THIRD PERSON POV
Holding hands while walking ang ginagawa ngayon ng magkasintahang Krista at Saul habang naglalakad-lakad sa Malaking Bato Subdivision. Minsan ay pasimpleng hinahaplos ni Saul ang perlas ng girlfriend sa labas ng maikling shorts nito. Minsan ay sinasapo kapag nanggigigil siya. Ganoon din si Krista. Pasimpleng hinihimas nito ang malaking bukol ng boyfriend kapag siguradong walang tao sa paligid. Hanggang makasalubong nila ang babaeng tanyag sa Malaking Bato Subdivision dahil sa malaking hinaharap nito, si Savannah.
Savannah: Ewww. PDA!
Nagulat sina Krista at Saul kaya mabilis na binawi ang kani-kanilang kamay mula sa pagkakahimas ng pribadong parte ng katawan ng bawat isa.
Krista: Ikaw pala, Savannah.
Umirap si Savannah kay Krista. Hindi gusto ni Savannah si Krista rahil girlfriend ito ng lalaking kinakalantari ngayon, si Saul.
Savannah: Sa bahay niyo gawin 'yang kalaswaan ninyo. Mahiya naman kayo sa mga taong makakakita sa inyo rito sa labas. Kilala pa naman ang subdivision natin sa pagiging matapat, malinis, at marangal, tapos gaganituhin niyo lang?!
Nanlalaki ang mga mata ni Savannah sa harapan nina Krista at Saul. Kung sa nanlalaking mga mata ni Savannah nakatutok ang tingin ni Krista ay sa malalaking pakwan naman ni Savannah nakatitig ang mata ni Saul. Umaalog kaunti ang mga pakwan ni Savannah habang nagsasalita lalo na at walang suot na bra ang babae at tanging pulang tank top lang ang pumipigil sa pwersa ng mga papaya nito.
Kung makapagsalita si Savannah ay parang hindi nito inaahas ang boyfriend ni Krista at hindi sinusubukang akitin at tikman ang asawa ni Mila na si Paul.
Savannah: Tingnan niyo ako. Look at me.
Namaywang pa sa harap nina Krista at Saul si Savannah. Tumayo ng tuwid at naka-chest out. Parang may fiesta ang pakiramdam ni Saul habang litaw na litaw ang hubog ng pakwan ni Savannah dahil sa tuwid na tuwid na pagkakatayo.
Savannah: I always make sure I maintain the cleanliness and orderliness of our subdivision.
Nakatingala na si Savannah habang nagsasalita. Ipinagmamayabang ang kunwariang pagiging modelong miyembro ng kanilang subdivision.
Napailing na lang si Krista.
Krista: Sorry, okay? Hindi lang namin mapigilan kasi...
Biglang kumapit si Krista sa kanang braso ni Saul.
Krista: Ang hot naming dalawa!
Kilig na kilig at ang tinis ng boses ni Krista habang sinasabi iyon na ikinasimangot ni Savannah. Bigla itong nag-walk out. Pero bigla itong lumingon at saktong paglingon nito ay lumingon din si Saul dito. Kumindat si Saul kay Savannah at kinilig ang perlas ng babae. Sigurado itong lagot na naman ang hiyas sa alaga ni Saul kapag nagkita silang muli sa likod ng girlfriend nito.
----------
Habang naglalakad si Savannah patungong studio ng photographer na si Molly ay nakasalubong niya si Barbie.
Savannah: Uy, Barbs. Kumusta ang panlalandi natin kay Edgar?
Alam ng buong subdivision ang ginagawang panlalandi ni Barbie sa asawa ni Sandy na si Edgar tuwing pumupunta si Barbie sa fitness club ng lalaki.
Hindi alam ni Savannah ay may mga matang nakamasid sa kanila ni Barbie at mga taingang nakikinig sa usapan nila.
Barbie: Hayun. D-in-eadma na naman ako sa fitness club kahapon. Nakakainis na nga, eh.
Napailing pa si Barbie. Dismayadong-dismayado ang mukha.
Barbie: Alam mo 'yon. Ako na 'yong lumalapit sa kanya, pero siya pa ang tumatanggi. Girl, alam na alam mong habulin ako ng mga lalaki. Alam mo 'yan.
Tumuro pa si Barbie kay Savannah.
Barbie: Pero ano ang ginagawa ni Edgar? Wala! Bakit? Kasi may asawa? Day, modern world na tayo. Uso na ang cheating. Kumbaga, mas nakakagulat pa kung hindi nagloloko si husband.
Napaangat ang dalawang kilay ng taong nakikinig kina Barbie at Savannah. May namumuong plano sa isip nito rahil sa narinig na usapan ng dalawa.
