Chapter 1

1542 Words
Chapter 1 Children are playing while their mothers are talking. Ang ibang ina ay abala sa pagbabantay ng kanilang paninda. They didn't even bother to listen to those who keep on talking. Maraming tao ang naglalakad sa magkabilang daan. May nag-iisa, may kasama at may mga kasama. She did not expect that people in Manila are too busy. Ganito pala kaabala ang mga tao dito not until she came here. This is her first time being here. Nag-iisa siyang lumuwas galing sa Laguna. Isang buwan matapos siyang makapagtapos ng pag-aaral ay napagdesisyunan niyang makipagsapalaran dito sa Manila. Nakikita niyang walang pinagkaiba ang Manila sa Laguna. Ngunit malawak at malaki ang Manila. Maraming tao sa parehong lugar pero sa palagay niya ay maraming oportunidad dito sa Manila. Medyo mabagal ang andar ng bus na sinasakyan niya. Traffic masyado kaya ganoon. Nagpalinga-linga siya at abala sa panonood sa mga tao sa labas. Marami nang establisyemento ang nadaanan niya at matatayog na mga gusali. Wala siyang kamag-anak dito pero narito ang kaibigan niya at ang asawa nito. Doon siya pupunta sa kaibigang si Mabel. Her friend, Mabel Galvez is now happily married with her gorgeous husband, Kai. Nang magbakasyon ang mga ito sa Laguna ay doon niya nakilala ang asawa nito. Half Korean, half Filipino. Napakagwapo ng asawa nito kaya noong umuwi ang mga ito ay pinagkaguluhan pa ng mga babae at binabae. He looks like a Korean singer and dancer. Nag-iisang anak lamang siya at sa kasamaang palad ay sabay pang nawala ang mga magulang niya. Namatay ang mga ito sa aksidente noong bumiyahe pauwi sa kasagsagan ng bagyo. Ang Tita Sarah ang kumupkop sa kanya magmula noon. Tatlo ang anak ng Tita niya ngunit pawang mga lalaki ang mga iyon. Kaya nawili sa kanya ang Tita niya, itinuring siyang parang tunay na anak. Ayaw pa nga sana siyang payagan na lumuwas rito subalit nagpumilit siya dahil para na rin sa kanya ang gagawin niya. Matayog ang pangarap niya. Gusto niyang yumaman, magkaroon ng sariling negosyo at sariling bahay. Para kapag nagkaroon siya ng pamilya ay hindi na siya mahihirapan financially. Ang mapapangasawa niya? Hindi naman siya pihikan. Kahit sino basta mabait at mabuting tao. "Ayyy!" "Ayyyy!!" "Ano ba?!" Sabay-sabay silang napadaing ng mga pasahero ng biglang tumigil ang bus at halos mapasubsob siya sa unahan. Nakarinig siya ng sunod-sunod na busina. "Hoy! Huwag kayong tawid nang tawid! Mga gago!" sabi ng driver na ikinagulat niya. Sinundan niya ang mga taong tumatakbo sa kabilang daan. Patungo sa mga nagkukumpulang mga tao ang tinutumbok ng mga ito. Ganito pala rito sa Maynila. Dapat masanay na siya. Tumunog ang cellphone niya kaya agad niya iyong kinuha. "Hello?" "Hello, Theresa? Nasaan ka na?" "Mabel, nandito pa rin sa bus. Pero malapit na raw sa terminal." "Okay sige. Susunduin kita doon ha?" "Oo. Maraming salamat, ha?" "Sus! Wala 'yon. Maliit na bagay." "Hehehe. Sige. See you." "Okay. Hehehe." Inabisuhan agad niya ang kaibigan na pupunta siya ng Manila. Kaya naman sinundo na siya nito dahil baka raw maligaw siya. Wala pang anak ang mga ito kaya kapwa pa sila nakakapagtrabaho. Hindi naman sa ayaw muna nilang magkaanak talagang hindi pa sila biniyayaan ng Maykapal. Kung stable na siya rito sa Maynila at makapag-asawa. Gusto niyang magkaanak agad. Time is running ika nga. Paglingon niya sa labas ay nasa terminal na pala sila. Maraming tao rin sa paligid. Ilang sandali pa ay nakababa na siya. Agad niyang hinanap ang kaibigan. Umupo muna siya sa bench na naroroon dala ang isang maleta at bagpack. "Thereza!" "Mabel!" Nakita niya itong naglakad takbo patungo sa direksyon niya. Sinalubong niya ito at niyakap. Ganoon rin ang kaibigan sa kanya. "Kumusta ka na?" anito. "Mabuti. Ikaw, kamusta?" "Eto, mabuti rin. Lalo kang gumanda at sumexy ah. Naku! Siguradong magkakanobyo ka agad rito sa Maynila." "Sus! Hindi naman 'yan ang ipinunta ko rito, Bel. Ayaw ko muna ng mga ganyan. Pampagulo lang ang nobyo-nobyo na 'yan." "Hindi ka pa kasi umiibig kaya ganyan ka makareact. Naku! Kung maramdaman mo na 'yan, bahala na ang pangarap!"Nagtawanan sila dahil sa sinabi nito. "Halika na. Doon tayo sa kotse ko." "Sige." Tinulungan siya nitong magbitbit sa mga gamit niya. Ilang dipa lang ang nilakad nila. "Wow! Ang ganda ng kotse mo, bel ah!" Hindi niya mapigilang humanga nang makita niya ang kotse nitong nakaparada sa di kalayuan. "Sinuwerte lang sa asawa, Ther." Nakangiting ani nito. "Saan nga ulit siya nagtatrabaho?" "Sa Construction Company na siya ngayon ng kaibigan niya. Na promote kaya nakabili