say he should stay away from her?
“Yes. What is it?” he asked.
“Hmm?” Maeve acted like she was thinking. Naka-purse ang lips nito at nakakunot-noo.
“Wala pa akong naiisip kung ano. But I will tell you at the right time,” nakangising ani nito. “Sige payag na akong mag-dinner tayo mamaya.”
------
“Did you know?”
“Ang ano?”
“Magkasama daw si Victoria at President doon sa business summit. Sa tingin mo may secret relationship sila?”
“We don’t know pero usap-usapan sa work na baka nga girlfriend ito ng President. Mapapa-sana all na lang talaga tayo. Una ‘yong bagong employed na si Maeve na naging secretary at naging girlfriend ng Vice President tapos si Victoria naman ang next!” Both women sighed dreamingly.
“Kailan kaya tayo?"”Bigla bumukas ang pinto ng isang cubicle. Napatigil ang dalawa at tumingin sa repleksyon ng salamin.
Diane went to the sink and washed her hands. Both women looked at each other. They also know from other departments na may pagtingin si Diane sa Vice President nila. This is awkward.
“Kaysa magchismisan kayo bakit hindi niyo na lang ituon sa sarili niyo? You won’t get anything from it. At isa pa baka pinaglalaruan lang ng Vice President si Maeve. We all know na babaero siya,” ani nito. Tila nawala ang pagiging mabait sa mukha nito. Kung dati ay light lang ang makeup nito ngayon ay heavy na na tila ba ay nakikipagsabayan kay Maeve. Maeve's make-up looked like it was done by a professional.
“But people changed, right? Ipinakilala na nga ng Vice President si Maeve sa parents nito. Imposibleng pinaglalaruan niya ito.”
“And they are so bagay!”
“Oh, darling…” Diane rolled her eyes and crossed her arms. “Magbe-break din sila. Trust me.”
Kunot-noong tiningnan ito ng isa sa mga babae nag-uusap kanina.
“Why are you so sure? Pinagdarasal mo ba o dahil bitter ka lang na hindi sa’yo napunta si Vice President.” The other girl tried to stop her friend pero medyo palaban din ito. Isa pa hindi nila ka-department si Diane.
Diane glared at her and gritted her teeth.
“What do you know? I’m not bitter sinasabi ko lang ito dahil alam kong mangyayari ito—”
“And when?” sagot sa likod ni Diane. Maeve was standing in the door, looking at them like she was watching a drama.
“Why are you here?” tanong ni Diane. Maeve looked so bad-ass! Nakakainis ang mukha nito gusto n’yang kalmutin ito.
“Why can’t I? For women use ‘to, eh. I should be the one asking you that. I thought no pets allowed in the company, naligaw ka ata?” sarakstikong asik ni Maeve at lumakad sa tapat nito. The two women before shut their mouths when Maeve appeared. Grabe, she’s savage talaga kagaya ng sinasabi ng iba. And she’s sizzling hot too!
Diane sneered. “Matapang ka lang dahil backer mo si Vice President. ‘Wag ka mag-alala, soon, iiwan ka din niya at pagsasawaan.”
Tumawa si Maeve. “Hindi ako kagaya mo na kapag nakita pa lang ang mukha ay pagsasawaan na. And b***h? Kahit walang Levine or kung sino man na sinasabi mong backer ay dati na akong matapang. Unlike you, nagbabalat sibuyas.”
Umuusok na ang ilong ni Diane dahil sa galit at inis. This b***h, she wants to slap her hard! Ang kapal ng mukha, eh, ito nga ang ahas sa kanila. Inahas nito si Levine sa kanya!
Maeve acted gasping, "Mukha kang turo, Diane." Then, she gave her a sarcastic smile. “You’re a hater, Diane, who wants to be me. Unfortunately, there should be only one, the rest? They are like a copy-cat. Ciao!" Maeve turned around and waved them a goodbye with a matching kiss pa.
Tulala naman ang dalawang babae sa tabi.
'Burn.'
-----
A/N: Hiiii! Thank you so much sa paghihintay ng next episode ng ONTF. Hindi po ako nag-a-update kapag Saturday and Sunday may ginagawa po ako sa dalawang araw na 'yan pero thank you po dahil nahintay n'yo. We reached 10k reads. Congratulations! Hintay lang at babalik din ang karibal ni Levine na si Lorenzo. Ano kaya ang mangyayari? Anyway, sana masubukan n'yo din po ang isang on-going story ko na Luxurious Glory. Worth it din po ang story na iyon.