bc

Poor Billionaire's Assistant

book_age18+
194
FOLLOW
1K
READ
billionaire
fated
friends to lovers
billionairess
comedy
witty
female lead
enimies to lovers
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

She was in the middle of accepting her fate, until she met a farmboy that will teach her that she didn’t need to be rich or wealthy… She just needed a good mindset and a good strategy. She fell for him without knowing that this guy was a billionaire.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MARIRINIG na nga ang maagang tilaok ng mga tandang sa ibabaw ng hindi kalakihang bungalow na bahay ng pamilya Garcia. Dahil nga roon, ay dito na nga kaagad na nagising ang diwa ng nag-iisa nilang anak na si Perla Mae Garcia. Kakauwi lang uli nito probinsya nila matapos siyang maloko at ma-scam ng recruiter na in-applyan niya sa Maynila. Naiinis nga siya sa kamalasang nangyari sa kanya at dahil din sa nangyaring ito kaya ang lahat ng mga naipon niya at ipinangutang ng kanyang mga magulang para sana sa kagustuhan niyang mangibang bansa ay naubos lang na parang bula. Napakamot nga siya ng ulo at kinuha niya ang kanyang keypad phone na wala namang signal dahil nga sa hindi rito abot ng cellsite sa bayan nila. “Alas-kwatro pa lang ng umaga,” sabi ng dalaga sa sarili na nagkamot nga ng kanyang ulo at pati na rin ng kanyang hiyas na nangati ang gilid. “Ayaw ko pang gumising! Nakakainis talaga ang mga manok dito!” sabi pa niya sa sarili at napapikit nga siya at inisip ang mga pangarap niya sa buhay na mukhang napaka-imposible na niyang maabot dahil sa mga nangyari. Naiinis siya at ilang gabi na siyang naiiyak kapag naaalala ang mga nagastos niya roon. Naaawa rin siya sa mga magulang niya na mukhang dito na yata tatanda sa lugar na ito. Isa pa, ang mga utang nila na nadagdagan pa dahil sa nangyari. “Gusto kong makatira sa malaking bahay… Gusto kong maligo sa pool nang naka-bra at panty lang… Gusto kong magkaroon ng magandang kotse… Gusto kong makain ang lahat ng mga mamahaling pagkain sa mga restaurants!” Ito ang pangarap niya noon na pakiramdam niya ay makukuha niya sa oras na makapunta siya sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Kaso… Isa palang pekeng recruiter ang nabigyan niya ng pera. Ilang linggo siyang nagpauli-uli sa Maynila, tapos ganoon lang pala ang mangyayari. May ilang araw rin siyang sa terminal ng bus natutulog dahil inihanap pa siya ng pamasahe ng kanyang mga magulang para lang makabalik dito. Nagtaklob siya ng kumot at pinilit pang matulog, kaso, hindi na niya ito magawa. Wala na nga siyang mapagpilian kundi ang bumangon na. Kinapa-kapa pa nga niya ang switch ng ilaw nila at pagpindot niya ay hindi nagliwanag ang bumbilya sa loob ng kwarto niya. Doon nga niya naalala na wala na nga pala silang supply ng kuryente dahil naputulan sila. Ang mahirap nito ay hindi pa anihan, mayroon kasi silang isang kwadradong palayan sa likod ng bahay nila. Kaso, ang tanong niya sa sarili ay may makakain pa ba raw kaya sila sa mga buwan bago dumating ang araw na iyon? “Kailangan ko munang maghanap ng trabaho sa bayan nito…” sambit niya na pilit na pinalaki ang mata para makita ang medyo madilim na paligid sa loob ng bahay nila. Nang marating niyang ang ibabaw ng mesa ay naalala niya kagabi na dito niya ipinatong ang kanilang posporo. Katabi lang din ito ng kandila nilang nakalagay sa ibabaw ng takip ng kanilang lalagyanan ng kape. Sinindihan niya ang kandila at napaubo pa siya nang masinghot ang usok na nangmula roon. “Kainaman naman… agang-agang kamalas ah!” naiinis na wika ni Perla na napa-upo na lang sa upuan nasa gilid niya. Para siyang bruha nang umagang iyon dahil sa gulo-gulo niyang buhok. Narinig na nga lang niya na bumukas ang pinto ng kwarto ng mga magulang niya na sina Aling Hermenia at si Ka Fernando. Ang nanay niya ang lumabas mula roon at nang makita ang anak ay agad na nilapitan ito. Naalala ng dalaga ang itsura ng mga magulang niya sa pag-uwi niya rito. Kahit na puro kamalasan ang nangyari sa kanya ay masaya pa rin ang mga ito na tila ba walang problema. Niyakap kaagad siya ng mga ito na nagpaiyak sa kanya noong isang araw nang siya ay makabalik dito. “Magandang umaga nanay,” bati ni Perla na naaninag kaagad ang ngiti ng kanyang ina. “Ipagtitimpla na kita ng kape Pengpeng,” wika ng nanay niyang nasa edad singkwenta na. “Huwag na nanay, baka maubos ang ating kape riyan… Hindi na naman kailangan iyan at sa tilaok pa laang ng ating manok ay tanggal na ang antok ko,” pabirong wika ni Perla na nawala kaagad ang inis nang makita ang kanyang pinakamamahal na nanay. Kahit na hindi niya namana ang kabaitan nito sa buhay ay mahal na mahal niya ito. Tumayo nga siya at niyakap nang mahigpit ang kanyang nanay na napahawak naman sa kanyang braso. “Nanay! I love you! Yaan ninyo at maghahanap ako ng papasukan sa bayan mamaya. Pwede gang magpokpok na laang ako?” pabirong wika pa ni Perla at doon na sumama ang tingin nito sa kanya. Napa-aray tuloy siya nang kurutin siya nito sa tagiliran. “Tigil-tigilan mo nga Perla Mae ang bunganga mo!” inis na wika ng kanyang nanay na tinawanan naman niya. Alam na alam kasi niya kung paano iinisin ito. “Ako’y nagbibiro laang nanay. Palagay ga ninyo ay may papatol sa akin na mayayaman sa bayan? Wari ko’y wala at ang gusto ng mga iyon ay mapuputi,” pabiro pa ni Perla at maya-maya pa ay nagising na ang kanyang tatay na napatanong kung ano ba raw ang pinag-aawayan ng dalawa. “Wala tatay! Sabi ko ga na si nanay ay maganda at loves na loves mo,” natatawa pang wika ni Perla na naglaho ang inis sa sarili dahil anuman ang mangyari sa kanya, ang makitang magkasama ang kanyang nanay at tatay ay isa nang napakagandang bagay na para sa kanya. “Kung ikaw kaya anak ay mag-boyfriend na laang ng mayaman! Ewan ko ga kung kailan mapunta rito ang bumili noong malaking palayan at taniman diyan sa kabila ng ating palayan. Maaari gang ang nagpunta laang ay iyong katiwala at siya raw muna ang magbabantay noon habang wala pa ang amo,” sabi ng kanyang tatay na lumambing muna ng isa sa kanyang misis na kaagad siyang pinalo sa braso. “Kita mo ang nanay mo, napakasuplada,” pabiro pa ng tatay niya. “Ah, talaga tatay? Nabili na iyong malawak na lupa nina Mayor diyan sa kabila?” sabi pa ng dalaga at tumango naman ang kanyang mga magulang. “Sabi noong katiwala ay baka raw hindi pa kaagad iyan maintindi noong may-ari kaya siya raw muna ang magbabantay. Noong isang araw nga ay tumulong akong pagpapanday ng maliit na bahay doon sa loob. Tapos umalis din naman siya at sa pagkakaalam ko ay may pinapaasikaso raw sa kanya ang amo niya,” sabi pa ng kanyang tatay na tango naman ang tanging tugon ni Perla. “Villafuerte ang apelyido noong nakabili…” sabi pa ng kanyang tatay at si Perla ay napatingin sa malayo nang marinig ang bagay na iyon. “Villafuerte? Parang narinig ko na dati ang apelyidong iyon ah. Parang taga-rito rin yata iyon sa probinsya namin… o baka naman mali ako,” sabi na lang ng dalaga sa sarili at pumikit nga siya, at pinilit na maisip kung saan ba iyon at kailan. “Saan ko nga ba narinig ang Villafuerte na iyan…” “Bakit Pengpeng? May kaklase ka ba dating ganyan ang apelyido?” tanong ng nanay niya na pasimple niyang ikinangiti. “Ala, wala nanay…” Pilit inisip ng dalaga kung saan nga ba, kaso, sa huli ay napatawa na lang siya sa kanyang sarili dahil sa isang palabas lang pala sa TV niya ito narinig. Para siyang baliw na napatingin sa malayo nang mapagtanto iyon. “Haciendero?” ***** MAKIKITA nga na pangiti-ngiti pa si Perla sa harapan ng salamin niya sa kwarto habang suot ang kanyang puting plain na shirt at black pants na fit na fit sa kanya. Pasimple pa nga niyang dinakma ang kanyang hindi kalusugang dibdib at tumagilid naman pagkatapos para pagmasdan ang hubog ng kanyang pwetan. “Medyo matambok naman pwet ko. Sexy rin naman ako, sa dede nga lang nagkulang… at sa puti,” sabi pa niya habang sinusuklay na ang kulot niyang buhok na agad din niyang pinuyudan para hindi bumuhaghag. Pagkatapos maglagay ng kaunting lipstick ay napatingin pa nga siya sa laman ng kanyang dadalhing plastic envelop na naglalaman ng kanyang requirements. Napatingin na nga lang muli siya sa salamin. “Anong trabaho na naman kaya ang maa-apply-an ko? Huwag sanang maligalig ang may-ari… Baka maulit na naman ang nangyari dati.” Natatawa na nga lang siya na inalala iyon dahil hindi siya nakapagtimpi kaya agaran siyang sinetante. Paglabas niya ng bahay ay nakita niya ang kanyang tatay na may suot nang buli na sumbrero na suot ang mahaba nitong kupas na jacket. Ang kanyang nanay naman ay makikitang suot na sumbrero ang may tatak ng mukha ng kanilang mayor at balot na balot din ang katawan dahil pupunta ito sa palayan nila para magtanggal ng damo at maglinis ng kanal na dinadaluyan ng tubig na mula sa irigasyon. “Pengpeng, mag-iingat ka sa bayan… Iyong payong mo? Dalhin mo at mainit,” nakangiting wika ng kanyang nanay. “Hindi ko na ga kailangan iyon nanay. Sanay na ako sa initan,” natatawang sabi ni Perla at naalala niyang palagi rin naman siyang nasa palayan nila kapag wala siyang trabaho at kahit kapag wala siyang pasok noong nag-aaral pa siya. “Gusto laang ng iyong nanay ay pumuti ka raw para ikaw ay ligawan ng mga mayayaman sa bayan,” bigla namang singit ng kanyang tatay na tawang-tawa sa kanya. Alam niyang nagbibiro ito kaya nga agad na rin siyang lumabas at napatawa. Nagpaalam na siya sa mga magulang niya at nagmadaling naglakad sa magabok na daanan patungo sa pinakang-kalsada rito. Ilang minuto pa itong lakarin at kapag hindi kaagad siya makasakay ay no choice na naman siya kundi ang maglakad papunta sa sakayan ng mga habal-habal (motor) sa sentro ng barangay na napunta sa bayan. Pasimple pa nga niyang pinagmasdan ang malawak na palayan sa paligid at amoy na amoy na naman niya ang putik na nagmumula rito. Napabuntong-hininga na nga lang siya at napatingin sa dinaraanan niya. Nakaramdam na naman siya ng lungkot at hindi niya maiwasan ito lalo pa’t parang kailan lang ay punong-puno pa siya ng pag-asa. Inaasahan na niya na wala siyang masasakyan sa kalsadang malapit sa kanila, kaya nga naglakad na siya patungo mismo sa paradahan ng mga habal-habal at pagdating niya roon ay nakita na kaagad niya ang seryosong tingin ng isa sa mga driver doon na si Robert. Matagal na itong nanliligaw sa kanya, high school pa, kaso, ayaw niya rito dahil sa ito ay mag-iinom. “O mga pare, ako na maghahatid sa bayan kay Perla!” wika kaagad ng lalaki na kaedadin lang din naman niya, pareho silang 27 at makikitang medyo payat ang pangangatawan nito at isa rin sa ayaw niya rito ay ang paninigarilyo nito na palagi niyang sinasabi rito na tigilan. Kaso, wala. “Sumunod ka sa pila Roberto… Mahiya ka naman kina