(24) Conditions

1650 Words
Diane's POV Binuksan ko ang aking mga mata atsaka kaagad na kinusot ang mga ito. Napatingin ako sa lalakeng nakahiga sa aking gilid at tanging comforter lang ang tumatakip sa kanyang katawan. Napalunok ako atsaka dahan-dahan na umalis mula sa higaan. Kaagad kong nakita ang kulay puting roba na nakasabit sa gilid kaya kinuha ko 'yon atsaka sinuot. Ayokong gumawa ng ingay dahil baka magising ko siya, masyado pa namang maaga. Kinuha ko ang aking maliit na bag atsaka tinignan ang eksaktong oras. May tatlong oras pa ako para makapaghanda bago ako pumasok ng trabaho, sana umuwi kaagad kami ni Stone matapos niyang magising, lunes pa naman ngayon. "Morning." Napasinghap ako atsaka awtomatikong napalingon sa aking likuran nang may marinig akong boses. Nakaupo na si Stone sa ibabaw ng kama habang kinukusot ang isa niyang mata. His hair is a bit messy, and his upper body was exposed due to the fact that he's naked. "M-Morning." "Have you slept well?" Tumango ako sa kanyang tanong atsaka umupo sa isang upuan rito sa gilid ng kwarto habang nakahawak sa laylayan ng aking suot na puting roba. Bumilog ang aking mga mata nang bigla itong tumayo kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin. Stone saw my reaction with made me flushed even more. "Are you avoiding me?" "Hindi naman sa ganon." "Then why won't you look at me?" "Kasi... kasi, ano..." Kasi nakahubad ka. I heard him scoffed which made me look at him in an instant. Nakasuot na rin ito ng roba na katulad ko. "You saw every inch of me Diane, and so I am towards you." He said bluntly before taking the telephone on the nightstand. Hindi na lang ako nagsalita pa ulit at nanahimik na lang. Rinig na rinig ko na nag-order siya ng breakfast dito sa room number namin. He also asked for another set of suit and dress that he prepared for the both of us. Hindi ko alam ang tungkol don kaya tinignan ko siya na may pagtataka sa aking mukha. Did he already expect us to spend a night in this hotel? O baka pinlano na niya talaga ang lahat ng 'to sa umpisa pa lang dahil nakapaghanda kaagad siya ng bagong maisusuot naming dalawa. "Don't give me that look." Malaming niyang wika nang mapatingin siya sa direksyon ko. Kaagad akong nag-iwas ng tingin atsaka itinuon ang aking atensyon sa ibang bagay. "Stone?" I called his name which made him look at me. "What?" "Lunes kasi ngayon at may trabaho ako, pwede bang umuwi tayo kaagad pagkatapos nating kumain?" Kinapalan ko na talaga ang aking mukha sa pagkakataong ito. "No." Natigilan ako sa kanyang sagot. "You're staying with me the entire day; I don't care if today's Monday." Dagdag pa niya atsaka kinuha ang kanyang cellphone. Hindi pwede, kailangan kong magtrabaho ngayon dahil kung hindi, baka tuluyan na akong pasisibakin sa trabaho. Masyado nang marami ang undertime ko sa trabaho dahil kay Stone kaya kailangan kong bumawi sa kompanya na pinagtatrabahoan ako. Hindi pa sapat ang ipon ko para sa itatayo kong pastry shop. "Pero Stone, napag-usapan na natin ang tungkol dito hindi ba? Hahayaan mo 'kong magtrabaho." Nagulat ako nang bigla itong tumayo atsaka kaagad na naglakad papunta sa direksyon ko. I leaned my back against the chair before he grabs my jaw using his one hand. "Sabihin mo nga sa'kin ang totoo, Diane. Ba't ba atat na atat na kang magtrabaho? May lalake ka ba sa pinagtatrabahoan mo?" Nagulat ako sa tanong niya. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang galit na pwedeng sumabog sa oras na hindi niya magugustohan ang sagot ko. Kaagad akong umiling atsaka tinanggi ang paratang niya sa akin. "Then why the hell do you want to work this bad?" Napalunok ako sa tanong niya. "H-Hindi mo kailangang malaman ang rason kung bakit, Stone. Pero nakakasiguro akong hindi lalake ang rason." Umigting ang kanyang panga atsaka padabog akong binitawan. "You're a Lincoln! You're my wife and I'm your husband! I deserve to know everything about you, Diane! Everything!" Napapikit ako nang sumigaw na ito sa akin atsaka ako dinuro. His eyes are burning in rage once again. "Stone, huminahon ka muna--" "Hindi ako hihinahon hangga't hindi mo sasabihin sa akin ang totoo!" "I... I'm trying to save my own money. N-Nag-iipon ako Stone kaya kailangan kong magtrabaho." Tumigil ito bigla at sa isang idlap lang ay nakalapit na ito kaagad sa akin. He lifts up my chin and made me look at him. "For what? Hindi mo kailangang mag-ipon, Diane, alam mong kaya kong ibigay sa'yo ang lahat." Natigilan ako sa sinabi niya at ilang beses na napakurap. Anong... Anong pinagsasabi niya? His features suddenly softens and in just an instant, I felt his thumb rubbing my cheeks. Sa isang idlap lang ay tuluyan na itong huminahon. Ang kanina'y parang leon ay bigla na lang naging tuta sa aking paningin. What's with him lately? "Anong ibig mong sabihin? Stone diba... diba may kasunduan tayo? Sa oras na maipasa na sa'yo ang lahat ng yaman ng Don ay maghihiwalay tayong dalawa at wala ni isang piso akong makukuha mula sa'yo." I said as I tried to clear everything. Hindi ko 'yon makakalimutan dahil bago pa kami ikinasal, may pinirmahan na kaming kasunduan ni Stone. Wala akong makukuha mula sa kanya at mapupunta sa kanya ang casa. Kaya bago pa kami maghiwalay, gumagawa na ako ng paraan para makapag-ipon nang sa ganon ay hindi ako mamumulubi at magmumukhang kawawa kahit na ipatapon niya pa ako sa gilid ng kalsada pagkatapos ng lahat. Tila natigilan din ito sa sinabi ko dahilan upang mabato siya sa kanyang kinatatayuan. He opened his mouth to speak but then he closed it again. Napakurap din siya bago tuluyang tumayo ng tuwid. Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo at pareho lang kaming tahimik. Tila inisip niya kaagad ang napagkasunduan naming dalawa noon pa lang at ang tungkol sa sinabi niya lang sa akin ngayon. He was caught off guard and I'm determined that he doesn't know what to say. Huminga siya ng malalim atsaka umiwas ng tingin sa akin habang nakapamewang. Nang lingunin niya ulit ako, kaagad niyang hinila ang aking kamay upang patayuin. "Fine, starting today I'll try not to give a damn about your job but in a few conditions." Napaderetso ako ng tayo atsaka siya mas tiningala at tinignan ng deretso sa mata. "Una, may hahatid at kukuha sa'yo mula sa trabaho. Pangalawa, hindi ka pwedeng umalis ng casa hangga't hindi ka nagpapaalam sa'kin. At pangatlo..." Stone stepped closer in front of me as he grabbed my jaw once again. Napalunok ako nang idikit niya ang kanyang noo sa akin kaya halos lumabas na ang aking puso dahil sa kaba. "Sa oras na makita o malaman kong lumalandi ka, titigil ka sa pagtatrabaho." Buong diin niyang bulong sa akin at kulang na lang ay idikit niya rin ang tungki ng kanyang ilong sa akin. "Do you understand me?" Tumango ako sa sinabi niya bilang pagtugon. Wala akong dapat ikabahala sa mga kondisyones niya dahil alam ko mismo sa sarili ko na hindi ako kailanman lumalandi sa iba. Stone was full of suspicions and false accusations. Kung may makita lang itong hindi maganda sa paningin niya ay bigla na lang itong magagalit sa akin. Just like what happened last night. Tinapos na namin ang pagkain dito sa loob ng hotel room at nakapagbihis na rin kaming dalawa. Pagkatapos non ay dumiretso na kami ng casa. The moment I stepped my foot inside my room, I hurriedly went to my bathroom and wash myself before preparing for work. May tatlumpong minuto pa ako bago mahuli sa trabaho kaya dali-dali akong lumabas sa aking silid habang sinusuot ang aking kulay itim na heels. Isinakbit ko ang bag sa aking balikat atsaka napahawak sa pinto ng aking silid dito sa pasilyo bago isinuot ang huling pares ng aking sapatos. May narinig akong pagsara ng pinto mula sa aking likuran dahilan upang mapalingon kaagad ako ron. I saw Stone walking towards my direction which made me stood up straight in an instant. "Señorito, aalis na po ako." Sabi ko sa kanya atsaka inayos ang aking mahabang buhok na hindi ko pa masyadong nasuklayan ng maayos dahil sa pagmamadali. He looked at each side on the hallway before cornering me in his arms. Kaagad akong napasandal sa pinto ng aking kwarto atsaka napatingin sa kanya ng deretso. "What time will you go home?" He said in a deep and low voice. Umiwas ako ng tingin nang mas lumapit ang kanyang mukha sa akin dahilan upang tumama ang kanyang labi sa pisngi ko. "A-Alas sais po ng gabi." Tugon ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking pisngi atsaka ako pinatingin sa kanya ng deretso. "Okay, enjoy at work but don't enjoy too much. Do you get my point?" I bite my lips before nodding at him. I heard him groaned before holding my chin and claimed my lips. Nagulat ako nang halikan niya ako sa labi atsaka niya ipinasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. I kissed him back as I closed my eyes before he let go of me. "Never bite your lips in front of other man, Diane. Never." He whispered which made me nod again. Napasinghap ako atsaka mahina siyang naitulak papalayo nang maalala ko ang oras. "Kailangan ko na po talagang umalis." Hindi niya ako sinagot kaya tuluyan na akong tumalikod at naglakad papalabas ng casa. Nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan kasama ang driver na maghahatid at sundo sa akin. Napatingin ako sa labas ng bintana at don ko nakita si Stone na nakasandal sa door frame ng casa habang nakahalukipkip at nakatangin sa pwesto ko. "Okay na po ba, ma'am?" Napatingin ako sa driver atsaka tumango sa kanya. "Opo, umalis na po tayo," sabi ko sa kanya atsaka tinignan ulit ang pwesto ni Stone habang umaandar na ang kotse paalis ng casa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD