NAKATANAW si Florence sa iilang motorsiklo na nakapark sa ilalim ng mga punong acacia. She spotted Colin's. Kung tama ang tantiya niya ay gano'ng oras din nila nakita ang binata sa pinagparadahan nito. It was her vacant period. Pumuwesto siya sa mismong bench kung saan sila madalas tumigil ng mga kaibigan at kung saan niya nakita si Colin noong isang araw na may kasamang babae. Bago siya nagtungo roon ay nag-message siya kina Jelai at Berna na hindi siya sasabay sa mga itong mag-snack dahil may aasikasuhin siyang importante para sa requirements niya. May araw kasi na nauuna lang ng fifteen minutes ang vacant period niya kesa sa dalawa kaya madalas na naghihintay siya sa mga ito sa cafeteria. "Florence!" tawag na nanggaling sa malayong gilid niya. Paglingon niya ay nakita agad niya si