MTABB: CHAPTER FIFTY NINE

1013 Words

Abrianna Macey Nam's POV: Naalimpungatan ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa mukha ko. Mabilis kong dinilat ang mga mata ko at nakitang nasa kwarto ako. Napaupo ako at napahawak sa ulo nang maramdamang masakit ito. Napangiwi ako dahil wala akong maalala kagabi. Ang huling naaalala ko lang ay yung umalis si Kasyn saglit at umorder ako nang mga inumin. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at napakurap nang makita si August na nakabihis na at handang pumsok pero may bitbit itong tray na may mga pagkain. Lumapit s'ya sa akin pati ang isang maid na kasama n'ya. Nilapag nito ang mini bed table at nilapag naman ni August ang tray dito. Napatingin ako sa pagkain. Hangover soup, bacon, egg and hot milk. Napakunot ang noo ko at tinignan s'ya. Sumenyas lang s'ya sa maid na lumabas na.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD