Nanlaki ang mga mata ni Hestia lalo pa at hindi talaga bumitaw ng babae kay Raven. Tila isa itong tuko habang nakakapit. Parang isang ahas kung makalingkis. Ramdam ni Hestia ang pagkulo ng kaniyang dugo habang pinagmamasdan nito ang dalawa. "Justine, saglit.." ani ni Raven bago pinabitaw ang babae sa kaniya. Justine pala ang pangalan ng hitad. Ani ni Hestia sa kaniyang isipan, at kung hindi pa ito pinabitiw ni Raven ay kaunti na lang hahatakin na niya ito palayo kay Raven, pagkatapos ay kakaladkarin palabas ng bahay na ito. Pero naalala niya rin naman na hindi niya pala bahay ito. Wala rin siyang karapatan na magpalayas lalo pa at mukha rin naman close ang dalawa. "Raven, I'm glad na makita ka ulit. Pero teka?" napatingin ito sa lamesa. "Oh my god! hindi ako nagsabi na pupunta ako