KABANATA 5

2938 Words
                           KABANATA 5 PAPASOK na sa Hotel De Viega ang maskulado at guwapong CEO ng Andromeda kasama ang kaniyang sekretarya. All eyes on him but he doesn't give the s**t on them. Sino ba sila para paglaanan niya ng pansin? He can't be maniac in front of Mina-the virgin mother. "Look at him. Kung siya lang din naman ang wawasak sa kuweba ko ay hindi ko iyon pagsisisihan kahit na ikamatay ko 'to!" He bit his lower lip when he heard it from a woman beside him and Mina. Narinig rin ni Mina ang sinabi ng babae pero hindi niya ito pinansin. Sekretarya si Mina at hindi chismosa. Kung mayroon siyang dapat isulat sa kaniyang maliit na notebook iyon ay kung ano ang mga importanteng bagay na sinabi ni Nigoel at sasabihin ng mga kausap ng kaniyang amo. "s**t! He heard us," napayukong sabi ng babae nang lumingon sa kanilang gawi si Nigoel. Sabi nga nila mahirap itago ang tunay na pagkatao. Nigoel simply scratch beside his sleeping but already big manhood. Halos mapasigaw ang mga babaeng nakakita sa ginawa ni Nigoel. "Mister Fortalejo!" Sabay na lumingon si Nigoel at Mina kung saan galing ang sigaw. It was the handsome and hot CEO of De Viega Corp. "Kamusta, pare?" Ngayon lang ngumiti ng totoo si Nigoel. Napaawang ang bibig ni Mina nang makita niya sa malapitan ang lalaki. Pakiramdam ni Mina ay artista ang kaharap niya. What a great masterpiece of God Xyrex De Viega is! "I'm always fine, pare!" Lumingon siya kay Mina at tinanguan niya ang babaeng namangha sa kaniyang dating. "Hi, miss beautiful," bati pa nito kay Mina. Namula si Mina nang batiin siya ng guwapong CEO ng De Viega Corp. Hindi alam ni Mina kung tama ba ang ginawa niyang paglahad ng kaniyang kamay. She's eager to touch the bare skin of Xyrex. "Mina. Mister Nigoel Fortalejo's secretary!" Ngumiti si Mina. Nabigla si Mina sa ginawa ni Xyrex. Hinila niya papalapit sa kaniya ang babae at hinalikan niya ito sa kaniyang noo. "I don't do shake hands to a beautiful sexytary," sabi pa ni Xyrex sa kaniya nang humiwalay siya kay Mina. "That was cheesy, pare, " someone interrupted. Nigoel did. Halos hindi na kasi pinansin ng dalawa ang nakatayong si Nigoel habang binabati nila ang isa't isa. Nigoel seeks attention and he hates being ignored. "Aaron, bring them to my office," Xyrex commanded his employee. "I will pick something outside. Babalik lang ako." Nagpaalam siya sa dalawa. Tumango lang si Nigoel sa kaibigan habang si Mina naman ay kumuway pa. Kung kanina'y galit na galit si Mina sa lalaking nambastos sa kaniya. Ngayon naman ay parang nagugustuhan niya pa ang pagbigkas ni Xyrex ng sexytary na tinawag nito sa kaniya. Being called b***h and sexytary were just the same! Nigoel's mind said. Tahimik nilang tinunguhan ang opisina ni Xyrex. Iniwan sila ni Aaron sa loob ng opisina. No wonder Nigoel and Xyrex are really the same. Naging palaisipan para kay Mina kung bakit parang sala ang opisina ng dalawang lalaki. She even thought about Nigoel and Xyrex having the same interior designer in their offices. Umupo sa dulo ng sofa si Mina habang si Nigoel naman ay nasa kabilang dulo. Panay titig si Mina sa malaking litrato ni Xyrex sa pader ng kaniyang opisina. "What's it, Mina? Gusto mo ba lumipat sa opisina ni Xyrex!?" Hindi alam ni Mina kung nagbibiro o nagagalit si Nigoel. Admittedly, Nigoel was destructed the way Mina and Xyrex greeted each other earlier. Hindi niya alam bakit sobra siyang nainis kanina sa gayu'y hindi naman siya inaano ng dalawa. He hated the way Mina smiled looking at Xyrex! He hated the way Xyrex kissed Mina's forehead! "Kung makatingin ka kay Xyrex kanina ay parang hinuhubaran mo na siya," dagdag pa niya. Ang dumi ng utak ni Nigoel! Hindi nagustuhan ni Mina ang sinabi ng kaniyang amo pero hinayaan niya lang ito at hindi na pinansin. Alam kasi ni Mina na sa sigawan lang mapupunta ang eksenang ito kapag pinatulan niya pa ang kumag na amo. "He's gentle. He's a good person. And he---" "And he f**k p*****s so rough," pagpapatuloy ni Nigoel sa sinabi ni Mina. "Ano ba? Bakit galit na galit ka?" Mahinahong tanong ni Mina kay Nigoel. Natigilan si Nigoel nang marinig mula kay Mina ang tanong na iyon. Hindi niya rin alam kung bakit nagagalit siya sa tuwing binibigkas ni Mina ang kaaya-ayang deskripsiyon nito kay Xyrex. Nigoel doesn't have any clue why he was destructed all the way since Mina and Xyrex greeted each other. He was never like this! Ilang beses na niyang nakita ang mga sekretarya niya noon na bastusin ng mga manager sa AMM subalit hindi siya rumahas na magalit at ipagtanggol ang mga ito. Pero si Mina...si Mina lang ang pinagtanggol ng demonyong si Nigoel at si Mina lang ang nakapagparamdam sa kaniya kung gaano siya kainis kapag may ibang kausap ang kaniyang sekretarya. He wants an answer! Why is he becoming a bullshit possessive boss to her unwanted secretary now? Isa pa, ngayon niya pa lang nakakasama ang bagong sekretarya niya. "Next time, wear your long skirts and loss blouses! Don't you dare put lipstick on!" Nagulat si Mina sa sinabi ng kaniyang amo. Kung gaano siya kainis dahil sa old-fashioned na Mina na nakilala niya kahapon at kanina lang ay mas nainis siya sa Minang hinahangaan ng kaniyang kaibigan na si Xyrex. Ilang sekretarya na kasi ang dinala niya sa Hotel De Viega at si Mina lang ang hinalikan ni Xyrex sa noo. And that thing was bullshit! Hindi pinansin ni Mina ang lalaking kanina pa siya pinagsasabihan ng kung anu-ano. Para kay Mina ay kalas sa oras kung papansinin niya ang walang saysay na sinasabi ng lalaki. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Xyrex. "I'm sorry for making you wait, pare!" Lumingon siya kay Mina at nginitian ng malapad. "Pati na rin sa iyo, Mina." Cut smiled at Mina. "Wala 'yon," tugon ni Nigoel sa kaniyang kaibigan. Hindi na sumagot pa si Mina. Subalit malapad na ngiti ang inalay niya kay Xyrex. Habang nag-uusap ang magkaibigan tungkol sa proyekto na pinropose ni Xyrex ay abala naman sa pagsusulat ng mga importanteng bagay ang sekretarya ni Nigoel. Nakayuko si Mina habang ang ibang buhok nito ay nakaharang sa kaniyang mukha. Her shiny hair hides her cleavage and Nigoel was disappointed of that. Gusto sana titigan ni Nigoel ang guhit na nilikha nang dalawang s**o ng kaniyang sekretarya pero iyon na nga ang problema, nakaharang ang kaniyang buhok dito. Napansin ni Xyrex na pinapawisan ang kaniyang kaibigan habang maiging nakatitig sa isang tanawin... magandang tanawin. "Are you listening, pare?" Xyrex disturbed his friend. Patay-maling tumawa si Nigoel kaya naman napatingin sa kaniyang gawi si Mina. "Oo, pare! You're right! Tataas ang sale natin diyan!" Kunwari ay nakikinig si Nigoel sa sinasabi ni Xyrex. Kahit ang totoo ay nakapokus ang kaniyang titig sa kambal na bundok na nasa dibdib ni Mina. Lumapit kay Nigoel si Xyrex. "Baka maihi ka dahil sa magandang tanawin na tinitingnan mo, pare," biro ni Xyrex sa kaniya. "She's not my type!" Nigoel defended himself. Nigoel's definitely right! Mina is not her type! Mina isn't hot! Mina isn't beautiful! Mina isn't sexy! And Mina isn't fuckable! Yet, he's enjoying the beautiful view Mina unintentionally presented. "d***s don't lie, pare," natatawang biro ni Xyrex at binato ang tingin sa alaga ni Nigoel na halos butasin na ang suot na slacks. "Mina, excuse us. May personal lang kaming pag-uusapan," pakiusap ni Xyrex sa babae. "Oh, sure! Take your time!" Ngumiti si Mina. "Sir." Tumingin siya sa kaniyang amo. "Mauuna na ako sa baba. I will wait you there." Ngumiti si Mina. Tuluyan na ngang nakalabas si Mina at naiwan ang dalawang lalaki sa loob ng opisina. "s**t, pare! Ang ganda ng secretary mo! Ano!? Baka naman puwedeng pagkatapos mo siyang pagsawaan ay ipasa mo siya sa akin! I will marry her if you will let me!" Umismid si Nigoel sa sinabi ng kaibigan niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil nainggit sa kaniya ang kaibigan o maiinis siya dahil ayaw niyang may ibang tao na makakita ng ganda ni Mina. "She's different, pare! Hindi siya ang tipong sekretarya na magbibigay motibo sa isang guwapo, matipuno at may malaking alagang lalaki. Work is work for her! And she's not beautiful," giit ni Nigoel. Nigoel denied that Mina turned him on! Siguro ay napahiya siya dahil una niyang nilait at binastos si Mina kahapon nung una silang magkatagpo. Higit pa'y hindi niya matanggap na hindi binigyang pansin ni Mina ang kaniyang kaguwapuhan na kinababaliwan ng mga previous secretaries niya noon. Sa isang punto ay tama si Nigoel. Mina was different! "Baka ako ang tipo niya, pare!" Xyrex confidently said while leaning on his soft sofa. Kanina pa nawawalan ng gana makipag-usap kay Xyrex si Nigoel. Kanina pa niya gustong pagbalaan ang kaibigan na hindi niya puwedeng magustuhan si Mina. "She don't like you," giit ni Nigoel. "How do you say so?" Ngumiti pa si Xyrex kaya naman halos mapikon na sa kaniya si Nigoel. "The way she looks at me, she smiles at me and the way she uttered my name...dun pa lang, I am sure that she likes me, pare!" Umiling-iling pa ang lalaki. Hindi puwede! Hindi puwedeng si Xyrex pa ang magustuhan ni Mina habang wala lang siya para kay Mina. Nigoel was confident that he looks better than his friend. He has a big c**k compared to Xyrex. He has many p*****s f****d than his friend! He's better than Xyrex. "You're too confident!" Tumawa si Nigoel. After they talked about Mina, Nigoel bade good bye. He hated Mina, right? But right now, all he want to do is to see Mina. Gusto niyang masiguro na walang sinumang lalaki ang nakikipag-usap sa babae. Gusto niya makita kung ano ang ginagawa ni Mina sa oras na ito. Naratnan ni Nigoel si Mina na nakasandal sa kotse habang tinukod ang mga braso niya rito. Nakalugay ang mahabang buhok ng babae habang nakatanaw siya sa malayo. Natigil sa paglalakad ang lalaki at maigi niyang pinagmasdan si Mina. Hindi maaaring magustuhan niya si Mina. Hindi puwede dahil alam niyang masasaktan lang siya. Mina hates him! Mina doesn't like him because he's evil. Bastos ang ugali niya at alam niyang mga tulad ni Xyrex ang gusto ni Mina. Nasaktan siya sa unang pagkakataon. He hated himself too because he's acting like this. Supposedly he already fired Mina because of the mess she caused inside his office and in the mall. But how ironic because he cannot do so! Hindi niya magawang sesantehin ang kaniyang sekretarya. Kung tutuusin ay isang araw pa lang niya nakakasama si Mina. Isang araw pa lang subalit ito na ang nararamdaman niya. How much more if he will share more days with her? Mababaliw si Nigoel! Mababaliw siya sa kaiisip kung ano ang nangyayari sa kaniya. Muling naisip ni Nigoel paano tumingin si Mina kay Xyrex kaya naman ay nainis siya sa babae. "Alis," malamig na sabi ni Nigoel sa babae. Tumabi si Mina. He opened the door of his car. Then, he hopped in. He started the engine and drive his god-damned car away. Nakatulala lang si Mina dahil hindi niya alam bakit siya iniwan ng kaniyang amo. Naging palaisipan para kay Mina ang ginawa ng kaniyang amo. Walang kasalanan si Mina sa lalaki pero bakit ganun na lang kung makitungo sa kaniya si Nigoel. Kahit respetuhin niya man lang sana si Mina bilang isang tao ay sapat na 'yon. Kaso, ang ginawa ni Nigoel ay lubos na nakakawalang gana. Para kay Mina ay nabawasan ang p*********i ng kaniyang amo. "Mina!?" Lumingon siya sa lalaking dumating. Malapad na ngiti ang ganti ni Mina kay Xyrex. "Bakit ka nandito? Mag-isa ka ba?" Palinga-linga si Xyrex. "Nasaan si Nigoel?" Tanong ni Xyrex sa babae. Gustong tumawa ni Mina dahil sa tanong ni Xyrex. Natatawa kasi siya kung paano siya tratuhin ng kaniyang amo kanina. Iniwan ba naman siya nito sa hindi niya alam na dahilan. "He left," Mina simply answered. Darn it! Pinagtanggol ni Nigoel si Mina kanina pero ngayon iniwan niya ito. Ang higit na nakakatawa, walang matinong rason bakit niya iniwan ang babae. "Stay here. Kukunin ko lang ang sasakyan ko." Paalam ni Xyrex at agad siyang umalis papunta sa kaniyang sasakyan. Ilang minuto ang lumipas ay hininto ni Xyrex ang kaniyang sasakyan sa tapat ni Mina. Lumabas ang lalaki at agad niyang pinagbuksan ng pinto si Mina bago siya muling pumasok sa kaniyang sasakyan. "Hop in! Ihahatid kita sa inyo!" "Thanks," sabi ni Mina nang makapasok na siya sa loob ng kotse ni Xyrex. Huminga ng malalim si Mina dahil sa pagod na naramdaman niya. This day made her tired and sleepy. Nawala ang antok ni Mina nang makita ang sasakyan ni Nigoel na nakaharang sa harapan ng kotseng sinasakyan niya. Napailing na nilabas ni Xyrex ang ulo niya at sinilip ang kaibigan. "Pare, padaan naman. Baka lang!?" Muling napailing si Xyrex nang napasok ang ulo niya sa loob ng kaniyang kotse. Sa halip na makinig ay lumabas mula sa kaniyang kotse si Nigoel at pumunta sa gawi saan nakaupo si Mina. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan ni Xyrex at hinila niya papalabas mula rito si Mina. Kumibit-balikat na lamang si Xyrex dahil sa ginawa ng kaibigan. Natameme si Mina dahil sa ginawa ni Nigoel. Akala niya ay tuluyan na siyang iniwan ng amo niya pero bumalik ito at dinampot siya mula sa loob ng kotse ni Xyrex. NASA KALAGITNAAN na sila ng daan at walang sinuman sa kanila ang dumaas na magsalita. "What the hell are you doing, Mina!?" Si Nigoel pa ang may ganang nagtanong nito sa babae sa gayu'y siya ang dapat na makatanggap ng katanungan na ito mula kay Mina. Walang ibang gustong mangyari si Mina kun'di ang makauwi na at makapagpahinga. Sobra siyang napagod dahil marami ang nangyari sa araw na ito. Gusto niya na rin makita at kamustahin ang kaniyang anak na si Ami. "Bingi ka ba? Tinatanong ko kung ano ang nangyari sa iyo!?" Huminga ng