"Ano kaya ang nangyari kagabi? Ang tagal din na panay ang pagsabog." Sabi niya sa lalaking kumakain ng almusal kasama siya. "Nagpaputok ka rin naman kagabi, kaya patas lang haha." Sabi ng lalaki na mapang asar na tumawa. "Baliw, nag uumpisa kana naman ng kamanyakan mo. Ang ibig kong sabihin bakit wala man lang balita tungkol doon, nakinig ako sa balita na lokal kanina. Dapat diba pag ganun nababalita? Di naman yun mahina na putok lang." Sabi niya na muling naupo. "Ewan ko, hayaan mo na basta tayo wala tayong alam. At mamumuhay lang tayo ng maayos at malayo kay ex mo." Sabi nito sa kanya. Agree naman siya sa ganun. "Malayo na naman to sa lugar nila diba?" Tanong niya dito. "Oo bandang norte na tayo, tsaka mababait ang mga tao dito." Sabi nito sa kanya. Alam naman niya ang bagay na iy