Karugotong

1177 Words
“Tssk...tsk...Akala ko ba matalino ka? Kawawa ka naman dahil hindi mo namamalayan na ang binuo mong pamilya ay unti-unting nawawala sa iyo. Dahil wala kang silbi! Hindi mo kayang ibigay kay Dominic ang gusto niya!” muling baling nito sa aki . Tila may kung ano’ng masamang espiritu ang sumanib sa akin dahil namalayan ko na lang na sinabunutan ko si Lizzy at paulit-ulit na pinagsasampal. Habang binabato ko siya ng masamang salita. “Hayop ka! Pinagkakatiwalaan kita!” Ngunit napatigil ako sa aking ginawa dahil sa namilipit si Lizzy sa sakit habang sapo nito ang kaniyang malaking tiyan. “Ah! Dominic! Tulungan mo ako! Ang sakit ng tiyan ko! Ah! Ang anak natin Domimic!” “Lizzy! Oh, my God. You’re bleeding!” Nanginginig at napasapo ako sa aking bibig dahil sa nakikita kung umaagas ang preskong dugo sa binti ni Lizzy. Tila ako pinapako sa aking kinatatayuan at hindi ko maigalaw ang aking katawan. “Farah! What did you do? Papatayin mo ang anak ko!” malakas na sigaw ni Dominic. “I’m sorry, hindi ko sinasadya. So-sorry, Li-Lizzy,”nauutal kong saad. Akmang lalapitan ko siya ngunit napatigil ako dahil kita ang takot sa kaniyang mukha. “No! Diyan ka lang huwag kang lalapit sa akin. Baka tuluyan mong papatayin ang anak ko!” Napaupo ako sa sahig dahil sa aking labis na panghihina habang tinatanaw ang asawa ko na nagmamadaling bumaba ng hagdan habang karga si Lizzy. Mayamaya pa narinig ko ang tunog ng pinaharurot na sasakyan. “Ang sama-sama ko. Paano ko ’to nagawa? Nilagay ko sa alanganin ang buhay ng anak ko!” napahagulhol ako ng iyak. Nang makabawi na ako ng lakas kaagad akong sumunod sa kanila at pinuntahan ang pinakamalapit na hospital. “To tell you frankly... nanganganib ngayon ang buhay ng mag-ina mo, Dominic,” narinig kong saad ng doktor. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kapatid at anak ko.” Muli na naman akong napaluha habang nagtatago sa may pader. Labis akong nagpadala sa aking galit. Hindi na ako nagpakita pa sa aking asawa at kaagad na umuwi ng bahay. Kinuha ko ang aking mahalagang gamit. Kailangan kong lumayo. Hindi ko makakayang magagalit sa akin si Dominic dahil ako ang dahilan kung bakit nanganganib ang anak na matagal na naming pinapangarap. *** Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa aking mukha saka ito inipit sa likod ng aking tainga. Tumanaw ako sa bughaw na dagat, ilang sandaling ipinikit ang aking mga mata at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Napakapayapa ng buong paligid at tila walang problema. Kabaliktaran sa kaguluhang nararamdaman ng aking puso at isip. Kapagkuwan ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga at muling dumilat. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa buhanginan kung saan inaabot ng alon mula sa dagat ang aking mga paa. Halos isang buwan na rin simula nang magpasya akong iwanan si Dominic sa piling ni Lizzy at ng aming anak. Wala na akong balita sa kanila simula nang lumayo ako at piliing magsimula ng panibagong buhay nang mag-isa—malayo sa kanila. Kaduwagan at katangahan mang matatawag ang ginawa ko dahil hindi ko ipinaglaban ang karapatan ko sa buhay ng aking mag-ama, pero sa tingin ko, mas makabubuti na rin iyon. Dahil hindi ko naman kayang ibigay ang pamilyang pinangarap ni Dominic. I can’t bare a child. Masakit at feeling ko napaka-useless kong tao, pero wala, e. Ito talaga ang nakatakdang buhay ko sa mundo. MATAPOS ang halos maghapon na paglalakad-lakad sa tabing dagat ay nagpasya na akong umuwi