INIHINTO ni Colin ang motorbike nito ilang metro mula sa mismong building kung saan ang huli niyang klase para sa araw na iyon. May iilang estudyanteng nakatambay sa malapad na hagdan ang tahasang lumingon sa kanila. Natanaw din niya si Denver at ilang kaibigan nito. Pagbaba ay nilingon niya si Colin. Hindi niya pinansin ang mga curious na mga matang nanonood sa kanila. "Your last subject," ani Colin at sumulyap sa may gusali. She nodded. "Yeah. Two hours lecture." "Tama lang ang dating natin?" Kinuha nito ang kaniyang school bag na isinabit muli nito sa may leeg at iniabot sa kaniya. "Thanks," anas niya at dinungaw ang relo. "Uhm... we're seven minutes earlier." Tumingin siya rito. Pagkatapos ng rebelasyon ni Colin tungkol sa sariling pagkatao ay nagyaya na agad ang binata na ihatid