******** ALI This wasn't the first time na haharap ako sa kliyente pero bakit hindi ko maalis ang kaba sa dibdib ko. Parang may sampung kabayong nagririgodon sa loob ng puso ko. I don't want to think about the possibility na si Sancho ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I was on my way to his office, I don't have any choice kung hindi sigurado akong totohanin nya ang sinabi nyang sisirain nya ang trabahong pinaghirapan ko ng maraming taon kung sakaling piliin kong hindi magpakita sa kanya ng personal. Kaya naman kahit sobrang labag sa loob ko kailangan ko tong gawin kung hindi mawawala sa akin ang lahat. I held my breath for a while before entering his empire. The moment na tumapak ako sa teritoryo nya alam kong wala ng atrasan ito kahit gustuhin ko man, he left me with