na. Pero nangunot ang aking noo dahil malayo palang ay natatanaw ko na ang bahagyang nakabukas na pinto ng maliit kong inuupahang bahay rito sa isla. Mabilis akong naglakad dahil biglang sinalakay ng kakaibang kaba ang aking dibdib. Nasa tapat na ako ng pintuan nang biglang lumabas ang tao mula sa loob. “Dominic. . .” usal ko sa pangalan niya na parang hangin lamang ang nakarinig. Bigla niya akong hinapit palapit sa kaniya at ikinulong sa kaniyang mga bisig. Tila natulos ako sa aking kinatatayuan. Nabigla ako dahil hindi ko alam kung paano niya ako nahanap dito. “I’m sorry, Hon. I’m sorry sa nagawa ko,” paulit-ulit niyang sambit habang mahigpit na nakayakap sa akin. Nag-init ang sulok ng aking mga mata at malayang dinama ang init mula sa kaniyang katawan. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ko siya na-miss. Pero nagtatalo ang isip at puso ko kung dapat ko ba siyang bigyan ng isa pang pagkakataon sa kabila ng lahat ng nangyari. Pinahid ko ang mga butil na namalisbis sa aking pisngi saka siya mabilis na itinulak. Dahil siguro hindi niya alam na gagawin ko iyon ay hindi niya napaghandaan at nawalan ng panimbang dahilan para mapaupo siya sa lupa. Sakit ang bumalatay sa kaniyang mukha at agad na lumuhod sa paanan ko. “Hon, nagmamakaawa ako. Patawarin mo ako sa nagawa ko. Magsimula tayong muli.” Humawak siya sa aking kamay habang nakatingala sa akin. “Magsimula tayo kasama ang anak natin. Hinihintay ka na niya.” Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata saka umiling. “Gusto ko ng annulment,” turan ko bago ako pumasok sa loob ng aking bahay. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito. Sabay kaming gumawa ng pangarap ngunit magkahiwalay na naming haharapin ang lahat. Pero para na rin ito sa ikabubuti naming dalawa. Lalo lamang kaming magkakasakitan kung ipipilit pa ang tiwalang nasira na. MAHIGIT isang taon din nang tuluyang mapawalang bisa ang aming kasal. Akala ko ay makakawala na ako sa anino ni Dominic. Pero masyado siyang makulit at pursigido. Muli niya akong niligawan at walang palyang bumibisita sa amin ng kaniyang anak. Ang aking kakambal naman na si Lizzy ay nag-iwan lang ng sulat para sa akin. Sulat na humihingi ng kapatawaran. Sa ngayon ay nasa Canada na siya kapiling ang lalaking nagmahal at tumanggap sa kaniya ng buong puso. Napangiti ako at ngumiti kay Dominic na ngayo’y nakaluhod sa aking harapan, hawak ang isang singsing. “Will you marry me, Farah?” Tumango ako bilang sagot. AFTER six months, ikinasal kami sa pangalawang pagkakataon. Nagsimula kami nang panibagong buhay na kung saan kumpleto na ang aming pamilya. Kinalimutan na naman ang nangyari sa nakaraan dahil ang importante naman ay iyong ngayon. Niyakap ako ni Dominic at hinalikan ako sa aking mga labi. Matagal kaming naghalikan hanggang sa maramdaman ko ang mga kamay niya na unti-unting naglalakbay sa aking katawan, hanggang sa tuluyan niya akong angkinin. "Ooh!" ungol ko nang ibaon niya ng sagad ang kanyang p*********i. Matapos ang halos buong gabing pagniniig, niyakap niya ako nang mahigpit at paulit-ulit na ibinubulong sa akin kung gaano niya ako kamahal. NAKUHA rin sa gamutan ang sakit ko. Himalang matatawag dahil sa ikalawang taon namin matapos muling ikasal ay biniyayaan kami ng kambal na anak. Wala na akong mahihiling pa. Hindi man maganda ang mga nakalipas na nangyari, ang mahalaga ay muli naming nahanap ang daan pabalik sa piling ng isa’t isa. Wakas

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD