Kasyn's POV: "Wala pa ba sila Abrianna and August?" Tanong ko kila Juvia. Nandito na kami ngayon sa table na pina-reserved n'ya. May disco ball din dito at dj na nagpapatugtog ng mga pang-party na kanta. Nagsasayawan naman na ang mga ibang classmates ni Juvia. "Hmm, mukhang nasa loob pa sila nag-uusap," sagot ni Jack na katabi ni Juvia sabay uminom ito ng tequila. Napatingin ako sa kan'ya at nakitang nakangiti sila ni Juvia. Napakunot ang noo ko. Biglang nag-iba ang aura ni Jack. May something sa kanila ni Juvia. Nararamdaman ko yon. "Magsasayaw na muna kami." Tumayo sila Yale, Mino at Jiwoo. "Sure, susunod kami ni Jack maya-maya," sagot ni Juvia. "How about you Haze and Kasyn?" Tanong ni Mino habang nakatingin sa akin. Tinignan ko si Haze na katapat ko. "I'll stay here for