EPISODE 12 PAGSUBOK NICHOLAS POINT OF VIEW. “Tinatanggap ko ang iyong paghamon sa akin, Queen Ariadne. Wala mang nakakaalam kung nasan ang silver sword, susubukan ko pa rin na mahanap ito,” seryoso kong sabi habang nakatingin sa aking kapatid na nakaupo sa kanyang trono. Nakatingin siya sa akin ngayon habang nakangiti. Hindi ko alam kung masaya lang ba siya, o nang-aasar siya sa akin dahil alam niyang imposible kong mahahanap ang sandatang tinutukoy niya. Tumango si Ariadne at tumayo sa pagkakaupo sa kanyang trono at humakbang papalapit sa akin. Hinawakan niya ang aking balikat at bahagya itong tinapik. “Alam kong hindi ka kaagad sumusuko, Nicholas. Patawad kung nasaktan man kita noong mga nakaraang araw, hindi ko intensyon na gawin iyon. Matapang ka at alam kong kakayanin mo lahat