Hanggang sa nakabalik sila sa bahay ni Tom, sa guest room ang mag-partner nag-stay at iisang kuwarto lang sila. Kinagabihan ay nagkwentuhan ang tatlo sa garden habang umiinom sila ng red wine. Masaya si Tom at Jester at banaag iyon sa kanilang mga mukha. Ipinagtapat ni Tom ang kanyang kabaliwan sa pagkawala noon ni Jester a.k.a Melodina. Nagtatawanan naman ang magpinsan sa kuwento nito. "Excuse muna, magbanyo lang ako," paalam ni Jester. Naiwan si Tom at Divlen na patuloy pa rin ang dalawa sa kuwentuhan nila. "Tom, paano ba kayo nagkatakpo ng partner ko?" "Ganito kasi iyan Divz, kakauwi ko lang noon galing States. Hindi ako umuwi dito sa bahay at sa hotel ako dumiretso pag-aari namin ang hotel na iyon. Napansin ko ang partner mo na nag-iisa sa bar at lihim akong napahanga sa kanyang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books