manong!” pasungit na wika ng dalaga at nagtawanan nga ang mga drivers na naroon. “Manong, sa bayan,” ani ng dalaga sa isang may edad na driver na kaagad na sinakyan ang motor nitong parang slow moving ang takbo dahil may kalumaan na ang brand at ang dumi rin ng gulong at ibaba nito. Tila ba hindi na ito nililinisan. “Ang suplada mo naman Pengpeng… Nga pala, madalaw ako mamayang gabi sa inyo,” ngiting-ngiting wika ng lalaki na makikita na bungi ang ngipin nito na kinailing na lang ni Perla. Kahit naman daw hindi siya super ganda ay hindi na niya kaya pang magustuhan si Robert dahil sa katotohanang wala naman daw itong pangarap sa buhay kagaya niya. Easy go lucky palagi ito na tila kontento na sa buhay nito rito sa lugar nila. “Magtigil ka nga Roberto! Hindi na kita iimikan kapag nagpumilit ka pa! Nasabi ko na dati pa ang gusto kong gawin mo pero, wala… Tuloy ka pa rin sa bisyo mo, at isang bagay na ayaw ko iyon sa iyo,” prangkang winika ni Perla na ikinakantyaw na lang ng mga naroon at ang lalaking sinabihan naman niya ay napahiya na napakamot sa ulo. Tama naman ang dalaga, hindi niya kayang alisin ang alak at sigarilyo sa kanyang buhay na tila ba ito na lang daw ang nagpapasaya sa kanya. Umandar na nga ang motor na sinasakyan ni Perla at napahawak na siya sa tabi ng motor habang naka-ipit sa may kili-kili niya ang folder na dala niya. Umandar nga iyon at makalipas ang halos isang oras na byahe ay narating na niya ang Poblacion ng munting bayan nila. Pagkaabot niya ng bayad ay umalis na rin kaagad ang sinakyan niya. Naalala niya bigla ang mga araw na nasa Maynila siya, walang-wala raw ang Poblacion dito na iilan lang ang building, maliliit pa. Wala rin iyong mga sikat na fastfood chains at puro lang mga turo-turo ang mayroon dito. Tumawid na nga siya para pumunta sa palengke at baka raw may naghahanap doon ng tindera. Hindi naman kalakihan ang pinasukan niya at paglabas niya roon makalipas ang ilang minuto ay napabuntong-hininga na nga lang siya. Wala raw hiring. Naglakad-lakad pa siya at may nakita siyang maliliit na establishments dito na may nakalagay na hiring, kaso, hindi siya tinanggap dahil lalaki raw ang hanap. Nakipagtalo pa nga siya sa manager para sabihing batak daw siya sa palayan nila… kaso, ang pakikipagtalong iyon ang lalong naging dahilan para hindi siya tanggapin. Sa estilo pa lang daw ng pakikipag-usap niya ay mukhang palasagot na raw kaagad siya. Dalawang beses iyong nangyari sa kanya at inis na inis na naman siya. “Tanghali na mamaya, wala man lang akong napapala… Nakakainis,” sabi ni Perla na pasimple munang umupo sa gilid ng isang bilihan ng mga gamit sa pagsasaka kagaya ng mga pesticides, at ilan pang mga gamot at pataba. Maliit lang naman ang bayan nila pero napagod siya sa pagpapauli-uli kaya heto at nakalupagi siya sa semento sa tabi na tila ba hindi babae. “Ate! Palimos po!” Maya-maya pa ay may kumulbit sa kanyang ulo at pagtunghay niya ay dalawang gusgusing bata ang tumambad sa paningin niya. Nakakaawa ang tingin ng mga ito sa kanya habang nakahawak ang mga kamay sa tiyan. “Ate, pengeng barya… Pangkain lang po…” sabi ng isa habang nakalahad ang medyo marumi nitong kamay. Nakaramdam ng inis si Perla at napasalita nang malakas. “Sa iba kayo humingi! Wala akong pera!” bulalas ng dalaga na itinaboy pa ang mga bata na parang diring-diri siya. Napalayo ang dalawang bata na tila natakot sa kanya at kasunod nga noon ay ang pagyuko ng dalaga dahil sa pagkainis. “Eto oh, may pera ako rito.” Mula naman sa tabi niya ay may isang lalaki ang lumabas mula sa bilihan na naroon. Nakasuot ito ng kupas na fit na shirt na may tatak ng isang brand ng pesticide at naka-shorts ng maong na kupas habang nakatsinelas. Kung pagmamasdan ang kasuotan nito ay parang wala itong pambili ng damit, kaso, ang katawan nito ay matipuno, at isama pa ang makinis nitong mukha. Matangos din ang ilong nito at ang kilay nito ay makapal na sinamahan pa ng maayos na gupit ng buhok nito. 6-footer din ito at ngiting-ngiti niyang hinawakan sa ulo ang dalawang bata na tuwang-tuwa sa binigay nitong pera. “Salamat po kuya! Ang bait po ninyo!” sabi ng mas maliit na bata at si Perla ay napatingin sa tabi niya dahil parang ang dating noon sa kanya ay masama. Kaso, wala na ang mga bata dahil nakatakbo na ang mga ito na masayang-masaya. “Dapat miss, hindi mo ginanoon ang mga bata. Mukhang highblood ka kanina. Natakot tuloy sila sa’yo,” wika ng lalaki na ikinapintig kaagad ng pandinig ng dalaga. Agad na tumayo nga si Perla para angasan ito, kaso, napalunok siya ng laway dahil matangkad pala ito. “Kalma lang miss… Mukhang bad mood ka. Gusto mo bang mag-meryenda muna tayo?” nakangiting tanong ng lalaking iyon na ikinaseryoso ni Perla dahil nakita niya na ang puti ng ngipin nito na pantay-pantay. Isa pa, moreno ito at hindi niya maiwasang mapalunok ng laway dahil matipuno ang katawan nito. Napansin pa nga niya ang pagbakat ng nipol nito sa manipis na suot nito na bahagyang nagpaatras sa kanya. “A-ayaw ko! Isa pa, hindi kita kilala! Mamaya kung saan mo ako dalhin… Hoy! Hoy! Hindi ako pokpok!” Ang dami kaagad nasabi ng dalaga habang ang lalaki naman na naroon ay natulala na lang at napatawa. “Nga pala, Con--- Francis!” Inilahad ng binata ang malapad niyang kamay. “So ano? Magkakilala na ba tayo?” Sa kabila ng ipinakitang ugali ni Perla ay makikitang nakangiti pa rin ang lalaking iyon sa harapan niya na tila ba naging interesado rito nang hindi inaasahan. ****** TILA pati yata ang paghahanap ni Perla ng trabaho sa Poblacion ay tinamaan na rin ng kamalasan dahil nga sa paglibot niya rito ay wala man lang siyang napasukan ni isa. Nakaramdam tuloy siya ng inis sa sarili, na sinabayan pa ng pagbalik sa isip niya sa nangyari sa kanya sa Maynila. Sa pagmumukmok nga niya sa gilid ng isang bilihan doon ay napagbuntungan pa niya ng inis ang isang batang namamalimos lang naman sa kanya ng barya. Kasunod nga noon ay ang biglaang pag-eksena ng isang lalaki na hindi naman niya kakilala, na ngayon ay niyayaya pa siyang magmeryenda. Nagpakilala muna nga ito sa kanya at Francis daw ang pangalan nito. Si Perla naman ay tinaasan ng kilay ang lalaki at parang nanliliit tuloy siya ngayon na kaharap ito dahil sa tangkad din na taglay nito na parang isang basketbolista. “Hindi naman porket tall, dark and handsome ka ay mapapasama mo na kaagad ako sa iyo? Iyan ang isang ayaw ko sa mga lalaki, mga bilib na bilib sa sarili porket may itsura,” sabi pa nga ng dalaga na tumingin sa nakalahad na palad ng binata na hindi naman nga niya pinansin. “Tigil-tigilan mo nga ako. Hindi nga kita kilala, nakakapaghinala ang mga ganyang alok. Hindi naman ako maputi kagaya ng mga babaeng gusto ninyo,” sabi ni Perla na nasa tono ng pagsusungit na pasimple pang tumingin sa bubog na dingding ng shop na tabi nila. “Hindi kasi mga mapuputi ang gusto kong babae. Kaya siguro bigla akong nagpakilala sa iyo…” “Yap! Tama ka, hindi nga pala tayo magkakilala,” wika pa ng binata na parang nahiya at napatingin na nga lang siya sa plastic na bitbit niya na may lamang kung ano-ano na gamit sa farm. “Sorry Miss,” natatawang wika ng binata at pasimple namang napatingin si Perla rito dahil ang ganda raw ng ngipin nito. Ang puputi at pantay-pantay. Hindi nga raw kagaya ng kanya na may isang sungki sa may tabi ng pangil. Napailing nga siya dahil hindi raw siya dapat magwapuhan dito. Oo, gwapo naman ang binata, kaso, iba na kasi ang hanap niyang lalaki ngayon. Ang target na niya ay mga mayayaman. “Kaso, may papatol kaya sa aking ganoon?” sabi pa nga ni Perla sa sarili at bigla niyang naalala na nag-aalok nga pala raw ito ng meryenda. Lumunok muna ng laway si Perla at aalis na sana ang lalaki, nang bigla niyang maisip na wala nga pala siyang extra budget, kaya kakapalan muna raw niya ang kanyang loob para magpalibre rito. “Psstt! Hindi ba niyayaya mo a-akong magmeryenda?” Si Francis naman ay napatingin sa dalagang kulot ang buhok na mukhang nagbago bigla ang pakikitungo sa kanya. “Sasama ka na ba?” nangingiting tanong ng binata na makikita na naman ang magandang ngipin nito. “Mayaman siguro ito… ang mga ngiping ganito ay sa mga rich people lang ang mayroon,” isip-isip ni Perla at ngiting-ngiti nga sa kanya ang lalaki na parang ikinakaba niya. “By the way, ano nga pala ang pangalan mo? Hindi ka pa nagpakilala sa akin,” ani ng binata na pinagpagan muli sa baba ng shirt niya ang kanyang kanang palad. “Francis…” “L-lorna!” pagpapakilala ni Perla na naisipang baguhin ang kanyang pangalan dahil sa nakakahiya raw na sabihin ang pangalan niyang sa isang brand daw ng sabong panglaba kinuha ng kanyang magulang noong ipanganak siya. Napatingin pa nga siya sa palad ng lalaki at nakipagkamay siya rito. Medyo magaspang ang palad ng binata at nanliit naman ang kamay niya roon na agad niyang inilayo. “Okay,” sabi ni Francis na nagsimula na ngang maglakad at pasimple namang nakatingin si Perla rito na nag-iisip na kaagad na sa masarap na kainan siya nito dadalhin. Naalala nga niya na may kainan dito sa bayan nila na may mga masasarap na burger na may malalaking patty. Tanda pa nga niya na maraming nagde-date doon na magsyota. Naisip nga rin niya na may isa rin kainan dito na may mga milk tea at may iba pang mga kasamahang masasarap sa menu. Okay rin daw sa kanya kung doon sila kakain. Parang natakam ang dalaga habang iniisip iyon. Natutuwa siya dahil makakakain siya ng masarap, tapos, libre. “Kailangan ko na lang mag-ingat. Baka may masama pa rin sa aking balak ang isang ito…” “Hmm… Sa lapad ng katawan nito. Baka hindi ako makalakad nang maayos,” sabi pa ng dalaga na biglang napailing dahil kung ano-ano raw ang naiisip niya, at pati ba naman daw sa bagay na iyon ay maiisali pa niya. Napahinto na nga lang siya nang tumigil ang lalaki sa tapat ng isang nagtitinda ng banana cue at palamig sa gilid ng school sa bayan. Nakita ni Perla na bumili ang binata ng dalawa at iniabot kaagad sa kanya ang isang stick ng saging na may asukal. Si Perla, muntikan nang mawalan ng balanse dahil ang lahat ng kanyang ini-imagine ay hindi nangyari. Dito lang pala sa sagingan siya dadalhin ng binatang ito na akala niya ay mapera. Mukhang nagkataon lang daw yata na maganda ang ngipin nito. “Meryenda na tayo,” nakangiting wika ng binata at sila ngang dalawa ngayon ay nakatayo habang nakasandal sa bakod ng school. “S-salamat…” nangingiting wika ni Perla na napatingin sa kanyang hawak na banana cue at palamig. “Pwede na rin ito,” sabi ng dalaga sa sarili na nagkunwari na lang na nag-e-enjoy sa pagkain. Libre raw ito kaya tanggapin na lang niya ito nang bokal sa kanyang kalooban. “Sawa na ako rito… ganito nga lagi ang niluluto ng nanay kapag may bunga ang ilang puno namin ng saba.” “Pati ba naman sa imaginations ng pagkain sa mga restaurant na gaya noon dito sa bayan ay hindi pa talaga nangyari? Napakamalas ko naman talaga.” “Ang sarap ng banana cue rito,” sabi ng binata na makikitang mabilis na inubos ang binili nito. “Gusto mo pa ba?” Umiling kaagad si Perla na gusto na lang daw na umuwi dahil akala niya ay mayaman itong lalaking nagyaya sa kanya. Kaso, mukhang hindi pala talaga at ang biro pa nga sa kanya nito ay pasensya na raw dahil maliit lang ang budget niya. Nang tanungin nga niya kung ano ang trabaho nito ay isa raw itong bantay sa isang farm dito sa bayan nila. Mukhang ito ang dahilan kaya ito moreno. “Hiring pa ba roon? Naghahanap kasi ako ng trabaho… kaso, nakakainis dahil wala man lang ma-apply-an,” biglang nasabi ni Perla na ikinaseryoso naman ng binatang katabi niya na kakatapos lang ubusin ang kulay pink na palamig sa kanyang baso. “Kung kailan, kailangang-kailangan ko,” papahinang winika ni Perla at pasimpleng napatingin ang binata rito. “Hiring pa, kaso, baka hindi mo gusto…” “H-huh? Talaga?” Nang marinig nga iyon ni Perla ay parang tumayo ang tainga nito kaso, doon na rin pumasok sa isip niya ang isang bagay. “Sabi na, kaya ako nilibre nito ay para kuhaning pokpok,” sabi ng dalaga sa sarili at sineryosohan niya ng tingin ang lalaki. “Kung malilinis at naliligo ang mga lalaking ibibigay sa akin… Okay lang sa akin,” mahinang wika ni Perla at mukhang magagalit ang nanay niya sa papasukin niyang bagong career. Wala na rin naman daw siyang ibang choice. Isa pa, hindi na rin naman daw siya virgin dahil nakuha na ito ng ex niyang sira-ulo. “Sorry inay at tatay…” “Tsaka iyong nagbibigay ng tip ah… Para hindi naman ako lugi, tsaka iyong nagsusuot ng…” “Condom…” pabulong na wika ni Perla sa may tainga ng binata na nagulat naman sa mga sinasabi niya. “T-teka, t-teka… Mukhang iba yata ang naiisip mo. Hindi ganyan ang trabahong ia-alok ko,” natatawang wika ng binata at si Perla naman ay parang nagyelo ang katawan dahil sa kahihiyan. “Gusto ko na lang na maglaho…” “Baka gusto mong magbantay sa farm? Sasabihin ko sa amo ko. Baka kasi hindi ko kayaning mag-isa, kasi hindi pa ako sanay,” nakangiting wika ng binata at si Perla ay napaseryoso naman ng tingin sa lalaki. “Sa farm? Ano ang gagawin? Kapag diyan! Easy lang sa akin iyan dahil laking-bukid ako.” Nang marinig nga ito ng binata ay bigla siyang napangiti dahil doon. “Talaga? Okay kung ganoon. Simple lang naman, samahan mo lang akong mag-asikaso, kasi medyo malaki iyong nabili ng amo ko,” natatawang wika ng binata at si Perla ay parang sumama ang tingin dito. “Magkano ba ang sahod?” “Itatanong ko pa sa amo ko. Pero gusto mo ba?” “Kailangan ko talaga ng pera ngayon… Kasi marami kaming utang… Kaya sige! Tatanggapin ko iyan kahit mababa ang sahod,” seryosong wika ni Perla at si Francis naman ay napangiti nang marinig iyon. “Kailan mo ba gustong mag-start?” “Kahit bukas! Ayaw ko kasing matambay,” sabi ni Perla na papatusin na nga talaga ito. Nasa isip pa rin naman niya ang pag-iingat pero, laking-bukid siya at kung ayos na trabaho ito ay hindi siya mahihirapan nito. “Sige, bigyan mo ako ng kahit isang bio data or resume mo,” sabi ni Francis at napangiti bigla si Perla dahil sa malalaman ng lalaking ito na nagsinungaling siya sa kanyang pangalang sinabi kanina. “Patay ka Perla… Baka hindi ka pa matanggap…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

The Sex Web

read
151.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.6K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.1K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook