After the conference that takes one hour and thirty minutes. The three went out to have lunch. Napansin ni Maeve na kanina pa malamig at seryoso ang mukha ni Levine so she moves towards him and asks, “May problema ba?”
Levine suddenly turns his head and gazes at her sharpengly. Sino ang hindi maba-badtrip. When they got inside the venue lahat ng lalaki matanda man o bachelor ang lagkit ng tingin sa girlfriend niya. He should have told her to dress a pants pero kahit gano’n ang gawin niya ‘pag maganda talaga makaka-attract pa din ng atensyon ng iba.
“Why are you glaring at me?” she whispered firmly dahil baka marinig ng mga kasabayan nila. Sila na ngayon ang magkasama dahil mukhang may nakitang kaibigan si Victoria na isa ding journalist kaya doon an ito sumama. Very good, at elast doon makita man lang ang ganda nito dahil kapag sumasama siya sa kanya at pinagdidikit nasasapawan niya.
“You are too beautiful. Ang sarap mong ikulong sa kwarto,” bulong din ni Levine.
“That’s not my problem. I’m just killin’ it as always,” hambog na reply ng dalaga at ngumiti pa na abot ang mga mata.
“Tss. Let’s go. Gutom na ako baka ikaw pa ang kainin ko.” At nauna na si Levine na pumasok ng dining hall. Malaki ang space ng area at ang isang table ay may anim na upuan. Good. He doesn’t want to talk regarding business right now.
-----
“I’m ready.”
Lumabas mula sa banyo si Maeve na naka two-piece at kulay puti ito. Levine’s jaw dropped at the sight. Ang laki ng hinaharap nito at tumatambol pa. Her waist was thin and she had curvaceous long legs. Her skin was glowing and flawless.
“Wow…” he said in admiration.
Maeve was laughing inside her head. Laglag ang panga ng boyfriend niya. Sabi na nga ba. Well, ang ganitong katawan ay hindi dapat tinatago. She fetch a see through dress at ipinatong iyon sa katawan niya. Kinuha niya in ang isang summer hat at itim na sunglasses na katerno ng sunglasses ni Levine.
“Huwag na kaya tayong mag-beach? Dito na lang may bathtub naman.”
“Don’t be a killjoy. Isa ito sa mga dahilan kaya gusto kong pumunta dito.”
“Ang ibalandara ang katawan mo?”
“You could say that but no. Gusto kong mag-relax. Besides kasama naman kita ‘di ba? Are you worried na maagawan ka?” naka-smirk na tanong nito at lumapit sa binata.
“Agawan? Baka nakakalimutan mo may agreement tayo?” he said then grab her hips. “Habang hindi pa natatapos ang deal, sa akin ka lang.”
“Iyon naman pala, eh. Tandaan mo din ‘yan. Let’s go!” Kinuha na ni Maeve ang kamay ng binata. The two went outside and caught some people’s attention. Levine and Maeve held hands and walked around the beach hanggang sa makaupo sila sa dalawang beach chair paharap sa dagat.
“This is life,” komento ni Maeve at ipinikit ang mata habang dinadama ang preskong hangin pati na din ang hampas ng alon.
“Yeah. I wish we can do this very often,” sambit din ni Levine habang ang mga kamay nito at nakaunan sa ulo.
“With me?” curious na ani ni Maeve.
Saglit na napatingin si Levine sa dalaga. “Yeah,’ maikling tugon nito. But he knows na may katapusan ang meron sa kanilang dalawa. Nakakarelax nga lalo na at ang taong kasama mo ay gusto mo.
Napatigil si Levine sa naisip. Gusto? Anong gusto ang pinagsasabi niya? Baliw na ata siya. Sa bet na ito hindi siya mahuhulog, ang dalaga mismo ang mahuhulog sa charms niya.
“Well, I can accompany you basta libre.”
“Psh. Lahat naman sa’yo gusto libre," reklamo ni Levine bago umupo at ipinatong ang braso sa tuhod nito.
“Masarap kasi ang libre.”
“Hmm.”
“Four months and twelve days…”
Maeve curiously looked at the man. Ang ganda ng side profile nito. Magkaiba sila ni Lorenzo. Lorenzo was always the serious type. Bihira lang iyon ngumiti at marami ang iniisip while Levine was the carefree one. Chill lang sa buhay.
“Four months and twelve days na lang ang natitira sa bet. Wala ka bang plano na i-seduce ako?” Taena naman, parang ang dali-dali lang sa dalaga na mapa-fall siya. No, no, no!
Ngumiti ng misteryoso si Maeve.
“Halika dito.” She gestured her hands to make him come to her. Kinuha nito ang mobile phone saka hinawakan ang pisngi ng binata.
“Smile!” Then, she kissed him on the cheek.
Levine world’s stop. Damang-dama niya ang labi nito sa pisngi pati ang bango nito sa tuwing lalapit ito sa kanya. Feeling niya ay nasa ulap siya nang bigla siyang halikan ng dalaga. Hindi man sa labi, pero parang nakakakilig iyon para sa kanya. Damn! Kinikilig siya? Seriously?
“What?” Napatawa si Maeve dahil sa itsura nito. “I’ll post this on my instagram.”
Napabalik sa ulirat si Levine. “Kakaiba ka talaga,” komento nito at napailing na may ngiti sa labi. Damn! Gusto niya ding halikan ito pabalik.
“Let’s swim?” yaya ni Levine. Baka hindi siya makapagpigil dito.
“Okay!”
-----
Singapore
“Ano hanggang tingin ka na lang ba kay Maeve, Lorenzo?” Sinindihan ni Gray ang sigarilyo bago casual na sumandal sa mahabang sofa ng sarili nitong office.
Hawak ang mobile phone, tinitigan ni Lorenzo ang isang i********: post ng dalaga. She was looking so happy with his brother. Nakakasilaw ang ngiti nito na para bang ang sakit nito sa mata niya.
“Sabihin mo na kaya sa kapatid mo?”
“And what? Mag-aaway kami?”
“Natural na mag-aaway kayo dahil iisang babae lang ang pinag-aagawan niyo,” komento ni Grey at nag-puff ng sigarilyo. Sino ba ang hindi? They loved the same woman, pero nasa babae ang desisyon kung sino ang pipiliin nito and the last man who didn’t also have a choice… either to let her go or love her secretly.
Tumayo ito at tinapik ang balikat ng kaibigan.
“May laban ka, Lorenzo. You are the first love at naniniwala ako na mahirap kalimutan ang first love. It’s not too late, bud. All you need is to make an effort to bring her back to you again. Pero kung ayaw mo naman so be it. Kapag nag-let go ka, i-let go mo na ng tuluyan.”
“I can’t. Just imagining her building a family with someone else ay hindi ko kaya. Sa dinami-rami pa ng tao bakit kapatid ko pa? Hindi ba pwedeng sa iba na lang? Baka doon may chance pa akong kunin siya, pero hindi. Importante din sa akin ang kapatid, you know how I care about Levine.”
Naawa si Grey sa kaibigan. Napaka-komplikado ng sitwasyon nila. Love will make you crazy! Oo, hindi naramdaman ni Levine ang pagkakaroon ng isang ama pero ang hindi nito alam ay ‘yon din ang nararamdaman ng kapatid nito. Their father was just using them in his own gain. Mabuti nga at may kalayaan si Levine pero si Lorenzo? Wala, kailangan nitong sundin ang kagustuhan ng ama kaya nagawa nitong iwan ang pinakamamahal nito.
Lorenzo gripped his phone. Magkasalubong ang kilay niya at malamig ang mga mata nitong nakatitig pa din sa picture ng dalawa.
‘Sorry, brother, siya ang nauna at babawiin niya lang ang kanya.’
-----
A/N: Kamusta Team Levine? Mukhang hindi uurong si Lorenzo. Pasensya na daw, laban Team Lorenzo!