Ang inaasahan niyang pag amin niyang gising na siya ay napaaga, dahil sa dumating na pamangkin di umano ni Nana. Di paman nakakalabas ng silid niya si Ador ay nadinig niya ang malakas na hagikhik ng babae. Tila may kabiroan ito sa labas, kaya itinaas niya ang fiber glass upang mas marinig ang pinag uusapan ng mga ito. "Naku Anton baka maaway ako ng asawa mo niyan." Dinig niyang sabi ng babae, halatang nakikipag biroan ang babae. "Kuuu e sa totoo naman na maganda ka, tsaka di ka naman maitim, morena lang." Sabi pa ng lalaki at di na siya nakatiis pa at sumilip na siya sa bintana. Saktong sakto pala ang kinaroroonan niyang silid. "Sir di po kayo dapat makita na nakatayo!" Natataranta na saway sa kanya ni Ador. Mainit ang kanyang ulo at gusto niya na tawagin na agad si Nestea. Gigil na gi