malalim si Mina. "Nangyaring ano? Ako ang dapat na magtanong sa iyo kung bakit ka ganiyan magsalita at bakit ganiyan ka kumilos!? Sige nga, sir, ano'ng nangyari sa iyo!?" Mina crossed her arms. Halos mabunggo ang ulo ni Mina dahil sa biglaang pagpreno ng kaniyang amo. Malakas na binunggo ni Nigoel ang ibabang parte ng kaniyang mga palad sa manibela dahil sa galit niya. "Don't you dare talk back to me, Mina!" Baliw na nga si Nigoel. Kanina'y tinatanong niya kung ano ang nangyayari kay Mina at ngayon nagagalit na naman siya dahil nagsalita si Mina. "Ala---" "Sabi kong h'wag kang magsalita pabalik sa akin, Mina! You're just my secretary!" "And you're just my boss, Mister Fortalejo!" Gustong magtimpi ni Mina pero hindi niya na ito nagawa dahil sa inis sa lalaki. Pagod siya at gusto niya na talagang magpahinga. Kung tahimik lang na magmaneho ang kaniyang amo ay may pagkakataon siyang makapagpahinga sa biyahe. Pero hindi e. Sa halip na manahimik ay dumada pa ito. "Alam mo sir, kanina pa ako nalilito sa iyo! Hindi kita ma-gets?" "Bakit ka sumakay sa kotse ni Xyrex?" Nanginginig ang boses ni Nigoel at halos pumutok ang ugat sa gilid ng kaniyang noo . He's freaking mad. "Wala akong masakyan. Nag-alok siya kaya sumakay ako," sabi ni Mina. "Iniwan mo rin ako," dagdag pa nito. Kinuyom ni Nigoel ang kaniyang mga kamao at minabuti niyang idiin ang mga ito sa driver's seat nang sa ganun ay hindi niya masuntok ang bintana ng kaniyang kotse. "Sabi kong, don't talk back!" Sumigaw si Nigoel. Pumikit si Mina at sinabunutan niya ang sariling buhok dahil sobra na siyang nalito. "Tanong ka ng tanong! Tapos ayaw mo naman na sagutin ka!?" "Anong ginawa niyo sa loob ng kotse niya? Hinalikan ka ba niya? Does his filthy hands touched you!?" Makasabi ng filthy ay parang santo. "Marumi lang ang utak mo!" "Sabing, don't talk back!" Inulit na naman ni Nigoel ang mga katagang ito. Minulat ni Mina ang kaniyang mga mata dahil lubos na siyang napipikon sa kausap. Walang kuwentang kausap. "Then, don't ask me a question!" naririndi niyang sigaw. Parang mag-asawa kung magsagutan ang dalawa. "Ano nga sabi ang ginawa niya sa iyo!?" "Baka ikaw ang may ginagawa sa bawat babaeng sinasakay mo sa kotse mo na ito, sir!? Huwag mo ipasa sa kaibigan mo ang kaugalian na mayroon ka!" "Answer me, Mina!" Lumingon si Nigoel at nakita ni Mina ang malulusog na butil ng mga pawis na tumatagaktak mula sa gilid ng noo ni Nigoel tungo sa ibabaw ng sandalan ng kaniyang kotse. Ano ba ang gustong marinig ni Nigoel kay Mina? Sa reaction pa lang ni Mina ay masyadong obvious na wala silang ginawa ni Xyrex. Nagmabuting loob lang si Xyrex kanina dahil iniwan niya si Mina. "I am not obligated to tell you my personal life, sir! Kung ano ang ginawa ni Xyrex sa akin sa loob ng kaniyang kotse ay amin na iyon. Will you please observe and respect people's privacy?" Tumingin siya sa labas ng kotse. "Isa pa, sabi mo nga, I'm just your secretary. You'll be paying my service as your secretary and not how I tell you my personal life." Huminga ng malalim si Mina habang binuksan ang pinto ng kotse. Lumabas si Mina mula sa kotse ng lalaki at agad siyang pumara ng taxi. Gusto mang pigilan ni Nigoel ang babae ay mas pinili niya ang manahimik at magwala sa loob ng kotse. "URGH! BULLSHIT!" Sumigaw si Nigoel sa loob ng kaniyang kotse habang may kung anu-anong sinisipa sa baba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD