"Anong hindi pa? Kasasabi mo lang kaya sa akin na nagutom ka na." Pambubuking ni Jester at pinandidilatan pa siya ni Divlen ng mata. Ang ibig-sabihin ay huwag siyang maingay, ngunit hindi siya pinapansin ni Jester at kinidatan lang siya nito. "Mabuti pa siguro Divz, kumain ka muna kahit kaunti lang. May sabaw pala akong binili para sa 'yo." Sabay latad sa kanyang mga pinamili at ipinaghanda niya si Divlen ng makain nito. Inabutan rin niya si Jester ng plato at pagkatapos ay nilagay ni Collin ang sabaw sa bowl. Kukunin na sana ni Divlen ang kanyang pagkain subalit maagap siyang pinigilan ni Collin. "Susubuan na kita Divz, huwag ka munang masyadong kumilos para hindi ka mabinat." "Huwag na Collz, kaya ko naman." "No! Susubuan na kita, huwag ng matigas ang ulo mo." "Oo nga, partner. Huw