The next three days ay pumasok na bilang sekretarya si Maeve para sa Vice President. She click the button of the elevator papuntang floor ng bagong trabaho niya nang may isang kamay na pumigil sa pagsara ng elevator. It was Diane, na halatang tumakbo para makasakay dito.
Hindi sila nagkibuan. Hindi ito binigyan ng pansin ni Maeve kahit na ramdam niya ang pasulyap-sulyap na tingin ni Diane.
“Balita ko… secretary ka na daw ng Vice President. Congratulations,” simula ni Diane na may ngiti na hindi umabot sa mata nito.
“Thanks,” maikling sagot ni Maeve.
Pinigilan ni Diane na sagot-sagutin ito. She maintained her fake smile as her inside burst in irritation for this woman.
“Ang ganda siguro ng trabaho mo doon, noh? Palagi mong makikita ang Vice President. Paano ka nga ba naging secretary ng VP? Do you… have a backer?” Napailing si Daine at huminga ng malamim. “Hindi pwedeng gamitin ang connection palagi. Dapat sarili mong kakayahan at talino ang ginagamit para umangat. You have to lean on yourself not to others,” dugtong nito.
Noong malaman niya galing sa team leader nila na ililipat na si Maeve ay laking tuwa niya noong una dahil akala niya ay may mali itong ginawa ‘yon pala ay magiging secretary ito ng bagong VP. Why does it have to be Maeve?
Maeve moves her head to sideways. Nakataas ang kaliwang kilay nito na animo ay naghahamon ng away. Well, if this Diane girl wants a fight, she’ll bring war.
“Kaya ba you’re leaning on to others to get where you are now? Acting like a good girl won’t do you no good, Diane. Hindi ako magpapauto kagaya ng mga kasama mo. They are so foolish to believe you. I’m everything you can’t control.”
The elevator dings. It’s time for Diane to step out. She stepped forward with gritted teeth when Maeve once again talked.
“Oh, Diane? Be careful, the devil has a pretty face. Stay pressed, darling.” Then the elevator door closed. Maeve had a victory smile plastered on her face while Daine was beyond annoyed.
That damn b***h!
-----
“Miss Santos,” bati ni Xy nang makita nito ang pigura ni Maeve sa ‘di kalayuan.
“Assistant Xy,” she greeted back.
“Welcome sa bagong workplace mo. Mamaya pa darating si Sir pero pinauna niya na ako to guide you here.”
“Thank you. Saan ba ang pwesto ko?”
“Dito. Magkaharap ang table nating dalawa. So, if my problema you can ask for my assistance.”
“Got it. Thanks.”
“Oh, you’re already here,” the voice sounded deeply behind their back.
“Good morning, Vice.” Sinunod naman ni Maeve ang sinabi ni Xy at tumingin sa mukha ni Levine. Damn, this man is hot as hell, he has a flirty vibe around him.
“Well, i-o-orient ka naman ni Xy sa gagawin mo and I expect that you do fine in your work as I saw in your performance. Don’t let me down, Miss Santos.”
“I won’t, sir.”
“Good, then.”
Pagkatapos ‘non ay dumiretso na ito sa loob ng opisina. Xy walked towards her and gestured to her to come.
“Let’s start.”
-----
Sa loob ng opisina pabalik-balik ang lakad ni Levine. Damn! Pumayag siya? Kaya ba pumayag ang dalaga ay dahil sa kanya. Tinampal ni Levine ang noo. Psh! As if naman dahil sa kanya ‘yon but at least she's near now. Ngayon ang gagawin niya na lang ay kumbinsihin ito sa plano niya. Sa itsura at ugali pa naman ng babaeng ‘yon eh ang hirap ‘non mapapayag.
Winston suggested to blackmail Maeve pero wala s’yang maisip kung ano. Isa pa baka siya pa ang i-blackmail ng dalaga.
Malapit na ang next month at alam n’yang ini-expect ito ng tatay niya pati ang nanay niya dahil nasabi ito ng magaling n’yang tatay.
Bahala na.
-----
Break time. Pumunta si Maeve sa ground floor para kumain. Nakasabayan niya si Kate sa elavator. This past few days ito ang nakakasama niya magsalo sa pagkain. Her and Kate, opposite na opposite ang personality pati ang fashion sense. Marami nagng nagtataka kung bakit magkasama sila.
“Congratulations!” May malaking ngiti sa mukha ni Kate nang binati niya si Maeve. Wow! Hindi pa nagtatagal dito si Maeve pero ginawa ng secretary. Maganda na, matalino’t magaling pa.
Maeve gave her a charming smile. “Thanks!”
“Pero mag-iingat ka. Ang daming naiinggit sa’yo. Narinig ko pa ang iba na pinag-uusapan ka ng masama at gumagawa ng kwento na si-ni-duce mo daw ang isa sa mga top management para makuha mo ang posisyon mo ngayon,” Kate warned her. Iba ang nagagawa ng selos sa babae. Mas malala pa sa lalaki ang kaya nitong gawin.
“May gawin ka man o wala, people will always talk about you, Kate. If you listen closely, you can hear me not caring.”
“H-how? How can you not care, Maeve?”
Maeve smirks. “Because I stopped caring. They are not me, they don't concern me. Kung hahayaan mo palaging pumasok ang sinasabi ng iba sa utak mo, you can’t move forward, you can’t take a step out on your comfort zone. You are you and they are not. I’m not anti-social, I’m anti-bullshit.”
Natahimik si Kate. Sapul na sapol siya sa sinabi ni Maeve. Palagi n’ynag iniisip ang opinyon ng iba kaya down na down siya sa sarili. She thinks she’s not enough because it’s the ways they see her. Mahina.
She bitterly smiles. Tama si Maeve, she is her own person not them. “You are right. I should probably do the same.”
“Remember it will start with yourself, Kate. If you want progress, then start to yourself.”
“Thank you.”
-----
[Nandito ako sa labas ng MMC.]
“Tapos na ang trabaho mo?”
[Yup! Kasama ko din si Lilac. Tara McDo tayo. Nagugutom na ako,] yaya ni Diego sa kabilang linya. Ugh. Hindi na sila nagkikitang tatlo buti ay magkapareho ang uwi nila ngayon.
“Sige. Hindi na ako magluluto sa bahay. Mag-te-take out na din ako for snack sakaling magutom ako,” sagot niya. Isinara niya ang bag at lumakad sa pinto ng boss niya at kumatok.
“Sir?”
“Yes?”
“Mauuna na po ako.”
“Okay go on. Be careful on your way.”
Maeve looked at the closed door like crazy. Wow. His boss was nice to say that.
“Okay.”
Then, she texted Kate kung gusto nitong sumama sa kanila. Of course, Kate hesitated pero kailangan niya din lumabas sa comfort zone niya kaya pumayag siya.
-----
“Dito ba natin sila hihintayin?” tanong ni Kate at tumingin sa mga dumadaang sasakyan.
“Yes. Lilac texted me na malapit na sila.” Maya maya lang ay bumusina na ang kotseng sinakyan ng dalawa n’yang kaibigan.
Bumukas ang bintana ng sasakyan at bumungat sa kanila ang nakangiting mukha ni Diego.
Kate gaped. She was dumbstruck. Kilala niya ang lalaking ito!