kami ng sasakyan." "I am so happy for you," nakangiti niya ring saad. "Thank you. Soon magkakaroon ka rin ng ganyan." "Sana nga. Hehehe!" Mas lalo siyang humanga nang makasakay na sila. Magara ang loob ng sasakyan ni Mabel. Halata ngang bagong bili ang sasakyan nila. "Nasaan si Kai?" "May pasok siya ngayon. Naging abala na siya ngayon na napromote siya." "Ganyan talaga. Kapag na promote ka raw mas lumalaki ang responsibilidad mo." "Iyon nga ang sabi niya. Kaya ayaw na sana niyang magtrabaho pa ako." "Saan ka na nga pala nagtatrabaho ngayon?" "Sa lending company. Kaibigan rin ni Kai ang may ari kaya ipinasok niya ako." "Maganda 'yan, Bel. Ako nga, sana makahanap agad ng trabaho." "Hayaan mo. Magtatanong ako kay Kai kung may hiring sila ngayon," anito. "Thank you, Bel. Hindi na ako mahihiya. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko." "Magkaibigan tayo, matalik na magkaibigan kaya wala nang hiya hiya." Napangiti siya. "Siyanga pala, iyong apartment mo katabi lang ng bahay namin. Kung may kailangan ka huwag kang mahiyang puntahan ako." "Tatandaan ko 'yan." "Bagong tayo ang apartment na iyon. Mabuti na lang at tumawag ka agad sa akin na hanapan ka ng apartment." "Maraming salamat talaga, Bel. Naku kung wala ka paano kaya ako kung ako lang mag-isa rito." "Gusto ko nga na sa bahay ka na lang namin kaso ayaw mo naman." "Nakakahiya sa asawa mo. Alam mo naman ako." Nag-offer ito na sa bahay ng mga ito na lang siya tumira ngunit agad niyang tinanggihan iyon. Kailangan maging independent siya. Kung kay Mabel, okay lang pero paano sa asawa nito? Mabait naman si Kai kaya lang hindi siya komportable na may kasamang ibang lalaki sa iisang bubong kung hindi naman niya kapamilya. "Oo nga, kilala na kita, Ther. Basta kapag may problema ka pumunta ka lang sa bahay or tawagan mo ako, okay?" "Opo. Hehehe." Panay pa rin ang kwento nila habang nasa daan. Nang sa wakas ay makarating sila sa apartment na sinasabi nito. Dumaan muna sila sa bahay ng mga ito. Malaki ang bahay nina Mabel. Engineer kasi ang asawa niya. Nakakahanga kasi ang asawa raw nito ang siyang nagdesenyo ng bahay nila. Hindi na muna sila pumasok doon bagkus ay dumeretso sila sa tutuluyan niya. "Ang ganda pala rito," aniyang hindi mapigilan ang paghanga nang makapasok sila sa loob. Tatlong palapag ang building na kinaroroonan ng apartment niya. Nasa second floor siya. "Tatlo kayo rito sa second floor. You will like it here. Maganda ang interior design at kasya na sa tatlong tao. Iyon nga lang may kamahalan. Pero afford mo na ito kapag may trabaho ka na." "I hope so. May naipon naman akong pera rito pang down." "Alam mo bilib talaga ako sa'yo. Mga bata pa lang tayo mahilig ka nang mag-ipon. Yayaman ka talaga diyan sa ugali mo." "Sana nga yumaman. Matagal ko nang pinapangarap 'yan." Naglakad siya papunta sa kwarto niya. Maluwang ang silid tulugan ng apartment niya. "Kailan mo balak mamili ng mga gamit?" "Uunahin ko na muna ang mga importanteng bagay. Baka kaposin ako ng pera." "But before that, kumain na muna tayo sa bahay. Ipinagluto kita," ani nito na lubos niyang ikinasaya. "Gusto ko 'yan! Namiss ko na ang mga luto mo, Bru! You're the best cook ever." "Sus! Nambola pa." Nagkatawanan sila sa tinuran nito. Alam niyang nagalak ito sa sinabi niya masyadong humble lang talaga ang kaibigan niya. "Halika na! Iwanan mo na lang muna ang mga maleta mo d'yan. Heto ang susi mo." Tinanggap niya ang susi na ibinigay nito. "Thanks, Bel!" aniya. "You are always welcome. You know that." They give each other a warm smile. "Grrr! Bakit biglang lumalig rito?" Nangaligkig siya ng biglang may umihip na malamig na hangin. "Oo nga noh?" Maging ito ay ganoon rin ang reaksyon. They both looked at the window na nasa silid niya. Nakabukas na pala iyon. From the living room ay makikita na ang bintana na nasa silid niya. "Did you open the window?" anito. 'Did I?' Kumunot ang noo niya. "I don't know. Nakalimutan ko," aniya. Makakalimutin talaga siya. Pero miminsan lang naman nangyayari iyon. "Bata pa lang tayo iyan na talaga ang sakit mo," ani Mabel na tatawa tawang nakatingin sa kanya. Natawa na rin siya. "Oo nga. Ewan ko ba." "Sige hayaan mo na muna 'yan. Mas maganda para pumasok ang hangin dito sa loob." "Okay." "Let's go?" "Sure! Gutom na ako," aniya. Una itong lumabas. Ini-lock muna niya ang pinto bago sila sabay na lumulan sa elevator. She's thinking of all the possible things she could while staying here in Manila. Wala pa man ay excited na siya. Sana palarin at magtagumpay siya sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD