"Look at you, you are so cute." masaya pang sabi ni Victoria at hindi na nga nakapag-hintay at ipinasuot na kay Hestia ang isa sa mga damit na binili niya. "Okay, wear that na ha? I'm sure my son will fall in-love you more." anito bago pinisil pa ang pisngi ni Hestia. Aminado siya na talagang napakaganda ng damit at bagay nga sa kaniya. Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa niyang makapag-suot ng ganitong damit sa kaniyang talambuhay. Iniisip niya nga ngayon kung deserve niya na mag-suot ng ganito kaganda at mamahalin na damit. Pero nagpapasalamat siya, dahil kundi dahil sa ina ni Raven ay hindi niya mararanasan ang mag-suot ng ganito. "Thank you po." Tinapik nito ang kaniyang balikat at muling ngumiti. "Okay, I'm going now at baka hinahanap na rin ako ni Vern, ha?" Muli