(30) Stone's Belonging

2954 Words
Diane's POV Nakatingin lang ako kay Aling Cena mula rito sa malayo na ngayon ay kausap si Diego sa kabilang linya ng telepono. "Ah ganon ba? Aalis ka na?... Hindi ka ba muna bibisita rito sa casa?... Anong ayaw mong makaabala?... Hindi ka ba magpapaalam man lang kay Diane?" Napayuko ako atsaka tinago ang aking sarili rito sa likod ng malaking pundasyon ng casa. Mukhang hindi binalita ni Diego kay Aling Cena ang ginawa ni Stone sa kanya. Hindi ko maiwasang maikuyom ang aking kamao at makaramdam ng galit at inis sa aking sarili dahil wala akong nagawa nong gabing 'yon. Ngayon ay aalis na nga ng bansa ulit si Diego at hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makikita o kung magpapakita pa kaya ito sa akin. After what Stone did to him, I doubt he will look at me again. Tuluyan na akong tumalikod atsaka tinungo ang labas ng bahay bago dumiretso sa kwadra ng ni Nancy. Hawak-hawak ko ang laylayan ng aking bestida habang tinatahak ang medyo matataas na na mga damo rito. Kailangan ko na atang sabihin sa kanila na linisin ang parte na 'to. Binuksan ko ang malaking pinto rito sa kwadra ni Nancy atsaka siya hinanap. Napangiti kaagad ako nang makita ko itong kumakain at umiinom ng tubig. "Maganda araw sa'yo, Nancy." Pagbati ko sa kabayo atsaka ito nilapitan. Hinaplos ko ang kanyang pisngi patungo sa kanyang leeg. Sobrang ganda talaga ng balahibo niya, makintab tignan lalo na't naarawan ang kayang kulay kayumangging mga balahibo. Napatingin ako sa kanyang mga paa atsaka kaagad na may napansin. I think I need to change her shod. Ngayon ko lang naalala na dapat ko na pala ito palitan. "Babalik ako, Nancy, bibilhan lang muna kita ng bagong sapatos." Natatawa kong sambit atsaka mas ngumiti ng malawak sa kanya. Kaagad akong umalis mula sa kanyang kwadra atsaka dali-daling tinungo ang aking silid upang kumuha ng pera. "San po ang punta mo, Señorita?" Napatingin ako kay Paula nang marinig ko ang kanyang boses. Nasa sala na ako ngayon at lalabas na sana ng casa. "Sa hardware, bibili ako ng bagong sapatos ni Nancy." Napatingin ito sa aking kabuoan bago dahan-dahan na tumango. "Ipapahanda ko na po ba ang sasakyan?" Umiling ako sa kanya atsaka ngumiti. "Magbibisikleta lang ako, total hindi naman gaano kalayo ang hardware mula rito sa casa." Kaagad na nanlaki ang mga mata ne'to atsaka ako nilapitan. "M-Magbibisikleta ho kayo? Pero Señorita, baka mapano kayo sa daan, malilintikan po kami kay Señorito Stone kapag nagkataon." "Paula, ilang beses ko na 'tong ginawa. Ayos lang ako." Kaagad akong umupo sa sofa atsaka kinuha ang aking bota sa gilid. It looks cute with my dress. "P-Pero kasi, iba yung noon sa ngayon, Señorita Diane. Andito na sa casa ang señorito, kung may mangyari man sa inyo sa labas--" "Ayos nga lang ako, Paula." Pintuol ko ang gusto niya sanang sabihin matapos kong maitali ang laso ng aking bota. Kumaway ako sa kanya atsaka ngumiti bago lumabas ng casa atsaka kinuha ang aking bisikleta sa labas na nakaparada lang sa gilid. "Señorita Diane!" Sinundan ako ni Paula sa labas at pilit akong hinabol ngunit hindi na niya ako naabutan. Nataranta naman ang mga guwardiya nang makita akong nagbibisikleta papalabas ng casa. Mahina akong napatawa nang subukan nila akong harangin ngunit dahil mas binilisan ko ang pagpadyak, dali-dali silang umalis sa daan. Napalingon ako sa aking likuran atsaka ko nakita si Paula at ang ibang mga guwardiya na napakamot na lang sa kanilang ulo. Si Paula naman ay hinihingal habang nakatukod ang dalawang kamay sa kanyang tuhod. Ang saya, parang bumalik ako sa pagkabata dahil sa ginawa ko ngayon. I remembered sneaking out from the casa just to have a sleepover with Liera and Rhin. Mga highschool students pa kami non at 'yon ang unang pagkakataon na naging mahigpit si Don Frederico sa akin dahil laganap ang kidnapping noong panahon na 'yon. Pero dahil nga matigas ang ulo ko kung minsan, tumakas talaga ako ng casa para makapunta sa bahay ni Liera. Mapait akong napangiti dahil 'yon yung huling gabi kung kailan namin nakasama ni Rhin si Liera bago ito nagpunta sa ibang bansa at don na tumira kasama ang mga magulang at kapatid niya. Sana magkita ulit kaming tatlo... NAIPARADA ko ang aking bisikleta sa harap ng isang hardware atsaka kaagad na kinausap ang tindero nila rito. "Magandang araw, Mang Pablo!" Napalingon sa akin ang isang matandang lalake at nang makita niya ako ay kaagad siyang napangiti ng malapad. "Ikaw pala 'yan Diane, ano ang kailangan mo?" "Sapatos po para kay Nancy." Nakangiti kong saad na ikinatawa ng mahina ni Mang Pablo. "Sabi ko na nga ba at 'yon parin ang pakay mo rito sa hardware ko." Ako na naman yung napatawa dahil sa sinabi niya. "Benedict! Benedict halika nga rito!" Tinawag ni Mang Pablo ang kanyang anak na lalake atsaka inutos sa kanya na mukuha ng sapatos para sa mga kabayo. Napatingin sa akin ang anak ni Mang Pablo nang sambitin ne'to ang bagay na pakay ko rito. "Sabi ko na nga ba at ikaw 'yan Diane. Wala namang ibang bumibili sa amin rito ng sapatos para sa mga kabayo kundi ikaw lang." Natatawang saad ni Benedict atsaka niya itinukod ang kanyang dalawang siko sa ibabaw ng counter rito bago nakapalumbabang nakatingin sa akin. "Mas lalong gumanda ang araw ko ngayong nakita kita ulit dito, Diane--Aray! Itay naman, para san 'yon?" Salubong ang kilay na wika ni Benedict matapos siyang hampasin ng tsinelas sa ulo ni Mang Pablo. "Ang landi mong bata ka, kumilos ka na at kunin mo ang pakay ni Diane rito." Tinignan ako ni Mang Pablo matapos umalis ni Benedict habang nakanguso atsaka kamot-kamot ang kanyang ulo. "Pagpasensyahan mo na si Benedict, Diane." Napangiti ako sa kanya. "Ayos lang po 'yon, Mang Pablo, palabiro naman talaga si Benedict noon pa man." Hindi nagtagal at nakuha ko na nga ang pakay ko rito atsaka nagbayad kay Mang Pablo. Nagpasalamat ako sa mag-ama atsaka kumaway sa kanila bago sumakay ulit sa bisikleta ko. "Mag-iingat ka sa daan, Diane! Dahil kung hindi, mamahalin talaga kita!" Rinig kong wika ni Benedict atsaka ko siya nilingon ulit bago kumaway. Nakita kong hinampas na naman siya ng tsinelas ni Mang Pablo dahilan upang mahina akong mapatawa habang umiiling. Napatingin ako sa basket na nasa harap ng aking bisikleta atsaka hindi maiwasang mapangiti dahil nabilhan ko na ng bagong sapatos si Nancy. Pagkatingin ko ulit sa aking harapan, kumunot ang aking noo nang may makita akong sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada. May isang lalake na nakaluhod sa harap ng isang gulong ng kanyang kotse habang umiiling. Napatingin pa siya sa kalsada bago napakamot sa kanyang ulo dahil walang masaydong sasakyan o motorsiklo ang dumadaan rito sa lugar na 'to. Halos sakop ni Stone ang buong lupain rito dahil na rin sa impluwensiya ng yumaong Don. "Tsk! I don't have an extra tire." Rinig kong sambit ng lalake nang tuluyan na akong mapahinto sa kanyang tapat. Medyo napaderetso ako ng upo nang marinig ko ang kayang boses. That voice... It was too familiar. "A-Ano, kailangan niyo po ba ng tulong?" Napalingon sa akin ang lalake atsaka tinignan ako ng deretso sa mukha. Tila nalagutan ako ng hininga nang makita ko na ng buo ang kanyang mukha. Imposibleng makalimutan ko ang lalakeng 'to. How could I ever forget the man who first made me feel secured and safe long time ago? "Diane?" Napalunok ako nang tuluyan na itong tumayo mula sa kanyang pagkakaluhod. He became taller than the last time I saw him, and more matured and manly. "Hayden." Biglang humangin ng malakas dahilan upang tangayin ng hangin ang ilang hibla ng aking buhok na hindi naisama sa pagkakatirintas ko kanina. "I..." Hayden looked at me from head to foot with his mouth open. "You... You looked more beautiful." Natigilan ulit ako sa kanyang sunod na sinabi at hindi maiwasang mapalunok. "S-Salamat." I don't know how to handle a compliment. "San ka galing? Why are you riding a bike?" Tanong niya sa akin. "Galing akong hardware, may binili lang," wika ko atsaka siya ningitian. He blinked a few times before clearing his throat. "I'm sorry, I was too astonished to see you again after several years. And also, I'm not expecting to see you here along the road." He rubbed his nape while smiling sheepishly. "I am not in my best state at the moment, I'm sorry... Hindi ko inaaakalang makikita mo ako sa ganitong klaseng sitwasyon." Nahihiya yang sambit. "Nga pala, bakit ka andito?" Napaderetso ito ng tayo sa aking tanong. "Bibisita sana ako sa casa, ngayon kasi namin napagplanohan na bibisita ulit sa casa pero inagahan ko para una kitang makita." I suddenly blushed before looking away. Hindi parin nagbabago si Hayden. He's too straightforward. "G-Ganon ba? Gusto mong samakay sa bisikleta ko? Hihingi ako ng tulong pagkarating natin sa casa para sa naflat mong gulong." Napatingin si Hayden sa akin at sa aking kulay puting bisikleta. "You want me to ride on your back?" Tumango ako sa kanya. Napangiwi ito bago umiling na ikinasalubong naman ng aking kilay. "I think it's better if I'm the one who will ride your bike. Ikaw na yung umangkas sa likod." Napaisip din ako sa sinabi niya, oo nga naman, may punto rin siya. Sobrang awkward tignan kapag siya ang aangkas sa akin, tsaka baka hindi ko kayanin. "Sige." Hayden took my bike after locking his car. Ako naman ay umupo sa likod. "Are you ready?" Tumango ako sa kanya ng lingunin niya ako. "Hold unto me tight, Diane." Napakapit ako sa kanyang bewang nang ipadyak na niya ang bisikleta. Humangin ng malakas at hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa malawak na lupain ng Lincoln mula rito sa labas. Parang bumalik ulit ako sa panahon kung saan minsan rin akong umangkas sa bisikleta ni Hayden noon. "I missed this." Napatingin ako sa kanya nang magsalita ito bigla. Hinahangin ang kanyang malambot na buhok habang may ngiti ito sa labi. "Naalala mo pa?" Tumango ito bago ako panandaliang nilingon. "Oo naman, hindi ako nakakalimot Diane." Napangiti ako sa sinabi niya at hindi maiwasang mapahawak sa kanyang bewang na mahigpit sa oras na mas binilisan niya pa ang pagpadyak. Nakakatuwang isipin na matapos ang ilang taon ay hindi niya binaon sa limot ang nakaraan. Spending a time with him and some of our friends are worth remembering for. "How could I ever forget our moments together? That's the best memory I've ever had." Natigilan ako atsaka nilingon ulit si Hayden na ngayon ay deretso lang ang tingin sa harap habang nakangiti parin. Pinagsawalang bahala ko na lang 'yon atsaka mas itinuon ang aking atensyon sa kapaligiran hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob ng casa. Nagulat ang iba nang makitang may iba akong kasama pagkarating ko ulit sa casa. Kinuha ko ang aking binili atsaka hinanap si Aling Cena bago ito kinausap tungkol kay Hayden at sa sitwayson niya kanina. Nang makilala niya si Hayden ay kaagad niya itong binati atsaka nagpadala ng taong pwedeng umayos sa kanyang sasakyan. Kaagad naman nilang inasikaso si Hayden dito sa loob. "Señorita, sino po ang gwapong binata na dinala niyo rito?" Usisa ni Helda sa aking tabi habang nakatingin kay Hayden na umiinom ng juice ngayon sa sala. "Ano ba Helda, hinaan mo nga 'yang boses mo." Napanguso si Helda sa sinabi ni Paula sa kanya. "Siya si Hayden, pinakamatalik na kaibigan ng señorito at kaibigan ko rin." Apat na taon pa kasi sila Helda at Paula na namamasukan rito bilang kasambahay at hindi nila naabutan si Hayden ikukumpara sa ibang tagapagsilbi rito na matagal-tagal ng naninilbihan sa hacienda ng mga Lincoln. "Ah kaya pala sobrang gwapo rin." Natatawang siniko ni Paula si Helda sa tagiliran na ikinailing ko na lang. Napatingin si Hayden sa direksyon namin kaya kaagad na nagsiiwas ng tingin ang dalawa atsaka tuluyang umalis sa kanilang mga pwesto. Tumayo si Hayden mula sa kanyang kinauupuan atsaka ako nilapitan habang nakatingin sa hawak kong plastic bag. "Nga pala, para saan 'yan?" "Ah eto? Para kay Nancy 'to." Napaderetso ito ng tayo atsaka ako ningitian. "Really? Are you heading to her barn?" Tumango ako sa kanya atsaka kami sabay na nagtungo roon nang sabihin niyang gusto niya akong samahan. Pinakabit namin sa nag-aalaga kay Nancy ang kanyang bagong sapatos. Nakamasid lang kami ni Hayden sa kabayo habang kinakabitan siya ng bagong sapatos. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang nakatingin sa magandang kabayo na nasa aking harapan. Nang matapos ay kaagad ko siyang nilapitan atsaka nagpasalamat sa taong nagkabit sa kanya ng binili ko. I took her saddle and attached it to her body before looking at Hayden. "Gusto mo bang mangabayo?" Tanong ko sa kanya. Hayden stared at my smiling face before looking at Nancy. "Does it mean I'll ride Nancy with you?" Tumango ako sa kanya bilang pagtugon dahilan upang mapangiti ito sa akin ng malapad. Una akong sumakay kay Nancy atsaka ko siya inalalayang sumakay din sa likod. "This is the first time I'll ride on a horse." Mahina akong napatawa nang medyo maramdaman ko siyang kinakabahan sa aking likuran. "Relax ka lang, walang mangyayaring masama sa'yo." Natatawa kong sambit atsaka pinalakad si Nancy sa labas ng kanyang kwadra. "Diane, is it okay if I hold on to your waist?" Ramdam ko parin ang kaba sa kanyang boses kaya tumango ako. Baka mahulog si Hayden kung sakaling hindi siya hahawak sa akin. Nang tuluyan na kaming makalabas sa kwadra ay nilingon ko si Hayden atsaka siya ningitian. He straightened his back and gave me a nervous look before saying something. "Please don't tell me we're going for a run." Napatawa ako sa sinabi niya bago magsalita. "Kumapit ka ng mabuti." "No, no, Diane!" I moved my hands forward and above Nancy's wither before squeezing my legs gently into her body causing her to run in the vast land of Lincoln. "Jesus christ!" "Kumapit ka lang, Hayden." "I am holding on my life, Diane!" Napatawa ulit ako dahil mas lalo ngang humigpit ang pagkakahawak ni Hayden sa aking bewang. He was now hugging my entire waist using his muscular arms. Nang masanay na si Hayden sa pagtakbo ni Nancy, ay medyo hindi na ganon kahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. But his chin is now resting on my shoulders as we both inhaled the fresh air hitting on our skin. "Is this how you spend most of your days here in the casa?" Tanong sa akin ni Hayden. "Oo, ang saya hindi ba?" Nakangiti kong saad. "Yeah, it's fun. I'm glad I'm doing this with you." We did another lap before sending Nancy back to her barn. Ramdam ko ang saya ni Hayden dahil nakangiti lang ito habang nakayakap sa akin mula sa likod. I even let him hold Nancy's rope and maneuver her for a while but he's afraid that we might both fall in the end and hurt ourselves. "That was exciting and a bit scary." Komento ni Hayden nang nasa bungad na kami ng kwadra ni Nancy. Napatawa ulit ako sa sinabi niya at ganon din siya. "Ganyan din ang pakiramdam ko nong una kong sakay kay Nancy." Sabay kaming napangiti atsaka nagkatinginan matapos kong pahintoin si Nancy sa labas ng kanyang kwadra. "Seems like the both of you are enjoying riding my horse." I stiffened when I heard a familiar voice around the corner. Deretso akong napatingin sa isang lalakeng nakasandal sa gilid habang nakahalukipkip. His face was serious while eyeing me and Hayden. Napalunok ako nang bumaba ang kanyang tingin sa braso ni Hayden na nakapulupot sa aking bewang. I saw how he clenched his jaw before looking at me straight in the face. Parang gusto ko na lang maglaho ng parang bula sa kanyang harapan. "Stone! Nakauwi ka na pala," wika ni Hayden atsaka hinawakana ang magkabila kong bewang. Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Stone nang makita ang kamay ni Hayden sa aking katawan. Tinulungan ko si Hayden na makababa mula kay Nancy atsaka niya rin akong tinulungan makababa. Hayden guided me with his hand against my hips before catching me the moment I landed both of my feet on the ground. Mahina itong napatawa atsaka ako pinaharap sa kanya atsaka inayos ang aking buhok. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa siguro ako nakabulagta rito sa damohan. I can feel Stone's burning eyes against me. "S-Salamat Hayden pero kaya ko na 'to." Hayden smiled at me before shaking his head. "At least let me do this for making me laugh today." Parang balewala lang sa kanya si Stone na sobrang seryosong nakatingin sa aming dalawa ngayon. He fixed my hair while smiling and held Nancy's rope before guiding her inside her barn. Nilagpasan niya lang si Stone atsaka niya ako mahinang hinila papalapit sa kanya bago kami tuluyang pumasok sa loob. "Diane and I will catch up the group inside the casa, Stone. Pwede ka nang pumasok ulit sa loo--" "No, I'll stay here. I won't leave my belongings unattended." Natigilan ako sa sinabi niya atsaka niya ako nilingon. Ramdam kong natigilan din si Hayden habang hawak-hawak ang isa kong kamay. Nang lingunin ko siya ay isang nagtatakang tingin ang ibinigay niya kay Stone habang salubong ang kanyang dalawang kilay. He might probably thinking what does Stone means. "I-Itali na natin kaagad si Nancy, Hayden para makabalik na tayo sa loob." Kaagad kong kinuha ang tali mula kay Hayden atsaka dali-daling pinapasok si Nancy sa kanyang kwadra bago ito tinali roon. Nang makabalik ako sa aking pwesto ay kaagad na tumalikod si Stone atsaka naglakad papabalik ng casa. Sabay naman kaming dalawa ni Hayden sa sumunod sa kanya. Ngayon pa lang, parang hindi ko na magugustohan ang kahihinatnan ne'to mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD