Chapter 3

1786 Words
• Abuela • Calla's POV "Are you okay ? " Agad akong nag angat ng tingin kay Boss Lash. "Did they hurt you ? " "A-ayos lang po ako , Pasensya na boss kibago bago ko nasangkot ako sa gulo" Mahina kong wika habang nakatingin sakanya. "Don't bother asking for forgiveness Calla. It's not your fault . Binastos ka at tama lang na ipagtanggol mo ang sarile mo " Ngayon lang ulit bumalik sa normal ang pag t***k ng aking puso. Akala ko talaga ay matatanggalan na ako ng trabaho. Mabait din pala itong si Boss Lash kahit papaano , tama nga ang sinasabi ni Miggy mabait nga si Boss Lash sa mga empleyado niya. "Salamat boss!" Magiliw kong wika "Akala ko mawawalan na ako ng trabaho " Natatawang tinapik-tapik niya ang balikat ko bago nag lakad palapit sa lamesa niya. "Here" He said 'at nilapag ang white envelope sa ibabaw ng kanyang lamesa "Advance na suweldo mo" Nanlaki ang aking mata habang nakatingin sa envelope na nasa ibabaw ng lamesa. "Wala naman po akong inadvance Boss " Nag tatakang wika ko. Wala talaga dahil ngayon pa lang kami nag kita ni Boss Lash. Mag a-advance palang dapat ako pero heto at ibinigay na ni Lord. "I know " He said "Pero lahat ng empleyado ko dito binibigyan ko ng advance sa unang araw ng trabaho nila. Just make sure that you won't run away with that money " Malawak akong ngumiti bago nag lakad palapit sa kanyang lamesa at kinuha ang white envelope na nakapatong doon. Jusmio marimar ! Swerte ko talaga sa napasukan ko. "Salamat po boss ! Nasayo na talaga ang lahat gwapo na mabait pa ! " Masaya kong wika not minding my words " Babalik na po ako sa trabaho salamat po ! " Tumango tango lang siya kayat lumabas na ako sa opisina niya. Hanep talaga ! Okay din pala na nabangga ako ni Mr. Antipatiko ' kung hindi dahil sakanya ay hindi ko makikita ang Club na ito. "Anong nangyari ? " Muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang sumulpot si Miggy saaking harapan. "Tanggal kana ? " Inirapan ko lang siya at nilagpasan bago tuloy tuloy na pumasok sa locker room para itago ang pera ko. "Ano na ateng ? Tanggal kana ? " "Hindi no! Bakit ba pakiramdam ko gusto mo akong matanggal dito ? " Mataray kong wika habang nakatingin sakanya. "Grabi ka naman ateng hindi ba pwedeng curious lang " Balik irap din niya. Aba mataray na bakla! "Halika na nga napaka chissmoso mo talaga ! " Wika ko at hinaltak na siya palabas sa locker room. Ilang oras pa ang lumipas bago matapos ang duty ko . Pero si Miggy ay mamaya pa daw uuwi dahil nag OT daw ito ng isang oras. Agad kong inayos ang mga gamit ko at nag palit ng damit. Maigi kong iniunat ang aking katawan bago isinukbit ang bag pack ko saakin at nag lakad na palabas ng club. Alas singko palang ng madaling araw kayat madilim pa nang pag labas ko. I sighed and started walking papuntang sakayan ng jeep pero agad akong napalingon ng may kumalabit sa aking likod. "Calla right ?" Magiliw akong ngumiti ng makita ang bartender na si Cloud. Siya din yung lalaking medyo chinito na nag ligtas saakin duon sa mga manyak kanina. "Oo a-ako nga " nauutal kong wika at agad na nag baba ng tingin. Nakakailang kasi si Cloud , ang cute niya kasi talaga. Sino ba naman ang hindi maiilang ? "P-pauwi kanadin ? " "Yep ! Mabuti nga at nakita kita dito akala ko wala nanaman akong kasabay na umuwi " Mabuti nadin talaga ito. Mahirap nadin kasi ang mag lakad sa madaling araw ng mag isa. Hindi mo na masasabi ang panahon. "Salamat nga pala sa pag resbak kanina Cloud. Kung hindi ka siguro dumating malamang may black eye akong papasok bukas" Agad akong napapitlag nang maramdaman ko ang pag patong nang braso niya sa aking balikat. Agad akong nag iwas ng tingin ng maramdaman ko ang pag pula ng aking mukha. "Wala iyon . Masasayang ang ganda mo kapag nalapatan ng kamao " Agad akong kumagat sa aking labi upang itago ang kakaibang kilig na aking nadarama. Ano bang nagyayari saakin ? Nababaliw na ba ako ? Nang makarating kami sa kanto kung saan may nag pupunuan ng jeep ay saka lang tinanggal ni Cloud ang braso niya sa balikat ko. "Ingat ka sa pag uwi Calla " He said and smile "See you later " "Hindi kaba dito sasakay ? " "Nope. Malapit lang dito ang apartment ko ' Konting lakad lang at nandoon na ako. Ingat ka!" Tumango tango nalang ako at sumampa na sa jeep. Kinawayan pa ako ni Cloud bago siya mag lakad palayo at nawala sa dilim. Ang cute niya talaga ! Aish ! Agad kong ipinag sawalang bahala ang mga naiisip ko. Hindi ako pumunta ng maynila para lumandi. Crush lang namam ! Bulong ng isip ko, malalim akong bumuntong hininga at kumuha ng barya sa bulsa. "Bayad po makisuyo" ---- •3rd person's POV• "Good morning señorito pinatawag na po kayo ng inyong Abuela " Manang Amy said. Iyon ang bungad sakanya ng kanilang katulong ng mapag buksan niya ito ng pinto. He's already on his office attire , handa na siyang pumasok dahil tambak na ang trabaho niya sa opisina. Madalas kasi siyang nalalagi sa Bar ni Lash sa hindi niya malamang kadahilanan. He sighed and fixed his neck tie "I'll be there in a minute " He said at muling isinara ang pinto ng kanyang silid agad siyang nag tungo sakanyang kama at kinuha ang cellphone niya sa bed side table saka tinawagan ang kanyang sekretarya. "Cynthia " He said "Cancel my appointments between 10:00 - 1:00 I'll be late again " Hindi na niya hinintay ang magiging sagot nito at mabilis na pinatay ang tawag. Nang matapos sa mga gagawin ay tumayo na siya at nag lakad palabas ng silid. Sa veranda niya natagpuan ang kanyang Abuela na nag aagahan kasama ang kanyang abuelo. "Abuela!" He said and kissed her cheek bago siya naupo sa silya kaharap nito "Pinatawag mo daw ako ?" "I want to meet your girlfriend today " Kalmadong wika nito na parang may mabibili siyang nobya sa department store. "Abuela naman !" He groaned "Alam mo naman na --- " "Kung hindi mo madadala dito ang nobya mo ngayong araw ay hindi mo makukuha ang mana mo saakin. Don't try me Adam. You know that I'm dead serious " wika nito Agad siyang tumingin sa kanyang Abuelo upang mang hingi ng tulong. Pero bumagsak lang ang balikat niya ng makita ang pag iling nito. "Fine ! I will bring Calla here today " What the hell!? Why did he uttered that stupid woman's name ? For christ sake! He's really crazy. "Calla .. " His Abuela murmured "What a beautiful name. I would like to meet her tráela aquí pronto ! " Hindi na siya nakipag talo pa. He immediately stand up and walk away. Nang makalayo ay tinawagan niya ang matalik niyang kaibigan. " I need your help Bud " --- Calla's POV Agad akong napabangon dahil sa ingay ng kapit bahay ko. Nag aaway nanaman silang mag jowa. Nakakairita ! Ilang oras palang akong nakakatulog pero nagising na ako dahil sa drama nila. Inis na ibinato ko ang unan ko sa sahig bago tumayo. Alas diyes palang ng umaga pero heto ako at gising na gising na ang diwa. "Romeo ! Bumangon ka dyan ! " Sigaw ni Juliet yung kapitbahay kong mag jowa. "Lalayasan na kita napaka tamad mo ! " Galit nitong sigaw . Habang ako ay nag kakape ay patuloy padin ang sigawan ng dalawa na tila sila ay nasa isang pelikula. "Juliet naman ! " Sigaw din naman ni Romeo. I felt cringe all of a sudden. Ibang iba ito sa kanta ni Taylor swift na Love story. Hanep ang storya ng mag jowang ito. Pinilit ko nalang libangin ang aking sarile upang hindi marinig ang kanilang sigawan. Bitbit ang tabong pinag mumugan at lalagyan ng sabon tuwalya at mga damit ay diretsyo na akong bumaba upang maligo. Mahaba ang pila sa banyo ng makababa ako pero maigi akong nag hintay ng aking turn para makaligo. Makaipon lang talaga ako ng pera ay aalis na ako sa apartment na ito. Matapos maligo ay umakyat muli ako saaking silid upang mag ayos. Nag suot lang ako ng maluwag na T-shirt at shorts saka tsinelas. Bibili ako ng mga pangangailangan ko sa loob ng isang buwan. Matapos mag ayos ay saka ako bumaba at lumabas , mag lalakad lang ako dahil may malapit naman na super market dito. "Nako ma'am nasiraan po tayo " Rinig kong wika ni manong na naka americana sa di kaluyaan. "Sandali lang po at mag hahanap ako ng pwede nating mapag paayusan " Hindi ko alam pero kusang huminto ang aking paa upang tignan ang magarang sasakyan na nakaparada sa aking harapan. Matapos umalis ng driver ay siyang pag bukas ng pinto ng kotse at ang pag baba ng may edad na babae. Ngunit hindi mo ito makikitaan ng kahinaan sa pangangatawan , maganda padin ang postura ng kanyang katawa. Elegante at magara din ang kanyang kasuotan. "Hija , may alam kabang bilihan ng tubig. I need to drink my medicine my chest is starting to tightened " wika nito. Agad na nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Agad akong tumango at lumapit sakanya. "Hintayin niyo nalang po ako dito ako na po ang bibili ng inumin niyo. Delikado po ang lugar na ito baka ma holdap kayo sa gara ng postura niyo " I said Mag lalabas sana siya ng pera ngunit hindi ko na ito tinanggap. "Pumasok nalang po muna kayo sa sasakyan niyo. Sandali lang po ako " wika ko at Inalalayan siya sa kanyang pag balik sa loob ng sasakyan "Lock niyo lang po ang pinto " Nang masigurong maayos na ang ginang ay agad akong tumakbo upang bumili ng tubig sa pinaka malapit na tindahan. Sa pag ka taranta ay tatlong tubig ang nabili ko. Mabilis kong muling tinakbo ang sasakyan ng ginang at marahang kumatok. Nang bumakas ang pinto ay hindi na ako nag dalawang isip na pumasok at tulungan ang ginang na mainom ang kanyang gamot. "Saan po ba kayo pupunta ? " I said "Maiinit po ang panahon ngayon dapat ay hindi kayo lumalabas" Magiliw na ngumiti ang ginang saakin. Magaan ang loob ko sakanya sa hindi ko malaman na kadahilanan. "Pupunta sana ako sa mall ang kaso lang ay nasiraan kami ng driver ko dito." Marahan naman akong tumango tango. "Mag iingat po kayo , hintayin ko nalang po ang driver niyo na bumalik." Halos 30 minutos din ang lumipas bago bumalik ang driver ni Abuela. Abuela daw kasi ang itawag ko sakanya , sosyal diba. Magiliw kaming nag kuwentuhan nang kung ano-ano habang hinihintay ang driver niya. Hanggang sa mag paalam na akong aalis. Mabait si Abuela at magaan ang pakiramdam ko sakanya. Kailan kaya ulit kami mag kikita ? She said that she would like to see me again. Ako din naman ay ganoon , sana nga ay mag kita pa kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD