SA kanilang pag-uusap ay nalaman ni Jester na isa pala itong businessman, si Collin ay nagmamay-ari ng resort sa Cebu. At may malaki rin itong pagawaan ng mga damit sa buong pilipinas. International ang bentahan ng kanilang mga produkto. Pagkatapos ng kanilang dinner ay nagpaalam na si Jester na uuwi na, sapagkat nakita niya ang kanyang pinsan na tumayo. Hindi naman siya pinigilan ng lalaki at nagpresenta pa itong ihatid siya. Subalit inayawan niya ang alok ng lalaki dahil ayaw niyang may makakaalam sa kanilang tinuluyan, hindi naman nangungulit ang binata. Samantala sa loob ng sasakyan, "Mukhang ayos naman pala 'yong ka-date mo partner, at bigtime pa!" Panimula Divlen. "Naku! May nakalimutan ka yata!" Paalala ni Jester sa pinsan. "Ang alin ang nakalimutan ko, partner?" Maang-maang n