Prologue

1089 Words
HINDI makapaniwala si Merci sa narinig mula sa ama. Ang akala niyang simpleng welcome party para sa kanya ay siya pa lang engagement party niya. “Dad, are you serious? I’m just eighteen years old and you want me to marry that man?” puno ng galit na angil niya sa ama ng sabihin nito ang balak. Mabuti na nga lang at nasa backstage pa lang sila ay pinaalam na nito, papaano na lamang kung nasa stage na at bigla-bigla na lang mag-announce ang kanyang butihing ama? “Darling, l’m doing this to secure your future. Elias will be a good husband for you–” “Dad, are you blind?! He’s much older than me and he’s not my type, please don’t do this!” giit niya at napaupo sa sahig. Para siyang batang hindi pinayagan sa gustong bilhin. “I already made up my mind, iha. You will marry him, it’s either you like or not,” mariing pahayag ng kanyang ama at hinawakan siya sa kamay at kinaladkad paakyat sa stage pero pumiglas siya. “Hindi ayoko! Mamatay muna ako bago mo ako ipakasal diyan sa badoy na Elias na iyan! Angkol ko na iyan, dad! Maawa ka naman!” giit niya at pilit na binabawi sa kanyang ama ang kanyang kamay. “Huwag kang makulit, Merci, para din ito sa kakabuti mo–” “Sa ikakabuti ko o sa ikakabuti ng negosyo ninyo? Ibebenta ninyo talaga ang kaisa-isa ninyong anak para lang maisalba ang negosyo ninyo, dad?” Binitiwan siya ng kanyang ama at malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. “How dare you accuse me, Mercu?! Wala kang utang na loob!” nanlilisik sa galit na asik ng kanyang ama. Napahawak siya sa kanyang pisngi, heto ang kauna-unahang pagkakataon na sinampal siya ng ama. “Kung alam ko lang na magiging ganito lang din ang aabutin ko sana hindi na lang ako umuwi, l hate you, dad!” aniya at umiyak na. Akala niya’y mapapalambot na niya ang puso ng ama at hahayaan na siya sa gusto pero nagulat siya ng hatakin siya nito muli. “Tama na ang drama, Merci at naghihintay na sa iyo si Elias sa stage kaya’t tara na,” giit ng kanyang ama at hinatak siya. Umiling-iling siya. “Ayoko! Ayoko ko, tulong, tulong!!” Humingi talaga siya saklolo, mamatay muna siya bago siya mapapayag ng kanyang ama magpakasal na lalaking hindi niya mahal. Nagkaroon siya ng pag-asa nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang matangkad, moreno, makisig, at gwapong lalaki nasa bandang gilid nila. May kausap ito pero nagtama ang mga mata nila nang sumulyap ito sa gawi niya. “Tulungan mo ako,” aniya sa lalaki nang mapadaan sila sa gilid nito. Mariin siyang napapikit ng malapit na siyang humakbang sa hagdan papasok sa may i-stage kung saan naghihintay ang kanyang mapapamgasawa. “Sandali,” ani ng lalaking-lalaking boses at naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang kamay kaya’t mabilis siyang napamulat at napatingin sa lalaki. Seryoso ang mukha nito at nakakunot ang noo. Nakakatakot ang aura nito ngunit hindi siya natakot kundi humanga pa siya sa kagwapuhan at kasigan ng lalaki. “M-Major Isagani?!” gulat na bulalas ng kanyang ama at binitiwan ang kanyang kamay kaya’t kaagad siyang lumayo dito at nagtago sa likod ng lalaki. “Ako nga, ano na namang kaguluhan ito, Mr. Manalo?” seryosong tanong nito sa kanyang ama na mukhang nakakita ng multo dahil namumutla ito. Nagtaka naman siya sa naging reaksyon ng kanyang ama pero wala siyang para magtanong ang mahalaga ay makaligtas siya ngayon. “Alam ninyo bang labag sa batas ang mamilit ng kapwa? Kahit pa anak mo ito, kung ayaw niya’y huwag ninyo pilitin at lalo huwag ninyong saktan, pwedeng-pwede kita ngayong damputin sa ginawa mo, alam mo ba iyon?” mariing giit ng lalaki. Sa narinig ay nanlaki ang mga mata niya, alam pala nito ang ginawa ng kanyang ama sa kanya. “G-Ginawa ko lamang iyon para din sa kanyang ikakabuti,” rason ng kanyang ama na hindi makatingin kay Major Isagani. “Nagkakamali ka, dad. Hindi iyon sa kakabuti kundi sa ikakabuti ninyo, bata pa hu ako at ayaw kong magpakasal,” singit niya. Ito na ang kanyang pagkakataon upang ipaalam ang kanynag saloobin. “Gusto ko pa hu mag-aral at maabot ang aking pangarap kaya’t ang pagpapakasal ay wala pa iyan sa aking isip,” dagdag niya pa. “Narinig mo ba iyon, Mr. Manalo? Ayaw ng anak mo magpakasal kaya’t huwag mong ipilit dahil ako makakalaban mo. Gusto mo bang ipakulong kita at ipasara ko mga negosyo mo? Alam mo kayang kong gawin iyon,” mariing giit ni Major Isagani. Bumuntonghininga ang kanyang ama at tumingin sa kanya. “Merci, iha, alam mo naman na mahal kita kaya’t sige hahayaan kita sa gusto mo ngunit sana’y isipin mo din na ginagawa ko ito sa kakabuti mo, hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo ako, iha,” giit ng kanyang ama. Napasinghot naman siya. “Alam ko, dad, pero ang bata ko pa hu para sa ganiyan. Hayaan ninyo mo na akong maabot ang aking pangarap at magpagkasawa sa buhay dalaga,” aniya at bumitaw na kay Major Isagani at nilapitan ang ama. “Oh siya sige, saka na lamang natin pag-usapan ang bagay na ito kapag bente singko ka na,” pagsuko ng kanyang ama dahilan para lumawak ang kanyang ngiti dahil nagtagumpay siyang hindi maikasal sa lalaking hindi niya mahal. “Salamat, dad,” aniya at niyakap ang ama. “Hay, sige, mauna na ako at kakausapan ko si Elias,” giit ng ama niya at kumalas sa kanya. Kaagad naman siyang tumango. Binaling naman niya ang tingin kay Major Isagani na akmang tatalikod na at aalis ngunit kaagad niya ito pinigilan. “Major, maraming salamat nga po pala,” aniya sa lalaki na tumingin sa gawi niya. Ginulo ng lalaki ang kanyang buhok na para bang nakakatanda niya itong kapatid. “Wala iyon, sana’y mag-aral ka ng mabuti at maabot mo kung ano man ang pinapangarap mo,” seryosong sabi ng lalaki. Ngumiti siya. “Gagawin ko lahat ng makakaya ko para mangyari iyan.” Nang tignan niya ang kamay ng lalaki napansin niyang may suot itong singsing. Hindi niya alam pero para may kumirot sa kanyang puso sa nalamang may asawa na ang kanyang tagapagligtas. Gayon pa man nangako pa rin siya sa sarili na hindi niya sasayangin ang binigay nito kalayaan at balang araw ay makakabawi din siya kay Major Isagani.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD