Kasyn's POV: Pagkasakay namin ni Haze sa elevator ay muntik na akong matumba. Mabuti na lang at nasalo n'ya ako. Naramdaman ko ang kamay n'ya sa balikat ko. Napatingin ako sa kan'ya at nakitang malapit ang mukha n'ya sa akin. Nang mapatingin ako sa labi n'ya ay napalunok ako. "Are you okay?" tanong n'ya. Agad akong tumango at umayos ng tayo. Napatingin ako sa damit ko. Napangiwi ako nang maalalang wala nga pala akong underwear sa ibaba ko at bra. Naiwan ko ang mga iyon sa loob ng room. Tinignan ko kung anong floor na kami. Malayo pa naman kami makababa. Sumandal ako sa likuran ko at nag-cross arm para hindi n'ya mahalata ang dibdib ko. Nakita kong hinubad n'ya ang suot n'yang dark brown na jacket at humarap sa akin. Napakunot ang noo ko nang iabot n'ya ito sa akin. "I know yo