Minamahal ni Ice, si Limuel na kanyang kababata. Subalit ang ugali nito ay kasing lamig ng yelo. Madalas masaktan si Ice dahil sa malamig at walang respeto na pakikitungo sa kanya ni Limuel. Lalo na pagdating sa tunay na nararamdaman niya para dito. Subalit, kahit halos madurog ang puso, ganun man ay pilit na ilalaban ni Ice, ang pagmamahal niya kay Limuel. Hindi siya papayag na may ibang makakuha sa puso ni Limuel. Kahit ano mangyari, ilalaban niya ang pagmamahal niya para kay Limuel.
Saan kaya dadalhin ng kanyang pagmamahal si Ice, kung kahit anong gawin niya ay hindi siya magawang mahalin ni Limuel?
Mabibigyan pa kaya siya ng pagkakataon na kahit minsan ay tingnan at mahalin din siya ni Limuel?
Paano kung dumating ang araw at malaman niya na kaya pala hindi siya magawang mahalin ni Limuel ay dahil may mahal na itong iba?