" Thanks kanina", pang apat na niyang sabi sa akin habang nagbabasa ako nitong ibinigay niyang notebook tungkol sa activity. Naiirita na akot ang sarap na niyang bigwasan para matapos na ang pagkausap sa akin.
" Ang cool mo doon. Thanks talaga..", napapikit na ako at hinarap siya ng buo. I saw how he stands and fighting my Gaze.
" Isang thank you, Okie na yun.", sabi ko. Pinipilit pakalmahin ang sarili sa nagbabadyang inis sa katabi.
Simula ng lumapit ito sa amin after break time. Hindi na ako tinantanan. Wala naman akong magawa since wala masyadong klasi dahil first day of school, puro pakilala lang ang nangyari kaya may time talaga ang pangit.
"Hehe..Kaya ko naman sila dahil lalaki rin ako pero thank you talaga. ", nangingiti nanaman niyang sabi. Nakakarindiiii, ... makulit na makulit at nakakaimberna ang mga ngiti niya.
Napaatras pa siya sa kanyang upuan ng hinarap ko siya ng buo.
I saw how his adams apple move, ang singkit niyang mata na pilit na pinapalaki.
Mas inilapit ko pa ang sarili para maintimadate man lang ang pangit sa presensya ko, iyong matatakot siya at hindi na maiwasang kulitin pa ako.
Pero sa hindi inaasahan, Hinawi niya ako gamit ang kamay niya sa mukha ko. At agad na umayos ng upo.
Nagulat ako doon. It is the first time that someone do that to me. No one dares except him . Nakaya niya ng hindi man lang nagdalawang isip. Napabuntong hininga ako at hindi na siya papansinin pa.
" Ahhhhhh... Pasyncia na.. na ooverwhelmed lang ako sa nangyari. First time kasi may magtanggol sa akin, babae pa. ",
"ahmmm, ... Medyo makulit ba ako?", sabi pa niya na may pag aalinlangan na ngayun. . Sumusulyap pa sa akin at aayusin ulit ang mga gamit. , Titingin nanaman sa akin at mag iiba nanaman.
Napansin ko pa ang pagbungisngis ng dalawang impakta sa gilid ko at mga kaklasi kong nacocurious na sa amin.
Nakalma naman ako saglit at agad siyang tiningnan ng masama.
Ibinigay ko sa kanya ang notebook niya at agad siyang inirapan.
"Just dont distub me and STOP LOOKING AT ME. . ", bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay may diin. Iyong mapupunto niya kahit gaano pa siya sa ka tanga.
Hindi ko alam kung Tama ba ang ginagawa ko O ano .. Kung paano napalitan ng pagkadismaya at pag alinlangan ang mukha ng pangit, ang siyang pagusbong ng pagkaguilti sa akin.
Hindi ko nalang iyon inisip at agad na natulog.
Ano naman kung masama na ang iniisip sa akin ng pangit. Mas mabuti na yun ng hindi na siya mangulit pa.
Nakakairita pa naman ang paggiging madaldal niya.
Nang mahimasmasan at nakatulog ng mahimbing. Hindi ko napansin na mag gagabi na pala.
Wala ng tao, at iniwan pa ako nina Nekkie at Enchou.
I saw a note in my desk,
" Hirap mo talagang gisingan, mauna na kami kasi sinundo na kami ni Daddy. Enchou is with me. "
- Nekkie
Hindi na ako nagulat. This is always happening even before. Wala namang nagyayari sa akin since walang nangangahas na gawin yun.
Masyadong tahimik ang paligid kaya naging maganda ang tulog ko.
I fix all the things inside my bag. I even check everywhere if may nakasaksak or what before I go out.
I check my phone ng makitang may chat si Sponsor at may kasamang picture with someone. Ohh!..
I smirk, nag date?.
I made a reply and put an angry with a smirk emoji.
I saw how he immediately seen it and ready to reply.
SPONSOR REPLY:
"I cant call you Darling now because I finally found my true darling now, baby",
Kumunot ang noo ko.
" Baby????. Stop it or I will kill your darling. Tsk", .
Sponsor calling....
Hah! Natakot at napatawag pa talaga?.
I answer it with annoyance.
I told you to stop it, baby
" Tsk.! Nakakakilabot ka talaga kahit kailan. ", galit kunyari kong sabi sa kanya.
Asuss... Namimiss mo lang ako. Dont worry Baby, we will go home on your 16th birthday.
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Dadalhim mo yan??. " nasabi ko. Kung mangyayaring may madala siya, it means seryoso na ito. Sana lang, hindi siya masasaktan. O di kaya, baka masaktan ko pa ang kasama nita kapag niluko lang siya nito.
Will see if kayanin niya. Hahahaha
Napasimangot ako sa sinabi niya. I am enjoying the life because of him. I dont want him to get hurt by anyone who will abuse him for being so kindhearted.
" Basta, gamitin ang utak, huwag ang landi.. ",
Rinig ko pa ang pagkakahisterical niya. He even shouted at me for saying it again kaya pinatay ko na.
Ayaw na ayaw niya ang tinatawag siya ng malandi, kahit iyon naman talaga ang totoo.
Bumuntong hininga ako at agad na lumabas sa room.
Madilim na at wala nang tao.
Siguro nasa dorm na ang iba at umuwi ang karamihan.
I immediately walk to where is my room when I saw someone on the bench.
He is serious this time kaya hindi mo maiisip na may pagkalampa ito at nerdy tingnan. Iyong mga studyanting nabubully dahil sa hitsura. But different now, He is extremely hot when reading a book in a serious look.
So Nagdodorm din siya? O uuwi?.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanya ng hindi man lang ako napansin.
Nakauniform pa ito at seryosong seryoso.
Nagulat siya sa akin. Kaya dali dali ring lumipat at agad na tumalikod para umalis.
Kumunot ang noo ko.
Natakot na sa akin?.
Umiling nalang ako at hinayaan siya.
He keep on glancing me that makes me bother more.
" May sasabihin ka ba?".. seryoso kong sabi ng papunta ako sa hallway kong saan ang dorm namin.
Umiling ag pangit at agad na nagtatakbo sa harap ng gate.
Nagtaka man ay nagsimula narin akong maglakad papunta sa dorm. Nekkie and Enchou are not here in the dorm since hindi sila pinayagan ng parents nilang magdorm.
Mangilan ngilan lang kami dito at yun lang ang mga scholar.
" Ms. Messie!" Napalingon ako ng tinawag ako ng pangit.
I saw how he is confused.
" Nagdodorm ka?.", sabi niya kaya agad akong tumango.
Ngumiti siya ng bahagya sa akin at agad na nagpaalam.
" See you tomorrow!", sabi niya.
Nakita ko pa ang sasakyang mamahalin sa harap ng gate at pinagbuksan siya ng isang matanda.
Mayaman pala ang pangit pero kung makabaon, fudgee bar lang?.
Hindi ko na yun pinansin at na nagmamadaling pumunta sa room ko
Nakakapagod ang araw na ito kaya gusto ko ng magpahinga.
Pagkapasok ko palang, as usual, malinis na ang room ko, may hapunan na rin sa lamesa at isang note nanaman
" Eat well my baby",
Sa kilabot dahil sa nabasa, itinapon ko ito.
Kahit talaga wala siya dito, walang mintis ang mga pagpapahalaga niya sa akin kahit sa mga ganito lang
Paborito ko pa ang niluto nila sa akin kaya masiyado akong mahina at nakakawala ng angas kapag ganito.
I send him a message.
" Thanks again for the food. Enjoy your night!",
I saw he seen it immediately.
" WC baby"
.......
Matulin ang araw ng hindi ko namalayang huebes na pala ngayon. Nakita ko pa sa bukana ng room namin sina Nekkie at Enchou, halatang naghihintay nanaman sa akin.
I look at my wrist watch, I am 2 minutes early this time.
" Mas agahan mo te, nakadorm kana lahat lahat, halos late parin?.", si Enchou na nag iinarte nanaman.
" Atleast improving. ", si Nekkie na nakaponytail ang buhok at may lipgloss pa sa labi.
" Kailan kapa natutong maglagay ng ganyan?", . nakakunot noo kong sabi sa kanya.
Ngumisi lang ang malandi at agad na dumikit sa akin.
"Ehh kasi , .. Iyong varsity ng Soccer, si Paul. Magkikita kami mamaya sa recess. Huebes ngayon di ba?.. Sure akong nandodoon sina paul..", kinikilig niya pang sabi sa akin.
Nangilabot ako sa sinabi niya.
" Iyon ba yung lalaking nakabunggo natin nong isang araw pa?. Nag kacrush ka kaagad sa kanya?", si Enchou na nakasimangot na, halatang crush niya rin.
" Hoy Nekkie, kalimutan mona ang pagka crush mo ng mga ganyan.. Hindi kana natuto sa mga nagyari sa mga naging crush mo. Alam mo naman, may Demonyong nagkacrush din sayo, kaya tigil tigil na, pwedy?.", ..
Sumimangot siya at agad na tumingin sa akin.
"Wala naman siyang magagawa since matapang si Paul at malaki ang katawan. Baka nga hindi niya kayanin yun. Basta, kailangan kong magkaboyfriend man lang bago matapos ang high school. " proud niya pang sabi.
" MOVE! ", galit na sabi na kung sino. Si Ken at ang grupo niya.
Ngumisi ako at agad siyang tinaasan ng kilay. Nanghahamon ba ito ng away?. He looked at me with annoyance and then glance at Nekkie.
" Pumasa ka muna bago ka mag isip ng boyfriend boyfriend. Ni hindi mo nga magawa ng tama ang activity natin bukas. ", striktong sabi ni Ken ky Nekkie.
Dahil sa sinabi, galit siyang tiningnan ni Nekkie. I even saw how Ken expression change. Pero ang loko, pinanindigan ang galit. First time
"Huwag na huwag kayong gagawa ng gulo, kundi kamao ko ang bubungad sa inyo. ", may diin na sabi ko kay Ken, lalong lalo na sa mga kasamahan niya.
Nagpati una ako sa pagpasok at ang bumungad sa akin ang masayang pag uusap ng mga kaklasi namin.
Nakita ko pa ang pangit na masayang nagdadaldalan, halos mga babae pa ang kasama.
Napaangat ang kaliwang kilay ko sa magandang awra sa room namin. Ni hindi nga ako napansin na pumasok na.
Kailan pa naging close ang mga tao rito sa pangit na yun?.
Rinig ko pa sa mga bibig nito na magaan kausap ang pangit.
May bulong bulongan pang sinasabi na pumasok na ako kaya ang karamihan ay umupo nalang bigla. Nakita ko pa ang pagbaling ng pangit sa akin at nakangiti nanamang tinitingnan ako. Nagawa niya pang magpaalam at agad na lumakad papunta sa banda ko.
Dala2x ang kompyansa sa sarili, naupo ako sa aking upuan na may pagmamalaki. Kahit kailan, hindi mawawala ang attention ng lahat sa akin.
Reyna parin ako dito, kinakatakutan at hinahangaan ng karamihan, at hindi iyun magbabago.
Tumabi sa akin sina Nekkie na nakasimangot at nagdadaldalan, nagmamaktol na kay Enchou.
" Kailan ba matatapos ang kalbaryo ko, ... Messiiieeeee... ", nangungulit nanaman . Ganito to eh kapag si Ken na ang Involve.
Tiningnan ko ang cellphone ko dahil may Chat sa akin si Sponsor. Inignora si Nekkie na mangiyak ngiyak na sa tabi ko.
" Good Morning , Ms. Messie", nakangiting sabi sa akin ng pangit. Tumango lang ako at agad niya ring binati sina Enchou at Nekkie.
Even Ken na pumasok palang ay binati niya rin.
Habang nag aantay kay Mr. Naru, napansin ko ang pagkabalisa ng pangit sa tabi ko.
Even Ken ay nasa harap ko na at mataman akong tinitingnan.
" Just for today and tomorrow ..or even Forever Messie, Can I get your chair?.... Pl....please..", napatingin siya kay Nekkie na nag aalburoto na sa galit at tumingin nanaman sa akin.
Ayaw akong paalisin.
Ngayon lang ito nagmakaawa kaya baka sa puntong ito, pagbibigyan ko na.
"Hoy!", sabi ko sa pangit na seryosong nakatingin na kay Ken. Tila hindi sang ayon na lilipat ako ng upuan.
"Lipat tayo doon sa likod ni Enchou.",
Sabi ko at agad na tumayo para pumunta sa gawi namin.
Naguluhan man at nakangiti siyang sumunod sa akin. He even said sorry sa mga kaklasi namin na inagawan namin ng upuan para lang magkatabi kami, at katabi naman ni Ken si Nekkie.
" Messie....Tinatapos mo naba ang pagkakaibigan natin?....", sigaw pa sa akin ni Nekkie. Even Enchou is nakangiwi na sa kanya.
" Mag aral ka ng mabuti at pakisamahan mo ng mabuti ng mag evolve naman niyang grades mo. ", nasabi ko at agad na tinanguan si Ken.
May sinasabi pa si Nekkie pero hindi ko na yun pinansin.
Napatingin ako sa pangit sa tabi ko ng ilapag niya sa harap ko ang mga bondpaper. Siguro para sa gagawin namin bukas.
Hindi naman ako bobo para bigyan niya pa ito ng mga ganito. I am not irresponsible enough, to neglect my responsibility bilang studyante, kaya sa mga nagdaang araw, naghanda rin ako.
Kinuha ko yun at agad na ibinigay sa kanya.
" Aaralin natin ang nagawa natin at kailangan maging tugma ang lahat. Mr. Naru is kind of strict, kahit hindi halata, terror yun sa mga tanong. ", seryoso kong sabi.
" We can study on my house, Ms. Messie. ", nakangiti niya pang sabi sa akin.
Kumunot ang noo ko, . " Huwag na. Okie na ako sa library. ",
" Sa break time gusto mong pag usapan rin natin ?.",
Tumango ako. " Nagbabaon ka pa rin ba?",
Umiling siya. "Not this time. Sirado ang tindahan ni Nanay ngayon.",
Naguluhan ako bigla sa sinabi niya. Pero hinayaan ko nalang.
" Then fine, we can do it on our free time. ", sabi ko nalang at agad nagpasyang matulog ulit.
Alam ko naman ang ituturo ngayon kaya pwedy akong matulog kahit anong oras.
Rinig ko nanaman ang mga bulong bulongan. Everyone is busy kaya napadilat ako.
I saw Mr. Naru na nagcecelphone habang ang katabi ko ay nagsusulat.
" What are you doing?", sabi ko at agad na tiningnan ang sinusulat niya.
Math assignment kahapon.
Kumunot ang noo ko ng makitang mali mali ang mga sagot niya.
" Sagot mo yan?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
Kita ko ang pagkapahiya niya. Next subject namin pagkatapos ni Mr. Naru ay math na. Which is, siya parin ang teacher namin.
" Ahhhh.. ehhh.. Kagabi pa ako nito, hindi ko makuha parin", sabi pa niya.
Padarag kong kinuha ang notebook niya at inusog ang arm chair ko.
Dikit na dikit na ako sa kanya na pati ang pabango niya ay naamoy ko na.
I explain every equation at kung papaano ko nakuha ang sagot. I even tell him that I got it right when I check it by subtitution the value of X. which is equl to the value of the given equation.
Nang makontento, hinayaan ko siyang magsasagot sa iba pang equation.
Tiningnan ko siya ng maigi at nakangsing tiningnan ang papel niya na may tamang sagot.
"Ang talino mo pala , Ms. Messie. ",
Tinaasan ko siya ng kilay at agad na ngumisi.
" Hindi yan libre , Hoy. Ilibre mo ako ng Snack mamaya. ", nasabi ko at agad na nakinig ng tumayo si Mr. Naru at naglecture.
.....next....