MAGULO ang isip ni Florence nang makabalik ng kwarto. Halos wala siyang memorya kung paanong nilisan ang pinto ng study room ng ama. Umupo siya sa paanan ng kama at natulala nang mahabang sandali. Tinatalo ng pagkabalisa ang buo niyang katawan. Nanginginig ang kaniyang mga kamay. Nagsasalimbayan ang mga tanong sa kaniyang isip. At pabalik-balik ang mga usapan. Hinawakan niya ang leeg at paulit-ulit na umiling. Pagkuwa'y tumayo at nagpalakad-lakad. Hindi niya alam kung totoo. Hindi siya makapaniwala. Nahihirapan siyang iproseso ang lahat sa utak. Gulong-gulo talaga siya! Hindi na niya alam! Hindi niya matanggap! Huminto siya at malalim na humugot ng hangin. Pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hininga at mabubuwal anumang oras. Gusto na niyang umiyak pero hindi siya makaiyak. Tuyong-tu