******* ALI "WHAT THE f**k ARE YOU DOING ALESSANDRA?" narinig kong sigaw ni Sancho mula sa aking likuran. Para namang nakawala ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa pagkagulat. Mabilis kong pinihit ang aking katawan paharap sa kanya. Medyo tinamaan ako ng hiya mapagtanto ko na tanging damit panloob lamang ang suot ko sa harapan nya. Bahagya din akong natakot ng makita ko ang dilim ng kanyang mukha at ang umiigting nitong panga ngunit marahil dala ng hiram na tapang mula sa alak ay nakuha kong titigan sya sa mata ng matagal bago pabalang na sumagot. "Swimming, I guess? Ano sa tingin mo?" mataray kong sagot dito. "Wearing only that Ali? You'll be the death of me! What about the stunt you just pull right now, alam mo bang delikadong maglangoy sa dagat ng gabi?!" malakas na sigaw pa d