Nang makaalis ang mga kaibigan ay nasabihan na ng mga ito si Ador na siyang magpapakain sa kanya ng palihim, at nilagyan na din ng oras ang pagpunta ni Nestea sa kanyang silid. At alam niyang ilang sandali nalang ay nandun na naman ang dalaga upang linisan siya. Bago paman umalis ang mga ito ay magkakasama na silang kumain, mabilis siyang nagbawas ng sama ng loob at muling bumalik sa kanyang pagkakahiga matapos na ibalik ang diaper. Mahirap palang magkabit niyon nang mag isa kaya medyo matagal bago niya naikabit. "Hi Sir, wag nyo po akong tatakutin ha. Maglilinis at magpapalit lang po tayo ng diaper bago matulog." Sabi pa nito. Naglakad ito papunta sa kanyang cr, mabuti at naka automatic flush ang cr. Isang katakam takam na babae ang nasa kanyang harapan ngayon. Kitang kita niya ang d