Savannah: Girl, preno-preno tayo, ah. Oo, maganda ka, sexy, pero, girl, ang utak...
Itinuro pa ni Savannah ang sariling bumbunan. Nanlaki ang mga mata ni Barbie.
Savannah: Mahalaga rin sa mga lalaki ang utak.
Barbie: Ay, grabe! So ganyanan tayo, Savannah? Bakit? Matalino ka ba?
Sasagot pa sana si Savannah nang may marinig siyang kaluskos sa di-kalayuan. Napalingon siya sa bahaging iyon.
Savannah: May tao ba riyan?
Napatakip sa bibig nito ang taong nakikinig sa usapan nina Barbie at Savannah. Umuklo ito at dahan-dahang umatras paalis ng lugar na iyon. Akmang lalapitan ni Savannah ang bahaging may narinig siyang kaluskos nang hatakin siyang pabalik ni Barbie.
Barbie: Sandali, tinatanong kita? Matalino ka ba?
Sa inis ni Savannah ay tinabig niya ang kamay ni Barbie na nakakapit sa kanyang bisig. Pinandidilatan ng mga mata ni Savannah si Barbie nang sagutin niya ito.
Savannah: Oo!
Sabay walk out ni Savannah habang si Barbie ay pinupunasan ang tumalsik na laway ni Savannah sa mukha nito.
Barbie: Yuck!
----------
Hindi pa rin kinikibo ni Mila si Paul. Simula nang nangyaring insidente sa mall kaninang umaga kung saan nalaman ni Mila na nakasama ng mister niya si Savannah sa isang underwear brand photo shoot ay nagtatampo na siya rito. Okay lang naman na mag-participate si Paul sa isang photo shoot na may kasamang babae rahil hindi naman siya selosa, pero ang kaalamang isa itong underwear brand photo shoot ay ikinaiinis niya.
Nag-usap dati ang mag-asawa na kung magkakaroon ng photo shoot si Paul para sa isang brand ng underwear ay kailangan muna itong malaman ni Mila. Pero ang problema ay hindi sinabi ni Paul. Kaya ngayon ay patuloy pa rin siya sa cold treatment sa lalaki. Hindi niya pinapansin ito kahit ilang beses na itong sumubok na kausapin siya. Nilalaro na lang niya ang anak na si Camille para mawala ang inis sa asawa.
Paul: Sweetheart, balita ko hindi mo na raw kailangang pumasok ng Sabado. Ibig sabihin mababawasan na rin ang araw na kailangang bantayan ni Georgia si baby Camille.
Gumagawa ng mapag-uusapan si Paul para makausap ang misis nito. Pero nanatiling tikom ang bibig ni Mila at tuloy lang ang pakikipaglaro kay baby Camille.
Dahil sa sinabi ni Paul ay naisip ni Mila na i-chat si Georgia sa kanilang group chat kung saan ito ang ginagamit ng mag-asawa kapag sasabihan si Georgia kung kailan magbabantay kay baby Camille.
"Good evening, Georgia. Inform ka lang namin. Hindi mo na kailangang magbantay kay baby Camille tuwing Saturday. Pero tuwing weekdays, tuloy pa rin."
Nakita ng mag-asawa na nabasa na ni Georgia ang chat message na ipinadala ni Mila. Sumagot naman ito agad.
"Noted po."
May smile emoticon pa.
Nang mabasa ni Paul ang reply ni Georgia ay muling bumalik sa isip nito ang natuklasan kahapon. Nakumpirma nitong si Georgia ang nakikialam sa mga pinaghubaran nitong boxer briefs. Sigurado itong isa ang babysitter nila sa mga babaeng nagpapantasya rito. Nakaisip ng kapilyuhan si Paul. Since hilig nila ng kaibigang si Edgar ang magpatakam, napagdesisyunan nitong patakamin din si Georgia.
Napatingin si Paul sa asawa. Ayaw pa rin ni Mila kausapin ang mister at dahil dito ay bored na bored na si Paul. Muling napatingin sa phone ang lalaki. Naisipang padalhan ng pribadong mensahe ang kanilang babysitter.
"Hi."
Simpleng message lang para hindi mabigla ang babae. Panigurado namang hindi ito mamamansin dahil ang ganoong kagandang babae ay paniguradong maraming ka-chat.
Nagulat pa si Paul nang tumunog ang phone nito. Nakatanggap ito ng notification. Nag-reply agad si Georgia sa ipinadala nitong message.
"Kuya Paul?"
Napatingin si Paul sa asawa at muling itinuon ang pansin sa phone. Ngumisi ng nakakaloko sa naisip na kapilyuhan.
----------
itutuloy...