Bumagsak sa sahig ang tuwalya na nakabalot sa buhok ni Hestia dahil sa intensidad ng paghahalikan nila. Malugod na tinanggap ni Hestia ang mga halik ni Raven at walang pagaalinlangan na hinayaan ito na magdala sa paraan nang pag-halik na bago sa kaniya. Nang manghingi ng permisyon ang dila nito na tikman ang kaniyang bibig ay malugod niya itong hinayaan, dahilan para mas lalong magbigay ng kakaibang kilabot ang halik nito sa kaniyang katawan. Nagsimulang maglaro ang dila ni Raven at mabilis na hinanap ang dila ni Hestia, nagsalitan ang pagdaplis n'on at bahagya pang sinipsip iyon ni Raven. Sa umpisa ay halos naninigas ang labi ni Hestia, ngunit hindi nagtagal ay nagkusa iyong gumaya sa paraan ng pag-galaw ng dila ni Raven at halik nito sa kaniya. Mabilis niyang natutunan ang paghalik na