EPISODE 9 - ESCAPE PLAN

1186 Words

THE DARK WAR: PRINCE NICHOLAS EPISODE 9 ESCAPE PLAN NICHOLAS’ POINT OF VIEW. Akala ko kapag lumipas na ang ilang mga araw ay mawawala na ang galit ng mahal na reyna sa akin pero doon pala ako nagkakamali. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin at labis siyang nasaktan sa mga tanong ko sa kanya. Madalang ko na ring nakikita at nakakausap si Ariadne at ramdam kong iniiwasan niya ako. “Tatiana, gusto kong lumabas dito sa palasyo,” utos ko sa kanya. Nandito ulit kami sa may garden at nakaupo sa bench na malapit lang sa fountain. Nababagot na ako rito sa loob ng palasyo at ang mas nakakainis pa ay bantay sarado ako ng ibang mga kawal. Ito ba ang utos ni Ariadne? Natatakot siyang makatakas ako rito at sabihin ko sa ibang mamamayan ng Avalon na ako ang nawawala nilang prinsipe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD