Prologue
Pinilit kong hindi madistract sa ingay ng mga roommates na sobrang excited sa event ngayon. Alas singko palang naghalo na yung amoy ng perfume sa loob ng kwarto, ni wala nga yatang sapat na tulog ang mga ito.
"Si Mich ba di pupunta?" Rinig kong tanong ni Aya na nasa gawing taas ko lang. Nagkunwari parin akong mahimbing na natutulog sa pwesto.
"Mukhang magkukulong na naman to sa kwarto buong araw"
"Baka nga, try nalang natin bukas kung sasama"
Ilang usapan pa yung narinig ko hangga't di ko nalang namalayan ang mag sumunod na nangyari. Nagising ako sa lamig ng kama, dahan dahan kong pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto. Natakpan ang sikat ng araw sa asul na kurtina sa bintana.
Madilim, malungkot, tahimik.
Ganto yung buhay na meron ako ilang taon na ang nakakalipas. Sa tatlong lugar lang nakapalibot ang buhay ko magmula nung nag aral ng kolehiyo.
KWARTO, nangunguna sa listahan.
Tumunog yung bagay sa ilalim ng unan kaya't agat ko itong kinapa tsaka itinapat sa tenga.
"Lumabas ka" panimula ni Duke sa kabilang linya.
"Magandang Buhay" walang ganang sagot ko habang ramdam ang pagod sa sistema. Kung di pa ako bumangon di ko maramdaman ang gutom, sabayan pa nitong lalaking tumawag na palaging sumasalungat sa mga desisyon ko sa buhay.