Chapter 31

2337 Words

Natatawa si Hestia nang makita ang rason na inilagay niya dahil para makapag-out sila ng maaga ni Raven. Lunch out / Emergency meeting, lang naman. Emergency meeting para sa kalandian nilang dalawa na hindi niya alam kung hanggang saan naman mauuwi ngayon. "Boss ha? Basta sure ka na hindi ka magagalit kapag hinanap mo yung report tapos wala akong mai-provide sa'yo." Ani pa ni Hestia dahil iyon ang aatupagin niya ngayong araw na ito. "Saka boss, ang sweldo ko ha? Buo pa rin. Alam mo naman na marami akong pinapakain." "Tingin mo ba papabayaan kita?" Tanong ni Raven sa kaniya habang binubuhay ang makina. "Basta nililinaw ko lang boss. Mamaya magsungit ka na naman." Tumaas ang sulok ng labi ni Raven. "Relax, Ms. Coronel." "Maka Miss Coronel ka naman." Irap pa ni Hestia kay Raven.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD